Lunes na naman, dating gawi. Maliligo ng maaga, mag aalmusal, mag-aayos ng sarili, aayusin ang mga gamit at ichecheck kung may kulang, aalis ng bahay, papasok sa school at uuwi. Buhay estudyante.
"Kaylan ba ko magiging adult at nang magkatrabaho na?"
"Magtapos ka muna ng pag aaral kung gusto mong magtrabaho!"
Paglingon ko, kita ko na naman si Sarvin.
Parang lagi ko nalang ito nakakasabay sa mga nakalipas na mga araw. Wala naman kaming activities or project na magkasama kami pero lagi syang sumasabay sakin kapag nakikita nya ko.
Hindi ko nalang masyado sya pinansin, nagpatuloy lang ako sa paglalakad na parang walang kasama.
"May gagawin ka ba mamaya pagkatapos ng klase?" tanong nya.
Umiling ako,"wala naman."
"Good!"
Napabaling naman ako sa kanya saka sinundan sya ng tingin dahil bigla syang nauna sa paglalakad.
"Weird."
Pagdating ng classroom gaya pa rin ng dati, magulong mga upuan at may kanya kanyang grupo. May labing limang minuto pa bago magsimula ang klase namin. Pagpunta ko sa desk ko saka ko lang narealise yung katabi ko.
"Bakit dyan ka nakaupo?" tanong ko.
"Eh diba sabi ko sayo lilipat ako ng upuan?" sagot naman nya.
Umiling iling nalang ako tapos kinuha yung notebook ko. Pagbukas ko ng bag, nakita ko yung libro na binili ko sa national bookstore. Kaya pala nakailang halughog ako kanina sa kwarto andito lang pala to sa bag.
Pag uwi ko ng bahay nung sabado, binasa ko kaagad tong story. Nakakalimang chapter palang ako dahil inatake ako ng antok. Habang binabasa ko yung kwento, pakiramdam ko ako yung nasa kwento. Parang ang sarap magkaroon ng stepbrother, charowt. Medyo excited ako sa ibang scene. Habang binabasa ko kasi nakikita ko yung imahe ng bawat karakter na nasa kwento.
"Heiydra!"
"Hoy Nahlia! Halika nga rito!" nagulat ako sa pagtawag sakin ni Eliana.
Sa itsura nito, mukhang may problema ito. Dahil bihira ko sya makitang ganon.
"Ano yon, Eliana?"
May kinuha syang papel tapos nagpalinga linga pa sya na parang tinitingnan kung may nakatingin ba sa gagawin nya bukod sa akin.
"Totoo ba?" pinakita nya sakin yung sinulat nya sa papel.
Sarvin and Nahlia the storymaker sila na omg!
"Yan yung narinig ko kanina habang papunta ako dito sa classroom."
"Sino naman nagsabi nyan?"
"Madami sila. Hindi lang isang tao," sabi pa nya.
"Wow pati yung hobby ko kalat na kalat na din. Kayo lang naman nakakaalam non hindi ba bukod don sa pito-" tapos tumingin ako kay Sarvin na tila inosente kung makatingin. "Teka.. bakit naman nila nasabi yan?"
"Ewan ko. Hindi ko rin alam. Saka sa pagkakaalam ko wala ka namang crush kay Sarvin at hindi naman kayo nagliligawan pano magiging kayo?" tanong nya.
"Anong meron?" biglang singit ni Sarvin sa usapan.
Bigla kong kinuha yung papel saka nilamukos at pinasok sa bulsa ng palda ko,"wala. Y-yung ano-"
"Yung mga nagkakagusto sayo gumawa ng fans club. Iniinvite kami ni Nahlia, gusto mo sumama?" biglang putol ni Eliana sa sasabihin ko."
Narinig kong tumawa si Sarvin.
Ano pa nga ba?! Wala naman kasi talaga itong pakialam sa mga nagkakagusto at nagkakacrush sa kanya.
"Hayaan nyo sila. Natatawa ako," tapos humagalpak pa sya ng tawa.
"Girl, mag ingat ka mamaya paglabas mo ng school mukhang may mag aabang sayo mamaya," bulong ni Eliana sakin.
Dumating na agad yung teacher namin kaya hindi na ko nakapagsalita sa binulong ni Eliana sa akin. Medyo natatawa rin ako sa mga nangyayari. Ano bang trip nong taong nagpapakalat ng fake news?
Tapos susugurin nila ko dahil sa fake news?
"Tara, Nahlia. Samahan mo ako!" hindi ako nakatanggi dahil bigla naman akong hinatak ng mokong.
Katatapos lang ng klase namin. Hindi ko rin naisara yung bag ko dahil sa ginawang paghatak nya saken. Wala naman akong ideya kung saan kami pupunta kaya hinayaan ko nalang sya habang pinipilit kong isara yung bag ko. Baka kasi mahulog yung libro nakakailang page palang ako doon hindi ko pa natatapos.
Pumasok kami sa isang building na ngayon ko lang nakita. Nung una pinilit kong kumalas sa pagkakahawak nya dahil kinabahan ako na baka kung ano ang pwede nyang gawin. Alas singko na rin ng hapon baka matagalan kami, makita na naman ni papa yung pag uwi ko ng late. Baka this time magkaroon na ko ng halo.
"T-teka, anong gagawin natin dito?" napatanong ako dahil sa kaba ko.
Tumawa naman sya,"wag kang mag alala wala kong gagawin sayo."
Nagpatuloy pa kami sa paglalakad tapos pumasok kami ng elevator at huminto sa third floor saka lumabas.
Hindi ko alam kung ano itong nilalakaran namin pero habang tumatagal lalo akong kinakabahan dahil puro pintuan nakikita ko. Magagandang pintuan. Naalala ko yung mga napapanuod ko sa mga movies, yung hotel. Dahil para ngang hotel itong nilalakaran namin. Unang beses ko lang din nakapunta rito. Malapit lang din ito sa school namin. Hindi pwedeng gumana ang imahinasyon ko ngayon dito dahil hindi ko kaya. Inosente pa ko.
"Andito na kami," napatingin ako sa loob ng isang kwarto.
Nakita ko sila Callen at Rae sa loob. Nanlaki yung mga mata ko saka nagpupumiglas.
"Teka.." pigil ni Sarvin.
"Akala ko tayo tayo lang? Sinama mo pa talaga si Nahlia," ani Rae.
"Para naman masaya ano. Kasama naman natin sya nung sabado kaya sama nalang natin sya ngayon dito," sabi naman ni Sarvin.
"A-anong gagawin nyo sakin?" sabay sabay naman silang napatingin sa akin.
Sampung segundo.. sampung segundo saka naman sila tumawa.
"Wala kaming gagawin sayo. Gusto ka lang isama ni Sarvin sa celebration," sagot naman ni Callen.
"Celebration?"
"Oo. Birthday kasi ni Callen ngayon. Ayaw nya naman ng magarang party pero... hindi ba alam ng papa mo?" sabi naman ni Rae.
Napansin kong hindi nakaimik si Callen sa tanong ni Rae. Mukhang may something na hindi ko na dapat malaman dahil hindi naman kami totally close. Pero ano bang meron bukod sa celebration?
Pumasok na kami sa loob ni Sarvin saka naman sinara yung kwarto.
Dormitory pala itong pinasukan namin na pagmamay ari ng pamilya ni Rae. Ngayon ko lang nalaman na sila din yung may ari ng school kung saan kami nag aaral. Hindi ko maimagine kung gano kayaman sila Rae dahil hindi naman kasi kami mayaman. May kaya lang ganon. Sapat lang na mabuhay, ganon. Siguro hindi lang si Rae, lahat siguro silang pito.
Saka ko naisip na bakit nga ba tatlo lang sila nagcelebrate,"tatlo lang kayo? Y-yung apat.. hindi nila alam?"
"Ah papunta na rin sila!" nakangiting sagot ni Sarvin.
"H-ha?"
Pagkasabi non, bigla naman kaming nakarinig ng katok mula sa pinto.
Tumayo si Rae para magbukas ng pinto. Saka ko naman naalala yung isang beses na nakausap ko si Bracken. Sigurong nandyan sa labas si Bracken at hindi ko alam kung paano ko sya haharapin dahil hindi maganda ang pag uusap namin non tungkol kay Sarvin, na hindi ko malaman kung totoo ba yung sinasabi nya o niloloko lang nya ako.
"Andito na pala lahat eh, let's start the party!" nagkasalubong ang mga mata namin ni Bracken. "Oh, hi Nahlia."
BINABASA MO ANG
Imahinasyon
عاطفيةNaranasan mo na bang magmahal sa maling tao sa tamang panahon? Gaano ka katapang na sambahin siya kahit may gusto siyang iba? Si Nahlia ay naging sikreto ang pagsusulat mula noong siya ay nasa elementarya. Ang mga nakapaligid sa kanya ay walang kama...