Chapter 22

3.4K 165 29
                                    

Trigger warning: mention of violence

-

"Ang gara ng condo mo, Lulu!" Komento ni Karlo pagkatapos kaming papasukin ng kaibigan sa loob.

"This is cute, right?" Lulu asked happily. The entire place is so like her... from the hanging plants on the window, the eclectic throw pillows scattered in a green togo sofa, a persian rug, and vintage mugs that don't match the rest of her plates. "Mommy is always criticizing my taste..."

"Hindi, ah! Ang ganda nga, eh. Parang yung sa Pinterest lang," Yari laughed while putting down her bag.

Lulu, Celeste, Ivo, and Raya are finally in college. Sina Ivo at Raya lang ang nagpa-iwan sa La Union habang sina Lulu at Celeste naman ay lumipat dito sa Maynila para mag-aral. Celeste is taking a pre-dental course in UST while Lulu got into the Bachelor of Science in Management at John Gokongwei School of Management. Isa siya sa top 10% ng Ateneo College Entrance Test kaya nakapasok siya sa program na ito.

"Pwede bang gamitin ang mug na 'to o dekorasyon lang? Nauuhaw na ako, eh!" Tanong ni Ivo mula sa kusina.

Lulu laughed. "Just use whatever you want, Ivo!"

Tahimik na naupo si Raya sa sofa at iginala ang tingin sa paligid. It's a loft-style condo, and her small bedroom is just upstairs. Napakalawak ng living room niya at malalaki din ang bintana. The natural light came pouring in.

"Ang laki dito..." narinig kong bulong ni Raya.

Tinabihan ko ang kaibigan. "Diba? Tapos si Lulu lang mag-isa..."

Her books were stacked neatly on a shelf. Katabi nito ang napakalaking desk kung saan siya nag-aaral. Even her clutter looks... aesthetic. Sobrang layo nito sa dating bahay na tinitirhan niya sa La Union. In her old house, everything was organized to perfection. Parang bawal huminga o magkamali. This place is bursting with life.

"Okay! Dahil mga college na tayo, mag-iinom tayo!" Bungad ni Celeste pagkapasok niya sa loob. Late na itong dumating dahil kakagaling pa lang sa UST para ipasa ang mga to-follow niyang documents.

"Itong si Cel, kakapasok pa lang pero puro inom na ang iniisip..." rinig kong reklamo ni Karlo.

"Shush!" Celeste put down her bag and took a 100-peso bill from her wallet. "Oh, tig-iisang daan tayo. Ambag niyo..."

Everyone groaned while taking out money from their wallets. Maging si Ivo na hindi umiinom ay na-bully ni Celeste at pinag-ambag pa rin. In the end, the boys went out to buy the drinks, following her orders.

"Paano mo nauutusan yun?" Hindi makapaniwalang tanong ni Yari nang makalabas na ang kambal. "Puputok na ata ang ugat ko sa ulo dahil napakatamad nun sa condo namin, eh!" Reklamo pa niya.

"Ganda lang ang puhunan, sis," mayabang na sagot ni Celeste.

Yari pulled her hair jokingly. Nagtawanan naman sila habang nagp-prepare ng mga basong gagamitin mamaya.

"Raya, tawagan mo nga si Ivo, sabihin mo magdagdag sila ng ice," ani Lulu pagkatapos nitong i-check ang laman ng ref niya.

"Bakit ako?" Rinig kong hinaing ng kaibigan.

"Sige na, beh. Kukulamin na ako ng dalawa kapag nag-utos na naman ako!" Untag naman ni Celeste.

Raya mumbled something under her breath before going to the living room to get her phone. Mayamaya pa, narinig ko ang mahinang pag-uusap nila ni Ivo sa cellphone.

"Kumusta ang commander mo?"

Gulat akong napatingin kay Celeste nang bigla itong tumabi sa akin.

"Huh?"

Shelter in a Storm (Elyu Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon