"Ang boring! Walang bagong istorya dyan, Nahlia?" tanong ni Keira.
"Wala pa kong nadagdag na bagong chapter. Busy pa ko sa pagbubuod ng project kay Mr. Henry," sagot ko habang nakatutok pa din ang mata sa libro ng noli me tangere.
Sa totoo lang, ayoko ng dagdagan yung story na yon dahil sa kahihiyang nangyari sakin kahapon. Kahit sino naman sa lugar ko lalo na kung story-maker ka, baka isipin pa nilang baliw ako dahil sa ginagawa ko. Gusto ko ang pagsusulat pero hindi ako proud na isa akong writer. Hays!
"Naghihintay pa naman ako sa moment namin ni Sarvin. Oo nga pala kamusta kayo kahapon? Nagtanong ba sya tungkol sakin?" kinikilig na tanong naman ni Eliana.
"Iba na pala ang pangarap ko pagkacollege," saad ko.
"Ha?" naguguluhang tanong nung tatlo.
"Sabi ko hindi na ko magiging sikat na writer!"
"Bakit naman? Ang ganda kaya ng gawa mo!" ani Darcy.
"Nako, ituloy mo yan. Kailangan maikasal muna kami ni Rae bago ka magpalit ng gusto mong gawin," sabi naman ni Eliana.
"Bakit naman kayo ikakasal? Hindi naman kayo!"
Sabay-sabay silang tumingin sakin na tila naiinis. Doon naman ako tumawa. Yung pang-iinis ko ngayon sa kanila kulang pa yon sa ginawa nilang katangahan. Sinabi ko na nung umpisa palang na hindi pwedeng makalabas sa section namin ang tungkol sa pagsusulat ko pero ano ginawa nila. Naiimagine ko palang kung pano sila nagkwentuhan at nahuli sila, gusto ko na silang sabunutan.
"Naisip kong wag ng tapusin yong story dahil mga tanga kayo!"
"Ha? Pinagsasabi mo? Makatanga ka ah!" kontra naman ni Eliana.
"So, nagkaamnesia kayo? Gusto nyo umpog ko ulo nyo sa pader para maalala nyo?"
"Teka ano ba kasi yon?" naguguluhan namang tanong ni Keira.
"Oh.. Oo nga pala. Kayo kasi eh!" sisi naman ni Darcy sa kanila.
"Bakit naging kasalanan namin? Ano bang ginawa namin?" sabay na tanong ng dalawa.
"Eh diba kahapon sa sobrang kilig nyo don sa banyo hanggang paglabas nagkukwentuhan kayo dahil sa scene nyo? Tapos bigla namang sumulpot yung pito at nakorner tayo.. este kayo lang kasi lumayo ako. Tapos narinig ko kayo nung tinanong nila kayo kung ano pinagkukwentuhan nyo kasi narinig nila pangalan nila. Kilig na kilig pa nga kayo nung kinorner kayo eh!" paliwanag ni Darcy.
Lumapit yung dalawa sakin,"sorry na, Nahlia. N-na carried away lang!" depensa ni Eliana.
"Kaya hindi nakakapagtataka kung bakit sakin lumapit yung dalawang asungot nung sinabing magbubuod. Ano ba mag-ingat naman kayo! Umpisa palang sinabi ko na sa inyo na sikreto lang pero anong ginawa nyo?" iiling-iling na sabi ko.
"Eh, bat ba kasi ayaw mo ipaalam? Talent naman yan ah!" ani Keira.
"Hindi nyo kasi naiintindihan. Oo talent sya sa tingin nyo pero hindi nyo naiintindihan kung bakit kailangan kong isekreto. Kayo ba, kapag pinagsigawan ko kung sinong mga crush nyo, kung sino yung sobrang kinikilig kayo tapos halos maihi kayo dyan, matutuwa ba kayo? Diba hindi?!" sermon ko.
"Sorry na. Hindi na namin uulitin. Kaya please lang, tapusin mo yong story. Balak ko pa naman ipapublish mo yan para may remembrance ka samin," ani Keira.
"Bat kayo nagdedesisyon?"
Tahimik nalang sila.
"Sa totoo lang, dahil sa nangyari feeling ko napahiya ako. Kaya ayoko na sana ituloy. Balak ko palitan ng bagong characters pero naisip ko wag nalang ituloy," walang gana kong sabi.
BINABASA MO ANG
Imahinasyon
RomansaNaranasan mo na bang magmahal sa maling tao sa tamang panahon? Gaano ka katapang na sambahin siya kahit may gusto siyang iba? Si Nahlia ay naging sikreto ang pagsusulat mula noong siya ay nasa elementarya. Ang mga nakapaligid sa kanya ay walang kama...