Chapter 12

3.9K 168 32
                                    



"Tangina ni Ivo, umagang-umaga, inutangan ako!" Litanya ni Karlo bago inilapag ang bag niya sa lamesa namin.

Yari looked up from her notes. "Para saan daw?"

"May bibilhin," he sighed. "Akala ko talaga bilyonaryo ang kumag na yun tapos tini-test lang ang loyalty natin..." natawa si Karlo sa pinag-iisip. "Akala ko lang pala!"

Napailing nalang din ako. We've been jogging for two weeks and I could already see some improvements on my stamina. Ivo advised me to hydrate my body the night before so I could prolong my endurance. Hindi na rin ako masyadong napapagod kapag naglalakad kami ni Enrique patungong eskwelahan.

"Alam ba ng Tita mo?" Pasimpleng tanong sa akin ni Karlo nang maupo sa tabi ko.

Dahan-dahan akong umiling. "Hindi ko pa sinasabi... may problema kasi sa opisina nila. Ayoko na munang dumagdag. Atsaka, dalawang linggo pa lang namang nanliligaw ang tao."

Karlo nodded. We were all cramming to study for our third quarter exam. Kasunod nito ay ang prom night kaya excited ang lahat. A few more months, and we will graduate high school.

"Karlo, pahiram ako ng Filipino textbook mo," ani Yari sabay hila ng bag ni Karlo patungo sa gawi niya. Nang buksan niya ito ay kumunot ang noo niya. "Kaninong panyo 'to?"

Napatingin ako sa kaibigan. Inilabas niya ang kulay pink na panyo at may mga maliliit pa na bulaklak sa dulo nito. Karlo stiffened next to me.

"Akin ba 'to? Wala naman akong naaalala na—"

"Akin yan!" Kaagad na hinablot ni Karlo ang panyo at isiniksik sa bulsa niya. Sinamaan niya ng tingin ang kambal.

"Sa'yo? Pinagloloko mo ba ako? Ayaw mo sa mga pambabaeng mga gamit—" natigilan si Yari at napatingin sa kaniya. "Teka... huwag mong sabihing may girlfriend ka na?"

"Wala ka na dun," supladong sagot ni Karlo.

"Seryoso ka ba?!" Hinampas niya ang lamesa at tinitigan din nang masama ang kapatid. "Sinong baliw ang papatol sa'yo?!"

"Guys..." I looked between them helplessly. Kapag talaga nag-aaway silang magkapatid ay halos hindi na ako makasingit. "Kailangan pa nating mag-aral."

"Lulu, ikaw ba yan?"

I rolled my eyes. Lately, I've been feeling guilty about myself. Enrique is a consistent honor student, despite juggling numerous jobs and committing to ROTC duties. Napagsasabay niya lahat ng iyon kahit bakas sa katawan niya ang sobrang pagod. Minsan ay napapagalitan pa ng guro kapag nakakatulog sa klase o di kaya'y hindi pinapapasok kapag late siya sa panghapong klase namin.

Samantalang ako... I feel like a rotten, spoiled child. Nagt-trabaho si Tita para makapag-aral ako. Binibigyan pa ako ng allowance. Wala akong part-time job kaya dapat ay mas maraming oras ang iginugugol ko sa pag-aaral pero hindi man lang ako honor student o ano.

From my first year of high school up until now, all I cared about is to pass and get over it.

I didn't want to achieve anything in life. I just wanted to go with the flow... but seeing Enrique, a hardworking person like him who ended up liking someone like me tugged something inside of me.

"Iniisip ko, kapag nagtapos ako ng college, magt-take ako ng master's degree. Kung isasabay ko sa trabaho ay baka abutin ako ng tatlong na taon pero ayos lang... saka mag-p-proceed ako sa Ph.D. Program. Sa tingin niyo, kaya ko yung abutin bago ako mag-30?"

"'Te, kalmahan mo naman. Third year high school ka pa lang..." biro ni Yari.

Seryoso namang tumingin sa akin si Karlo. "Magiging doctor ka?" His voice hinted with pride as he asked me.

Shelter in a Storm (Elyu Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon