"Ivo, samahan mo 'ko. Kukunin natin si Chuchay..."
"Bakit ako?" Reklamo kaagad ng kaibigan. Sinamaan ko ito ng tingin kaya napabuntong-hininga ang lalaki at binitawan ang pang-wax sa board niya saka tumayo. "Ginagawa mo na akong bodyguard, ah."
Hindi ko siya pinansin. Simula nang umalis si Raya, kapansin-pansin ang pagiging matamlay nito. He wasn't there when we said our goodbyes to her but we all suspected that something happened before she left. Kung wala ay hindi naman magkakaganito ang kaibigan.
Kaya naman palitan ang pangangamusta namin dito. Palagi siyang kinukulit ni Celeste tuwing umuuwi dito sa La Union at si Lulu naman ay sinasama siya sa kung saan-saan para lang hindi ito magmukmok sa bahay.
Ngayong nagkita-kita ulit kami sa dagat, kanina pa siya nagwa-wax ng surf board niya at walang imik. Malaki naman ang alon pero wala itong ganang sumulong kaya inaabala nalang ang sarili sa paglilinis ng board kahit na wala naman itong dumi. Ayokong mas lalo siyang magmukmok kaya naisipan kong hatakin ito patungo sa bahay nila Enrique.
"Asan nga pala ang boyfriend mo? Hindi ba uso ang bakasyon sa PMA?"
I shook my head. He's supposed to be home two weeks ago but he's still in the academy for the summer training and various outdoor activities that the PMA planned for them. Sa susunod na pasukan ay magiging second-class cadet na siya.
"Baka sa katapusan pa siya makauwi." Hinila ko ang kamay ni Ivo para makatawid kami dahil tulala lang ito habang naglalakad. "Kumusta ka?"
For a moment, he was dozing off. I tugged at his shirt to get his attention. Doon pa lang siya napatingin sa akin.
"Huh? May sinasabi ka?"
"Kako, kumusta ka?"
He shrugged. "Eh."
I chuckled. "Down bad?"
"Down bad, Av. Down bad..." umiling-iling ang kaibigan.
Tinapik ko lang ang balikat niya. I do not need to tell him words. He knows exactly what I mean and knows that no matter what happens, I'll always be here for him. Hindi lang ako nasasanay na ganito siya katahimik pero hindi ko rin naman siya susukuan.
Nang makarating kami sa bahay nila Enrique, tanaw ko kaagad si Tita Judy sa bakuran nila. Little Marnie is almost three years old already. She's super energetic around her growing sisters. Napakadaldal din nito kaya naaliw ako sa tuwing nakikita ko ang bata kapag bumibisita sa bahay nila.
"Magandang hapon po, Tita," bati ko sa kaniya nang makarating kami.
She frowned upon seeing me. I ignored the stung in my chest and pushed the gate open.
"Susunduin ko lang po sana si Chuchay," ani ko sabay sulyap sa dog house. Luma na ito at madumi. Walang tubig ang bowl ni Chuchay at ang mga dumi nito ay nakakalat lang sa baba. My heart broke at the sight. She's slowly looking like when I first met her as a stray dog in the cemetery.
Hindi siya umimik at pinanuod lang kaming lumapit sa aso. Chuchay seemed scared at first, as if she didn't recognize me. Nang maamoy ako ay saka lamang ito tumayo at iika-ikang lumapit sa akin.
"Anong nangyari?" Narinig kong bulong ni Ivo sa akin.
By then, my heart is breaking into a million pieces. Nakita ko agad ang naiwang mga buto-buto sa bowl niya. Kaagad kong nilingon ang Nanay ni Enrique.
"Uh, Tita... hindi po pinapakain ng buto si Chuchay. Nakakahirin po ang mga buto sa aso."
She rolled her eyes at me. "Bakit ba nakikialam ka kung anong pinapakain ko sa aso na yan? Nagbibigay ka ba ng pera? Buti nga pinapakain ko pa yan, eh!"
BINABASA MO ANG
Shelter in a Storm (Elyu Series #2)
RomanceELYU SERIES #2 The storms in San Juan, La Union are ruthless and tempestuous. Driven by her traumatic past, Avery Felicia Perez turned her heart into a stone to shelter it from further pain. She contented herself to bear witness of other people's fa...