"Ito, Avery... magbaon ka ng bonamin. Hiluhin ka pa naman sa biyahe," bilin sa akin ni Tita habang inaayos ang gamit ko.
"Salamat, Tita...."
"'Tsaka iyong sinabi ko sa'yo, ha? Huwag kang basta-bastang makikipag-usap sa kung kani-kanino! Alam mo naman ang Maynila..." she trailed off.
"Mag-send ka sa 'kin ng pictures ng dormitory! Kung masyadong maliit, maghanap nalang tayo ng iba. Baka hindi ka makapag-focus sa pag-aaral n'yan..."
I pouted. This would be the first time the two of us would be apart from each other for so long. Alam kong pati siya ay nalulungkot din kaya naman ganito ang pag-aalala niya para sa akin.
"Opo, Tita..."
"O s'ya, kumilos ka na at baka nar'yan na ang mga kaibigan mo sa baba."
Lumapit ako sa kaniya at yumakap. Her birthday is coming up soon. The class is in two weeks. Buti naman at sa weekend ang magiging birthday niya dahil makakauwi pa ako.
Pagkalabas ko ng boarding house, naroon na naghihintay sina Yari at Karlo. Neurological exam ni Enrique ngayon kaya hindi siya makakasama sa amin. Kaming tatlo lang muna ang luluwas ng Maynila gamit ang sasakyan na ipinahiram ng mga magulang ng kambal kay Karlo.
"Sinasabi ko sa'yo, Karlo, ha! Huwag kang kaskasero!" Banta ni Yari habang sumasakay kami sa loob.
He glared at us from the rearview mirror. "Ba't nand'yan kayong dalawa?! Para akong driver!"
"Eh driver ka naman talaga!" May bahid pa ng tampo ang tono ni Yari.
Siya ang unang natutong mag-drive sa kanila at siya pa mismo ang nagturo kay Karlo pero dahil babae siya, hindi siya pinayagan ng mga magulang na kumuha ng driver's license. Nagagamit niya lang ang kotse kapag sa malapit lang ang pinupuntahan pero kapag luluwas ng ibang lugar, si Karlo ang nagd-drive.
"Badtrip," bulong-bulong ni Karlo habang pinapaandar ang sasakyan.
"So, excited ka na ba sa magiging bagong dormitory mo?" Yari turned to me and smiled.
I shrugged. "Hindi ko pa alam. Hindi ko pa naman nakikita sa personal, eh."
"Hay. Kung pwede lang sana, sa condo ka nalang namin," she sighed and looked out the window. "Pero alam mong kapag mga magulang ko ang nag-decide, talagang wala na akong magagawa."
"Ayos lang, 'no! 'Tsaka, nakakahiya! Binilhan kayo ng condo ng mga magulang mo para sa inyo, hindi para sa ibang tao..." I chuckled.
"Hindi ka naman ibang tao, Avery," binalingan ako ni Karlo habang nagmamaneho. "Kung papipiliin ako ng kapatid, ikaw ang pipiliin ko."
Sinipa ni Yari ang likod ng upuan ni Karlo kaya natawa na lamang ito. I shook my head when they started bickering again.
Kung nag-bus ako, malamang aabutin ng limang oras ang biyahe mula La Union patungong Manila. Dahil kaskasero naman talaga ang kaibigan, ang limang oras na biyahe ay naging tatlo. Yari keeps on scolding him whenever he curses when someone overtakes him.
Dahil may kailangan pang asikasuhin sina Karlo at Yari sa sari-sariling eskwelahan, dinrop lang nila ako sa Taft Avenue. Susunduin din daw ako mamaya pagkatapos nila. I waved goodbye and took a deep breath.
May labing-siyam na building ang De La Salle University dito sa Maynila. Sa kanan nito ay ang Saint Benilde. Gaya ng inaasahan, maaliwalas at malinis ang buong campus. Kaagad akong nagpunta sa registrar para kumpletuhin ang kulang kong requirements.
"Pwede ka nang magpakuha ng litrato para sa ID mo..." wika ng registrar pagkatapos ibalik sa akin ang mga papel ko. "Straight ka lang tapos sa kaliwa."
"Thank you, Ma'am..."
BINABASA MO ANG
Shelter in a Storm (Elyu Series #2)
RomanceELYU SERIES #2 The storms in San Juan, La Union are ruthless and tempestuous. Driven by her traumatic past, Avery Felicia Perez turned her heart into a stone to shelter it from further pain. She contented herself to bear witness of other people's fa...