Chapter 17

3.7K 165 54
                                    

"Oh, Avery? Nasan ang bebe mo?"

"No boyfriends allowed nga, diba!" Hirit kaagad ni Lulu nang marinig ang tanong ni Celeste. "Tayo-tayo muna..."

"Nagsasawa na ako sa pagmumukha ninyo!" Protesta ni Celeste. "Gusto kong makakita ng gwapo!"

Ivo cleared his throat. Napatingin naman si Celeste sa kaniya at kaagad na sumimangot.

"Ang sabi ko, gwapo!"

"Gwapo naman ako, ah?" Inosenteng tanong ni Ivo sabay baling kay Raya. "Diba? Diba?"

Raya just gave her a blank look. Natawa ako at hinila si Ivo palayo sa kanila dahil may gusto akong itanong sa kaniya.

"Teka lang, Avery! Alam kong gwapo ako pero kailangan mo pa ring pumila!"

"Tumahimik ka nga, Primitivo." Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. The wind is picking up. Tirik na tirik ang araw kaya sakto talaga sa pagpunta namin ngayon sa dagat. "May itatanong ako sa iyo..."

"Sorry, Avery. Loyal ako kay Raya. Dapat ganun ka din sa boyfriend mo..."

Kaagad kong hinampas si Ivo at pinanlisikan ng mga mata. He laughed, rubbing his chest.

"Ano yun?"

"Gusto kong bigyan ng regalo si Enrique kapag nakapasok siya sa PMA. Hihingi sana ako ng suggestions mula sa'yo..."

"Bakit ako?"

"Lalaki ka! Alam mo kung anong gusto ng mga lalaki."

Nginisihan niya ako. "Ang gusto ko ay i-crush back ako ng crush ko."

I rolled my eyes at him. "Seryoso, Ivo... anong ibibigay ko sa kaniya? Iyong madadala at magagamit niya sa loob ng academy."

"Tawas para iwas putok..."

I shot him a warning look. Napakahirap talaga kausapin nang matino ang lalaking 'to!

He laughed. "Uh... depende kasi sa kaniya yan, eh. Pero alam mo yung mga sundalo sa pelikula, diba? May picture sila ng mga mahal nila sa wallet o di kaya sa locket nila. Paano kung yun nalang ang ibigay mo?"

"PMA ang papasukin niya, Ivo. Hindi gyera."

"Eh dun din naman siya patungo!" He retorted. "Kasi kapag binigyan mo siya ng bonggang regalo, hindi niya yun madadala sa loob. Ic-confiscate yun bago pumasok. Picture nalang. Mukhang gusto ka naman talaga ng lalaki. Ma-appreciate niya yun."

I gave it some thought. Most days, I don't like what I see in the mirror so the thought of giving him my picture never really occurred to me. Isa pa, nakakahiya! Baka sabihin ng tao ng GGSS ako, 'no! Pero may point din naman si Ivo.

Hindi ko afford bumili ng relo o mamahaling wallet. Would he be able to use it inside the academy? I highly doubt it. They'd be rolling in mud, climbing, running, and carrying firearms inside the academy. I doubt the cadets are allowed to wear watches in the first place.

He will stay inside the academy, day in, day out! Lulu even told me that they're not allowed to use their cellphones without the authority of their officers. Hindi ko siya makakausap basta-basta... sa loob ng apat na taon!

"Tangina, first relationship, LDR kaagad..." bulong ko sa sarili nang mapagtanto.

We spent the entire day at the beach, forgetting our responsibilities as students. Deserve din namin 'to dahil sa sobrang stress na dala ng research at final defense namin. Akala ko malalagas lahat ng buhok ko sa ulo dahil sa dami ng gawain.

"Narito sa papel ang outline ng research natin. Basahin niyong maigi para pag may tanong si Ma'am, masasagot niyo kaagad." I instructed my groupmates while we were waiting outside the classroom.

Shelter in a Storm (Elyu Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon