Chapter 7

4.2K 207 68
                                    

"Magkakaroon ng week-long anti-bullying campaign ang guidance office at tayo ang mag-a-assist sa event na ito..." our student president said on a meeting.

I wrote down notes while listening. Bigla nalang kasi siyang nagpatawag ng meeting dahil may bagong activity daw kaming gagawin ngayong linggo. Ito pala ang tinutukoy niya.

"DepEd Order No. 40 series of 2012 or the Child Protection Policy...zero tolerance against any form of violence against the child and provided for the establishment of a Child Protection Committee in all public and private schools..."

"May nabubully pa ba ngayon?" Natatawang tanong ng SSG secretary namin. "Parang wala na ata, diba? Kasi mga high school na tayo..."

"I beg to disagree. Bullying takes form in all levels of education. Halos 40% ng mga estyudante sa high school ay nabubully..." I said stiffly, recalling how I first met Raya in the girl's bathroom before.

She went silent and nodded, urging our president to continue.

"Basically, they're going to revise the anti-bullying or child protection policies in this school. Then we will submit it to the Regional Director. This is going to be a comprehensive and a multi-faceted bullying prevention program..."

"Anong role ng SSG dito, President?" Tanong naman ni Lulu.

"Well, for starters, we will be the one to conduct the seminar. Tayo ang magsusulat ng letter, magpapa-approve, magse-set up sa gym, at maghahanap ng speaker. It should be done before the intrams because players and athletes will be using the gym all the time."

Nagpatuloy ang meeting namin hanggang sa ma-finalize na ang mga kakailanganing detalye. We're going to be so busy this week, then. Buti nalang at kami ang naunang nag-present sa Filipino kaya bawas na iyon sa iisipin ko.

We got praised for our report that day. Kahit na hindi gusto ni Ma'am si Enrique gawa ng myembro ito ng ROTC, hindi niya naman ipinagkait sa amin ang grado na deserve namin. Our group mates were happy about the results and I even heard that we have set the standards for other groups to perform.

Hapon na nang matapos kami dahil nilinis pa namin ang office bago umalis. May mangilan-ngilan pang mga volleyball players ang naglalaro sa field para sa darating na intrams. Kaming dalawa ni Lulu ang magkasama ngayon dahil nagsiuwian na din ang ibang mga kaibigan namin.

"May gagawin ka pa ba pagkatapos nito?" Tanong niya habang naglalakad kami sa hallway. Naiwan ko kasi ang tumbler ko sa classroom kaya babalikan ko muna bago umuwi. Sana lang ay bukas pa ang classroom hanggang ngayon.

Umiling ako. "Wala na, uuwi na ako..."

"Sabay ka na sa akin," nakangiti niyang wika.

Pumayag ako dahil mukhang mahihirapan na akong maghanap ng tricycle sa ganitong oras. Meron namang mangilan-ngilang nakaparada sa labas pero dahil halos wala ng estyudante, kailangan kong pakyawin ang tricycle at magbayad ng malaki.

"Dito ka lang muna!" Paalam ko kay Lulu saka pumasok sa classroom. Wala na ngang tao sa loob. Good thing it's still open. Kinuha ko kaagad ang tumbler at lumabas.

When I stepped outside, I saw Enrique sitting by the stone bench in front of our classroom. Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon ng kausapin siya dahil kaagad na tumayo ang lalaki pagkakita sa akin at naglakad palabas.

I stared at him, confused. Anong ginagawa niya dito? Wala ba siyang ROTC formation? Part-time job? Late na, ah!

"Luanne!" Tawag ko sa kaibigan nang makitang may kausap na itong volleyball player. She excused herself and went to me. "Tara na..."

Naghihintay na ang sasakyan nina Lulu sa labas ng gate. When I looked around, I saw Enrique again looking at me from a distance. Kumunot ang noo ko. Alam kong kitang-kita niya ang ekspresyon sa mukha ko pero wala naman siyang ginawa.

Shelter in a Storm (Elyu Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon