Chapter 4

4.6K 215 70
                                    

"Bakit sa sementeryo mo gustong makipagkita?"

"Kasi patay na patay ako sa'yo..." seryoso kong sagot kay Enrique.

Gulat itong napatingin sa akin. I laughed out loud.

"Biro lang, oy!"

He looked away, his jaw clenching. "Huwag kang magbibiro nang ganyan..."

I tilted my head. "Bakit?"

Hindi niya ako sinagot. Ang hilig mang-seen ng lalaking ito! Kaya sa sementeryo ako nakipagkita dahil gusto ko ding dumalaw at nagtitipid ako sa pamasahe pero syempre hindi ko sasabihin sa kaniya yun! Nakakahiya kaya...

"Isa pa, gusto naman ni Chuchay dito. Dati niya 'tong teritoryo, eh. Siya ang reyna dito..." I kidded.

Enrique sighed. Nababanas na siguro 'to dahil sa mga jokes ko. Hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi mag-biro dahil kinakabahan ako sa presensya niya! The only way to conceal my feelings is to lighten up the mood.

Chuchay is running around freely. Wala namang gaanong tao dito sa sementeryo kaya malaya siyang nakakatakbo. Sana lang talaga hindi niya ihian ang mga puntod dito. Ayokong makarinig ng babaeng humihingi ng hustisya mamaya sa kwarto ko...

"Kumusta siya? Ayos lang ba siya sa inyo?"

Enrique nodded. Naka-basketball shorts at itim na shirt ulit siya ngayon.

"Ayos naman. Hindi na siya gaanong umiiyak tuwing gabi."

I nodded. Itinuro ko ang magkatabing puntod.

"D'yan tayo maupo."

Enrique looked at me in disbelief. "Ayos lang ba?"

I laughed. "Ayos lang." itinuro ko ang lapida. "Carmelita Santiago Perez... Joselito Francisco Perez Sr., lolo't lola ko yan."

Enrique hesitated while I made myself at home. Medyo maalikabok na pala dito. Kailan ba ang huling dalaw ni Tita?

"Makikiupo po kami, Lolo at Lola, ha?" I said cheerily while tapping the tomb in front of me. "Upo ka, ayos lang daw sabi ni Lolo."

Enrique just shook his head. By now, he must've given up on me. Siguro sa isipan niya ay baliw ako at pinagsisisihan na niyang nadawit pa siya sa akin.

"Sino 'to?" Enrique stared at the small tomb near them. Maliit lang iyon dahil cremated jar naman ang laman at hindi buong kabaong.

"Mama ko yan,"

"Sorry..."

I waved my hands in dismissal. "Matagal ng wala ang Mama ko kaya okay lang. Kahit gusto ko siyang ma-miss, hindi ko naman naaalala ang mukha niya. Tuwing pinapakita ni Tita ang litrato naming mag-ina, talagang hindi ko siya mamukha-an."

"Nakatira ka ba sa Tita mo ngayon?"

I nodded. "Oo. Dati yung may asawa, pero dahil pangatlong beses na siyang nakunan ay iniwan din siya. Tarantado yun kaya huwag na nating pag-usapan."

Itinukod ni Enrique ang siko sa mga tuhod at seryosong tumingin sa akin.

"Only child?"

Umiling ako. "Hindi. Pero ayaw ko ding pag-usapan..."

"Ayos lang."

I sighed out loud. "Nakaka-depress pag-usapan ang pamilya ko kaya sa susunod nalang. Ikaw ba?"

"Buhay pa ang mga magulang ko. May dalawa akong kapatid na babae."

"Panganay?"

He nodded. I smiled.

Shelter in a Storm (Elyu Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon