Chapter 4: Careless

3 0 0
                                    

Gaya ng napag-usapan, nagtungo na nga kaming apat nila Darcy, Sarvin at Rae sa lugar kung saan namin pag-uusapan yung pagbubuod ng chapter na binigay samin. Para sakin hindi naman ganon kahirap ang magbuod kasi kapag nabasa mo na ng buo ang isang chapter madali mo ng maisusulat o mapapaikli yung chapter na yon. Hindi ko alam kung kagaya nga ba nila ako na ganon ang strategy dahil alam ko rin naman na magkakaiba din naman ang mga tao. Nakadepende kung paano nila magagawang magbuod ng mahabang kwento.

Ang bilang ng pages na ibubuod namin labing-lima lamang tapos apat naman kami siguro hindi naman ako mahihirapang makasama tong tatlo lalo na tong dalawang lalaki na to.

"Nagsusulat ka pala ng story?" tanong ni Sarvin.

"Ah.. Ano libangan ko lang!" sagot ko tapos nakatingin pa rin ako sa libro na kunwari focus pa din sa paghahanap ng page ng chapter namin.

"Grabi namang libangan nyan, boring!" sabi naman ni Rae na natawa pa.

Hindi ko nalang pinansin yung sinabi ni Rae. Gusto ko kaagad matapos tong gagawin namin para makauwi na rin ako. Di ko talaga kayang makasama ng matagal tong dalawa.

"Pero mukhang hindi boring yung sinusulat nya," sabi naman ni Sarvin na natigilan naman ako sa ginagawa ko. "Hindi boring dahil kami mismo ang mga karakter diyan. Hindi ba?"

Naramdaman ko yung paglapit ng hininga nya. Lalo lang ako nakumbinsi na wag ng lumingon sa kanila.

"Magbubuod ba tayo o magkukwentuhan nalang?"

"Crush mo ba kaming pito kaya ka nagsusulat ng istorya na kami ang mga bida?" patuloy pa ni Sarvin.

Nainis ako kaya naman umangat na ko ng tingin tapos di ko inaasahan na napakalapit ng mukha nya muntikan pa magdikit yung mga labi namin. First kiss ko yon pag nagkataon. Limang segundo saka ako umatras para hindi matuluyan.

"Wala akong crush sa inyo. Nabasa nyo ba yung mga sinusulat ko para sabihin mong crush ko kayong lahat?" natawa ako ng mapakla. "Minsan kapag wala akong maisip na pangalan, kailangan ko manghirap o gumamit ng pangalan sa mga taong nasa paligid ko. Unfair naman siguro na kayong dalawa lang ang gagamitan ko ng pangalan dahil kayo lang mga kaklase ko sa section natin. Wag nga kayong assuming. Bakit di mo nalang itanong sakin kung sino mga pinares ko sa inyo don edi sana mabilis mo nang nalaman," medyo na iinis na rin talaga ako.

"Sarv, story lang naman yon. Baka nga fiction lang yon imposibleng magkatotoo," saad naman ni Rae.

"Pwede bang tayong dalawa Nahlia ang maging magkapartner dyan sa story mo? Parang mas gusto ko yon. Wag mo ako ipapares sa iba gusto ko sayo," nakangiti pa ang loko.

"Author ako, hindi ako kasali sa mga kasama sa story. Kaya pwede ba simulan na natin tong chapter natin," sagot ko.

"Edi gumawa ka ng character mo tapos tayo magiging magkapartner," humihirit pa talaga.

"Ewan ko sayo, Sarvin! Kapag hindi pa natin sinimulan tong gagawin natin bahala na kayo!"

Dahil sa sinabi ko sumunod naman sila. Chapter 7 ang parte ng noli me tangere ang ibinigay samin kung saan may apat na karakter dito. Ang eksenang gagawin lang namin na gagawing video ay ang biglaang paglabas ng simbahan ni Maria Clara at ang pagdating ni Ibarra. Pinagtapat kay Maria Clara ang kanyang pagmamahal kasama roon si Captain Tiago.

Dito sa eksenang ito ako lalong inaasar ni Sarvin. Ako daw si Maria Clara tapos sya si Ibarra. Si Rae si Captain Tiago at si Darcy naman ang Aunt Isabel.

Sinabi kong ako nalang si Aunt Isabel ngunit maging si Darcy sinasang-ayunan ang kalokohan ni Sarvin. Wala akong nagawa kundi hayaan nalang. Kaunti nalang naman ang eksena. Ang pinakapokus lang ng magiging eksena na ipapasa naming video kung saan pinipilit ni Maria Clara na patunayan ni Ibarra kung nagsasabi ba ito ng katotohanan na siya lamang ba talaga ang babae sa buhay nito sa nakalipas na pitong taon. Kaya naman kinuha ng ama ni Maria Clara ang sulat na patunay kung gaano ito kasincere sa mga sinasabi nitong pagmamahal sa dalaga. Sinimulang basahin ito ng kanyang ama.

"Sa iyo, ang hinaharap ay nagbubukas ng mga pintuan nito, sa akin ito ay nagsasara sa kanila. Ang pag-ibig mo ngayon ay uusbong, ang aking kasinungalingan ay namamatay," sabi sa kanya ng kanyang ama. "Gayunpaman umiiyak ka at hindi mo maisip kung paano magsakripisyo ngayon para sa isang kapaki-pakinabang na bukas, para sa iyo at sa iyong bansa!" Nang marinig na binasa muli ni María Clara ang mga linyang ito sa kanya, namutla si Ibarra, sinabi sa kanya na kailangan niyang umalis dahil "nakalimutan niyang ang mga responsibilidad."

"Bakit ba itong chapter na to napunta satin?" reklamo ko.

"Wag ka na magreklamo. Parang talo ka pa dahil kagrupo mo kami," sabi naman ni Rae.

Nagtawanan pa yung dalawa tapos si Darcy nakatingin lang samin.

"Sige na, sa bahay ko nalang ibubuod to. Gumawa kayo ng props para okay tayo!"

"Oo naman para sayo!" sagot naman ni Sarvin.

Umiiling-iling nalang ako na nagliligpit ng mga gamit ko. Wala na akong pakialam kung ano mga gagawin nila. Naiinis ako kay Mr. Henry sa binigay na part samin. Hindi ako natutuwa. Masayang magsulat pero hindi masaya gumanap. Sana lang ay matapos rin agad namin ito dahil hindi ko na kayang makasama pa ng matagal sa groupings itong dalawa.

"Ano ginagawa nyo rito?" isang bagong boses ang dumating pero hindi ko na pinansin. Busy ako sa pag aayos ng mga gamit ko.

"Nagliligawan ba kayo?" sabay tawa pa nong isa.

"Oo si Sarvin nanliligaw," sagot naman ni Rae.

Ayoko lumingon pero sadyang di ko kontrolado ang ulo ko ngayon.

Nakita ko ang lima pa nilang kabarkada. Bali kumpleto na sila. Masama akong tumingin sa kanila. Hindi ako natutuwa sa mga sinasabi nila.

"Diba siya yung nagsusulat ng story tapos tayo yung mga protagonist?" tanong naman ng isa na sa tingin ko si Bracken sinabayan pa ng tawa. Tumawa na rin yung iba sa kanila.

Naiinis este nagagalit na ko ng mga oras na to. Pakiramdam ko napapahiya ako dahil sa reaksyon nila nang malaman nila na nagsusulat ako at sila ang mga pangunahing karakter doon sa istoryang ginagawa ko. Para sa akin walang mali doon kaso nag-iiba ang interpretasyon sa kanila. Kung di ba naman isang daang porsyento ng katangahan ang meron kay Eliana at kiera edi sana matiwasay ang buhay ko ngayon.

Walang pasabi na iniwan ko na sila. Wala akong pakialam kung tatawagin nila o hindi, kung susundan ako o hindi. Basta hindi na ko nagpaalam at dire-diretso ng naglakad palayo sa pitong asungot na yon.

"Nahlia, wait lang!" narinig kong sabi ni Darcy pero hindi na ako lumingon.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Gusto kong makalayo at kalimutan ang pitong kupal na yon. Kapag hindi pa rin ako naging okay baka hindi ko na matapos ang istoryang ginagawa ko. Masyado na silang natutuwa na laitin ang ginagawa ko. Hindi ba nila naisip kung gano kahirap magsulat?

"Pasensya na Eliana, Kiera at Darcy, mukhang mapipilitan akong palitan ang mga character sa kwentong iyon. Kung nag-ingat lang sana kayo edi sana may mga happy ending kayo.

ImahinasyonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon