Chapter 31

4.3K 188 63
                                    

"Brake pedal ang nasa kanan, accelerator ang nasa kaliwa," paalala ni Karlo sa akin habang umaandar nang mabagal ang sasakyan.

I nodded and focused my vision on the empty road before us.

"Dahan-dahan sa parking brake, Avery, tapos pindutin mo ang accelerator."

"Ha?"

"Accelerator!"

"Huwag kang sumigaw!" Sigaw ko sa kaibigan. "Nas-stress ako sa'yo!"

Karlo sighed out loud and started panicking when he saw that we were off the lane and approaching an old tree nearby.

"Liko, Avery! Liko!" He reached for the steering wheel when I let go of it because of his nagging and swerved the car out of the way. Nang huminto ang sasakyan, sinamaan niya ako ng tingin. "May balak ka bang patayin ako?!"

"Ayoko na sa'yo! Si Yari ang gusto kong magturo sa akin mag-drive!" Pagmamaktol ko naman.

Karlo cursed under his breath. The original plan was to get Yari to teach me how to drive but then she got so busy with their business, that I was left with Karlo.

"Huwag ka nang bumili ng sasakyan, Av," he rolled his eyes at me. "O di kaya gawin mo akong driver mo. Magre-retire ako sa serbisyo. Magiging driver nalang ako, malaki naman ang sweldo mo, diba?"

I scoffed and took off my seatbelt. Lumabas ako mula sa driver's seat at gayon din si Karlo. Wala pang isang oras ang pagtuturo niya sa akin pero pakiramdam ko ilang daang taon na ang nagdaan.

"Tara na, iuuwi na kita sa inyo. Hinihintay na rin ako ng fiancee ko," ani Karlo habang umiikot sa sasakyan.

Sumakay ulit ako sa loob pero sa backseat ako naupo para iparamdam sa kaniya na driver talaga siya. Karlo did not say anything.

"Sinisigawan mo din ba ang fiancee mo?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Hindi, ah!" Mabilis niyang sagot at sinulyapan pa ako. "Lalabs ko yun, eh."

"Eh bakit ang highblood mo sa akin?"

"Ikaw lang naman 'tong naunang sumigaw! Hindi pa ako nakakakita ng estyudanteng binubulyawan ang teacher niya!" Depensa niya naman.

I just pouted. He's pressuring me when he's teaching! Hindi talaga bagay sa kaniya maging guro. He doesn't have the patience to deal with his students!

"Oo nga pala, iyong kaibigan ko sa PAF? Nakita ka daw niya. Gustong hingin ang number mo at maka-score ng date sa'yo. 'Kako itatanong ko muna." Aniya sabay halakhak.

I just scoffed. Of all my years dating men, I've never gotten involved with a soldier...again. As soon as I know that they're in the military, I break it off with them. Pinangako ko sa sariling hinding-hindi na ako uulit sa ganung relasyon.

"Ayaw mo ba talagang tanggapin ang offer ng AFPMC sa'yo? They need a psychologist in their department."

"What? Don't tell me you're here to convince me to take that job?" nagtaas ako ng kilay sa kaibigan.

He chuckled and shook his head. "It would be nice to see you working as a psychologist in that hospital."

"Ayoko nga. Baka magkita pa kami ni En—" napahinto ako at tumikhim. Karlo glanced at me with wary eyes. "I mean, the demands of that job are too stressful. I'm content as a senior researcher here at PsyInsight. Nagtuturo din ako sa kolehiyo, hindi na kakayanin ng oras ko."

Karlo smirked and said nothing. Nang makarating na kami sa boarding house, kaagad akong bumaba at kinuha ang bag ko.

"8:30 am ang call time bukas, ah? 9:00 magl-land si Raya."

Shelter in a Storm (Elyu Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon