Epilogue

6.5K 269 113
                                    

Warning: mention of violence, abuse

-

"Sa isang sandali ng katapangan at bayanihan, isang sundalo ang nagligtas ng isang batang babae mula sa kamay ng isang terorista..."

Napatingin ako sa TV. Lumapit si Mama at nilakasan ang volume nito.

"Isang kakaibang pagpapakita ng tapang at kabayanihan ang naganap kanina habang si Major Harvey Cajucom, isang dekoradong sundalo, ay isinugal ang buhay niya upang iligtas ang isang batang babaeng nasangkot sa gulo dulot ng mga terorista..."

Lumipat ang focus sa witness na ikinuwento kung anong nangyari.

"Kita mo yan, Kiko?" Turo ni Mama nang lumipat ulit ang focus sa lalaking naka-uniporme habang ini-interview ito ng reporter. Ngumiti siya sa akin. "Siya ang Tatay mo..."

Noon, hindi ko pa maintindihan kung bakit sa tuwing Parent's Day sa eskwelahan ay kulang kaming pamilya o tuwing Father's Day ay wala akong mapagbigyan ng regalo di tulad ng mga kaklase ko. Saka ko lang napagtanto noong highschool na iba kami... hindi kami ang tunay na pamilya ni Papa.

"Ang sabi mo hihiwalayan mo na ang asawa mo?! Anong nangyari, huh?!"

Natigilan ako nang marinig ang malakas na boses ni Mama. Paminsan-minsan lang umuuwi si Papa rito at nag-aaway pa sila. Mas madalas ko pang nakikita ang ama sa TV kung saan tampok ang mga achievements at awards nito bilang sundalo kesa dito sa bahay namin.

"Kumalma ka nga muna, Judy... hindi naman ganun kadali yun, eh. Atsaka, nangako na ako, diba? Bakit hindi ka ba makapaghintay?"

"Tatlo na ang anak natin, Harvy! Hindi mo pa rin ako pinapakasalan!" Palahaw ni Mama.

Napatingin ako sa mga kapatid ko. Inosente silang nakikinig kahit na hindi naman nila naiintindihan ang pinag-aawayan ng dalawa.

I took their hands and guided them outside of the house. Hinayaan ko silang maglaro at binantayan hanggang sa matapos ang away nila. Kahit na hindi ko naririnig ang nagtatalong boses ng dalawa ay hindi pa rin kami pumasok. Mayamaya pa, dali-daling lumabas si Papa sa bahay.

Natigilan ito nang makita kami. Lumapit siya sa amin at tinapik ang balikat ko.

"Magiging sundalo ka, Kiko, ha?" Ang palagi niyang sinasabi sa akin sa tuwing nagkikita kami.

Tumango lang ako.

Nakipaglaro pa saglit si Papa sa kambal bago ito umalis. Hindi ko na naman alam kung kailan ito babalik sa amin. Hindi naman ako pwedeng malungkot sa harap ng mga kapatid ko dahil baka mahawa din sila.

Kung si Mama nga, kayang ngumiti pagkatapos ng pag-aaway nila ni Papa, ako pa kaya?

Iyon ang naging puno't dulo ng pangarap kong maging sundalo. Dahil sa pangungulila sa ama ay binabalik-balikan ko ang mga balita kung saan nabanggit ang pangalan niya. Sinusunod ko kung anong gusto niya. Hindi ako nagrereklamo kapag natatamaan ako kapag galit siya. Ganun daw ang magiging buhay ko kapag naging sundalo na ako. Taga-sunod kung sino ang mas nakakataas sa iyo.

"Naglalaro ka ba ng volleyball?"

Nag-angat ako ng tingin nang bigla akong kausapin ng kaklase namin. Nginisihan ako ng lalaki habang naghihintay sa sagot ko.

"Kulang kami ng isa, eh."

I shrugged. "Kailan ba yan?"

"Mamayang hapon."

Um-oo ako dahil wala naman akong gagawin. Ayoko ding magmukmok sa bahay kaya mas mabuti pang magpapawis nalang muna. Second year na kami pero hanggang ngayon ay tanging si Ramjay pa rin ang kaibigan ko. Nahihirapan akong makisalamuha sa iba dahil ang palagi kong naririnig ay natatakot daw sila sa akin.

Shelter in a Storm (Elyu Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon