Chapter 11

3.6K 155 26
                                    




"Totoo ba yung sinabi mo kanina?"

"Alin dun?" Nahihiya kong tanong kay Enrique. His steps were firm and quick but his hand was gently holding my wrist. It made me feel as if I was fragile and easy to break.

"Gusto mo ako?"

"Hoy, wala akong sinasabing ganun, ah!" Sabi ko kaagad.

"You were indirectly saying it..." his lips were slightly parted while staring at me. Nag-iwas ako ng tingin, namumula pa rin.

"Interpret it however you want..." labas sa ilong kong wika.

"Kung gayon ay gusto mo nga ako."

Napanganga ako at napatingin sa kaniya! A hint of a smile is already dancing across his lips, pinipigilan niya lang. Sa wakas ay binitawan niya na rin ang kamay ko.

He gestured to a nearby seating area. Kahoy iyon na upuan para sa night market mamaya. Dahil hapon pa naman ay walang tao maliban sa aming dalawa.

"Seryoso ako, Avery, wala talaga akong pera para manligaw sa iyo..."

I fidgeted in my seat. Para akong bata na pinapagalitan. I know I am going against the odds but for once, I'm allowing myself to listen to my instincts. Ayokong pagsisihan 'to... siya.... pagdating ng panahon.

"Hindi kita maibibili ng mga bulaklak gaya niyan..." dumapo ulit ang tingin niya sa bulaklak na ibinigay ni Cris sa akin. "Kung makapagbibigay man ako, hindi ganyan kaganda o kamamahalin. I don't want you to end up resenting me..."

"Alam ko..." bulong ko.

"And yet you're still willing to give me a chance despite my shortcomings... I shouldn't take it for granted."

Napatingin ako sa kaniya. Bigla nalang siyang naupo sa harapan ko. Dahil sa tangkad niya, kahit nakaupo ay nagtatagpo pa rin ang mga mata namin. Anyone who sees us would think that he's really courting me... and the flowers were from him.

"Avery..." he gently took my hand and rubbed his fingers against my knuckles. My heart feels like it's about to explode. "Pwede ba akong manligaw?" Halos bulong na iyon mula sa kaniya.

I slowly nodded. Enrique smiled and nodded. Hindi na magkamayaw ang puso't isip ko sa pinaghalong kaba, saya, at excitement.

"Ihahatid na kita sa inyo..." aniya nang makatayo.

"Wala ka bang trabaho?"

"Magt-tricycle nalang ako pabalik."

"Sigurado ka?"

Tumango lang si Enrique habang ang mga mata'y naghahanap ng tricycle. Pinara niya ito. May ibang estyudante na pasahero ang naroon kaya napatingin kaagad sila sa amin nang makitang may hawak pa akong bulaklak tapos katabi ko si Enrique.

"Manong, sa Taboc po..." aniya at pinauna ako ng sakay sa loob. Dahil sa laki ng bouquet ay mas lalong sumikip ang pwesto namin sa loob ng tricycle. Sinulyapan ko si Enrique.

"Kalahati nalang ng pwet mo ang nakakaupo, ah? Ayos ka lang?" Untag ko sa kaniya. Kapag kasi umusog pa ako ay matatamaan na ang driver ng bulaklak at ayaw ko namang ma-disgrasya kami.

He chuckled. "Ayos lang..."

"Kakausapin ko si Cris bukas..."

He nodded. I went silent too. Pansin ko ang hagikhikan at bulungan ng ibang pasahero sa likuran. Maybe it was rare for them to see a highschooler receiving such an expensive bouquet of flowers. Maski ako ay hindi rin ito inasahan mula kay Cris. Kakakilala lang namin kahapon, eh!

Nang makarating ay naunang bumaba si Enrique. Dahil hawak ko pa rin ang bulaklak ay hindi ko kaagad nakuha ang wallet ko at naunahan na ng lalaki. I stared at him while he counted the coins inside his wallet. Luma na ito at bitak-bitak na rin ang kulay itim na leather trim. Inabot niya kaagad sa driver ang barya.

Shelter in a Storm (Elyu Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon