Chapter 5

4.6K 209 22
                                    

"Gusto ko ng grand romantic gesture!" Ani Celeste habang kumakain ng Piattos. Tumayo pa ito at iminuwestra ang paligid. "Gusto ko may fairy lights tsaka background music. Yung dress ko, dapat maganda! Dapat perfect ang lahat!"

"First kiss ang tinatanong, Celeste. Hindi proposal." Inirapan siya ni Karlo.

Tumawa naman si Lulu. "I think that's nice. Importante ang first kiss sa mga babae,"

"Talaga?" Si Ivo sabay lingon kay Raya. "Gusto mo din ng ganun? Fairy lights tsaka background music?"

Kaagad na umiling ang babae. "Bakit ko naman gugustuhin yun? Basta kasama ko ang taong gusto ko, okay na ako..."

I sighed. Napatingin tuloy si Yari sa akin. Siya ang unang nagtanong kung anong magiging expectation namin sa first kiss namin dahil ni isa sa grupo ay hindi pa nakakaranas na mahalikan!

"Ikaw, Avery? Anong gusto mo?"

Matangkad na ROTC commander, dog lover, at moreno. Yan ang gusto ko.

Umiling kaagad ako para mawala ang imahe niya sa isipan ko. Palagi ko nalang siyang naiisip nitong nakaraan! Hindi naman ako tanga para hindi ma-realize na nagkaka-crush na ako sa tao. Medyo natatakot lang ako dahil kumpara sa iba kong mga naging crush noon, iba na ata 'to...

"Kahit ano pang suot ko, basta gusto ko ang hinahalikan ko..."

"Naks! Kahit walang suot?!"

Sinipa ko ang upuan ni Karlo dahil napaka-bastos ng bibig nito. Celeste threw some chips on him while the other girls groaned in protest.

"Nakakadiri ka, Karlo! Pwede ba nating i-disown 'to?! May Chi Ong na din naman tayo sa grupo!"

Yari laughed out loud. "Please, be my guest..."

They ended up bantering again. Wala namang okasyon o kung ano pero narito ulit kami at nakatambay sa bahay nina Raya. Kilala na kami ng tatay at mga kapatid niya sa dalas namin dito. Pati mga kapitbahay ay naging kaibigan na rin ni Ivo. Buti hindi pa sila pinapa-barangay dahil sa ingay namin.

"Kuha muna ako ng juice," ani Raya sabay tayo. Otomatiko namang sumunod si Ivo sa kaniya. We all looked at them.

"Gusto ko din na kasing-baliw ni Ivo ang magkakagusto sa akin..." dagdag ni Celeste.

Usually, we'd tease each other but this time, we just nodded our heads in unison.

Kinabukasan, pinilit ko ang sarili na huwag lingunin o tapunan ng tingin si Enrique sa likuran. Baka kasi kung anu-ano na naman ang mapansin ko tungkol sa kaniya at mas lumalim ang nararamdaman ko. It's just a silly crush, I'm sure it will go away some time.

"Para sa susunod na linggo, kailangan ninyong gawan ng buod ang natalakay natin sa El Filibusterismo..." wika ng guro namin. I fought back a yawn and tried listening to her sleepy voice. "Bibigyan ko kayo ng pagkakataon para makapag-usap at makapaghanda sa grupo ninyo kung paano ip-presenta ang buod."

She looked around and then smiled. "Okay, so itong hanay na ito ang group 1," turo niya sa ka-row naming dalawa ni Yari. "Ito naman ang group 2, group 3, at group 4."

My classmates looked around, identifying their groupmates. Hindi pa rin ako lumilingon sa likod dahil alam kong naroon nakaupo si Enrique at malamang, ka-grupo ko siya!

"Group 1 ay ang Aralin 1: Kaligirang Pangkasaysayan at mga Tauhan ng El Filibusterismo. Sa group 2 naman, Aralin 2: Paglalantad ng Katotohanan..."

Our teacher went on assigning our lessons while my classmates scrambled to form their groups. Nagbuntong-hininga ako nang higitin ni Yari patungo sa grupo namin.

Shelter in a Storm (Elyu Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon