"Sorry, Eliana. Maghiwalay na tayo!" malungkot na sabi ni Sarvin.
Dahan dahang tumingin sa mga mata ni Sarvin si Eliana upang malaman kung sinsero ba anng sinasabi nito o baka nagbibiro lang dahil madalas itong magbiro sa kanya ng ganon kaya hindi sya kumbinsido sa ikinikilos nito. Ngunit ang mga mata'y tila nagsasabi ng katotohanan.
"Prank na naman ba ito?" tapos tumawa sya.
Umiling si Sarvin.
Napahawak nalang sa dalawang balikat ni Sarvin si Eliana habang unti unting bumabagsak ang mga luha,"d-diba.. diba lagi ka lang naman nagbibiro ng ganyan? Sabihin mo saking prank lang to!" ngunit walang sagot na nagmula sa binata. "Sarvin.. Sarvin, ano ba?!"
Ngunit nanatili lamang na tahimik ang binata.
"Bakit?.. Bakit Sarvin?" tuluyan ng umiyak si Eliana.
"B-buntis si Debbie."
"H-ha? S-sinong Debbie?" nagtatakang tanong ni Eliana.
Umiiyak na din ang binata. Hindi alam kung paano magpapaliwanag dahil maging siya ay naguguluhan sa mga nangyayari.
"Nakailang rounds kayo? Kailan pa? Mas masarap ba sya kaysa sakin? Gusto mo pala ng anak bakit hindi mo ko sinabihan! S-Sarvin..." humahagulhol na siya. "Hindi pa ba ako sapat? Bakit.. bakit hindi nalang ako?"
"Patawarin mo ako, Eliana. Hindi ko din ito ginusto-"
"Eh bat may nabuo kung di mo pala ginusto? Ano kusa nalang ba pumasok yung ano mo sa loob nya tapos nagmeet sila tapos nabuo? Ganon ba? Magic lang?"
"Hindi ko alam na magaling ka pala sa science.."
"Tanga ka ba o nagtatanga-tangahan ka lang? Wala ka ngayon dito kung hindi ka nabuo ng mga magulang mo!"
Nagpatuloy sa pag-iyak ang dalawa.
Sobrang sakit ang nararamdaman ni Eliana dahil sa inamin sa kanya ni Sarvin. Ipinaglaban niya ito sa kahit kanino, maging sa kanyang pamilya na halos itakwil na sya dahil sa lalaking ito tapos ganon lang ang mapapala nya.
"Tama pala sila mama, ano. Manloloko ka! Hindi kita deserve. HIndi mo deserve ng kagaya ko. Hindi mo deserve ng pagmamahal dahil hayup ka! S-sana... sana... sana hindi nalang kita nakilala kung alam ko lang na ganito ang gagawin mo sa akin. Sana hindi nalang kita ipinaglaban sa kanilang lahat. Takot na takot pa naman akong masabihang duwag dahil hindi kita naipaglaban tapos ganto lang pala mapapala ko. S-Sarvin.. Hindi ko na kaya. Napapagod na ko." lalo pang bumuhos ang napakaraming luha sa mga mata nya.
Tila nakikiramay ang panahon dahil bigla namang bumagsak ang napakalakas na ulan. Hindi iyon inaasahan dahil sobrang ganda ng panahon. Marahil damang dama ng panahon ang sakit na kanyang nararamdaman kaya naman sumabay na rin ito sa pag iyak.
"E-Eliana.." biglang hawak nito sa mga kamay niya.
"Bitawan mo ko. Nandidiri ako sayo!"
Tulad ng kanyang sinabi, bumitaw din naman ito. Naglakad si Eliana palayo kay Sarvin, nanghihina na rin dahil sa kanyang nararamdaman. Tila nanlalabo na rin ang kanyang mga mata kaya naman hindi niya makita ang kanyang dinaraanan. Kaya sa di inaasahan, bigla na lamang siya napunta sa bangin at tuluyang nahulog sa napakalalim na bangin.
Nakita ito ni Sarvin ngunit huli na, "ELIANA!"
"Wakas!"
"Hoy bat mo naman ako pinatay sa kwento mo? Tapos pinaghiwalay mo pa kami ni Sarvin. Nakakainis ka naman!" reklamo ni Eliana.
"Wala kasing forever!"
"OMG! So papatayin mo rin kami?" nahihintakutang tanong naman ni Darcy.
"Syempre! Ako nagsusulat eh. Pwede kayo magreklamo pero ako nagsusulat!" sagot ko.
BINABASA MO ANG
Imahinasyon
RomanceNaranasan mo na bang magmahal sa maling tao sa tamang panahon? Gaano ka katapang na sambahin siya kahit may gusto siyang iba? Si Nahlia ay naging sikreto ang pagsusulat mula noong siya ay nasa elementarya. Ang mga nakapaligid sa kanya ay walang kama...