10

19.1K 281 10
                                    


Advance reading access in softcopy/ebook (PDF) is now available to order. Kindly message my Facebook TheMandieLee to avail. Complete story na po iyon, with bonus contents not found on Wattpad and VIP versions. Thank you so much! ~ ML



PAKIPOT pa ang gago. Pero sige, pagbibigyan muna ito ni Calista. Baka dominante ito pagdating sa sex, gusto ng mga babaeng submissive. Kaya siguro parang hindi ito impressed sa mga lantarang panglalandi niya.

Kung kukunin niya ang tiwala ni Declan, ay hindi lamang sa sex iyon. Kailangan nitong maniwalang susunod siya sa lahat ng utos nito. Hindi siya dapat magmadali lalo na ngayong hindi pa makababalik si Slater sa Pilipinas. Pasimpleng aakit-akitin na lamang muna niya si Declan, tatakamin. Hanggang sa hindi na makapagpigil. At maigi na rin palang hindi pa sila nag-all-the-way, dahil baka pag nangyari iyon ay hindi na ito magiging interesado sa kanya.

Nanghiram siya ng libro mula rito nang araw na iyon, pinayagan siyang manatili sa sunroom para doon magbasa. Pasulyap-sulyap ito sa kanya mula sa salas. Ilang oras din ang ginugol ni Calista doon, hindi inaasahang maaaliw sa kanyang binabasa. Dinnertime na nang tawagin siya ni Declan.

"Wala ka talaga'ng girlfriend, ano? Lalo na asawa," tanong ni Calista sa lalaki nang hindi na niya matiis ang katahimikan sa pagitan nila. "Alam ko sa mga trabahong ganito ay mahirap makipag-relasyon, pero madali lang makakuha ng mga babaeng pagpaparausan."

Walang sagot.

Nagkibit lang ito ng balikat.

"Ako ba ang pinakabata sa mga Persephone?"

Noon na sumagot si Declan. "Oo."

"Kilala mo silang lahat siguro, 'no?"

Parang tinatamad itong tumango.

"Magaganda ba silang lahat?"

"Ayaw ni Slater ng mga babaeng hindi maganda."

"May paborito ba si Slater?"

"Wala siyang sinasabi."

"Sabi nina Giliana, kailangan kong matutong umaktong prim and proper sa mga social functions kasi baka isama daw ako ni Slater sa mga lakad niya."

"Oo."

"So hindi lang nananatili sa isla ang mga Persephone?"

"Hindi." Tumayo si Declan, kinuha ang mga dessert mula sa food cart. "May kasamang dalawa ngayon si Slater sa Taipei."

"Wow."

Kaya naman pala wala lang kay Slater kung hindi siya nito nakasiping nang gabing iyon. Hindi ito mauubusan ng reserba.

Inilapag ng lalaki sa harapan niya ang isang dessert plate na may tatlong iba-ibang klaseng pastries.

"Sabi mo, lahat ng mga babaeng iyon ay nagkusang ialay ang sarili kay Slater. Hindi naman sila nag-aaway-away? Alam mo na, nag-aagawan ng atensiyon ni Slater, ganoon."

"Minsan."

"Anong nangyayari pag ganoon?"

"Pinapaalis ni Slater ang mga involved."

"Ah." Tumango-tango si Calista habang nginunguya ang cake.

"At huwag kang mag-uumpisa ng away doon para lang mapaalis ka, Calista. That's not how it works. Malalaman at malalaman namin kung nagpapanggap ka lang. At hindi mo gusto ang magiging kaparusahan mo."

Tumawa si Calista. Tuso at matalino talaga ang lalaking ito, paano niya kaya ito mauutakan?

"May Persephone na bang naparusahan?" tanong niya.

CaptiveWhere stories live. Discover now