Chapter 20

4.4K 158 22
                                    

"Magkwento ka naman tungkol sa La Salle, Avery! Marami bang pogi dun?"

Sinimangutan ko si Celeste. "Hindi ko alam. Hindi naman ako naroon para maghanap ng pogi..."

"Eh!" Reklamo niya. "Mayayaman ang mga estyudante 'dun, diba? Eh di kutis-artista!"

I sighed and turned away. Kanina pa niya kami kinukulit tungkol sa college life namin. Siguro ay dala na rin ng excitement dahil ilang buwan nalang, ga-graduate na din sila ng high school.

"Kailan ba sembreak niyo? Dagat na dagat na ako..." Yari leaned back on her chair and let out a huge sigh.

Siya ang pinaka-excited sa 'ming tatlo sa kolehiyo pero ngayon ay halos ayaw na nitong pumasok sa mga klase nila.

"Okay ka lang, Yar?" Bulong ko sa kaibigan.

She shrugged. "Hindi ko alam. Basta ang alam ko, gusto ko nalang mag-dropout."

"Dropout agad? Nasa first semester ka pa lang!" Karlo flicked her forehead. Nagsamaan ng tingin ang magkapatid kaya agad na pumagitna si Ivo bago pa sila tuluyang mag-away.

I checked my phone again for the third time today. Baka kasi may itinext si Enrique nang hindi ko napapansin. I could never predict the time that he's allowed to use his phone. Minsan ay nagt-take life pa ito para lang makagamit ng cellphone at ma-kontak ako. Naging habit ko na ang palagiang pagc-check ng cellphone dahil dito.

"Sa birthday ko, mag-dagat tayo, ah!" Paalala ni Celeste bago kami umalis sa bahay nina Raya.

Ang inisyal na usapan ay sasabay ako sa kambal patungong Maynila pero nagbago ang isip ko sa huli. Gusto kong dumaan muna sa boarding house at makausap si Tita. Nalulungkot ako sa dorm namin kahit na friendly at mabait naman ang mga roommates ko. My life in Manila is so dull and unbearable because I don't have other friends outside of my circle here in La Union. Sila nalang talaga ang nil-look forward ko tuwing sasapit ang Sabado at Linggo.

"Sigurado ka? Traffic na mamaya, baka gabihin ka..." nag-aalalang paalala ni Yari sa akin.

I nodded firmly. "Gusto ko lang talagang makita si Tita..."

She nodded in understanding. "Text mo 'ko ah kapag nasa Maynila ka na."

Dumiretso kaagad ako sa boarding house. Simula nang ipamana ito nina Lolo't Lola kay Tita, ni minsan ay hindi pa ito nare-renovate. Sakto lang naman kasi ang rentang natatanggap namin para sa pang-araw araw na gastusin. Hindi rin biro ang tuition fee sa La Salle kaya nag-apply ako bilang isang student assistant. But as soon as Tita found out about it, she scolded me and told me to focus on my studies instead.

"Kaya ko pa naman, Avery. Hindi mo kailangang magtrabaho..." ang palagi niyang paalala sa akin.

Kaya hindi na ako nagtataka kung walang perang naipundar para ipaayos ang sira sa iilang unit. May isang unit pa kaming hindi mapa-rentahan dahil tuluyan nang bumagsak ang kisame. Ang iba naman, tumutulo ang bubong tuwing umuulan o di kaya'y barado ang lababo. I hear complaints from tenants all the time. May iba pang nagbabanta na lalayasan nila si Tita kapag hindi nito pinababaan ang renta.

"Tita?"

Walang tao sa sala pero may mga boses na nanggagaling sa kusina pagkarating ko. Inilapag ko ang bag at nagtungo roon. Gayon nalang ang gulat ko nang makita si Ron at isang batang babae na nakaupo sa lamesa. Si Tita naman ay nasa lababo at mukhang may ginagawa.

"Avery!" Gulat na gulat ito nang makita ako. "A-Akala ko luluwas ka ng Maynila?"

I slowly shook my head. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang tatlo. Finally, my aunt sighed.

Shelter in a Storm (Elyu Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon