Advanced digital copy (ebook/softcopy) is available to purchase for P449. Kindly message my Facebook page to avail. Complete na po iyon with all the bonus/extra scenes not found on Wattpad or VIP. Thank you. ~ ML
ISANG gold evening gown na may deep lunge neckline at open back ang suot ni Calista nang gabing iyon. Dark gray naman ang vested suit na suot ni Declan. Sobrang kisig ng gago, parang bodyguard lang ng US
President o Prime Minister ng UK. Bodyguard na makiki-party.
"Okay lang ako, kung gusto mong itanong iyan," sabi niya kay Declan habang nagwiwisik siya ng pabango at pinapanood siya nito mula sa kanyang repleksiyon sa salamin. "Nakakalakad pa ako nang diretso."
Ang totoo ay nag-take siya uli kanina lang ng pain killer tablets.
"I know you could handle it," sabi naman ni Declan.
Hinarap niya ito't inayos ang kuwelyo. "Sabi ko naman sa 'yo, hindi ba? Gawin mo lahat ng gusto mo sa akin, wala akong hindi magugustuhan," nakangiti niyang sabi dito saka ito hinalikan sa pisngi.
Nakatitig lang ito sa kanyang mukha habang pinupunasan niya ang lipstick niyang nagmarka sa pisngi nito. Parang may gusto itong sabihin pero nagbago ang isip nito.
Mahina niya itong tinampal sa mukha. "Sana nag-porn star ka na lang, Declan. Mas safe pa iyon kesa pagiging Hades," biro niya saka siya nagpatiunang lumabas ng silid.
Kitang-kita ni Calista kung paano siya nakapukaw ng pansin sa maraming tao nang pumasok sila ni Declan sa beach-side pavilion. Sa mga hindi nakakakilala sa kanila, magmumukha silang power couple.
Nginitian niya agad si Governor Escaño nang makita niya ito.
Natutuwa itong lumapit sa kanila ni Declan, kasama ang asawa. Puring-puri siya ng mga ito. Tumanggi si Declan nang yayain silang umupo sa long table kung saan naroroon ang mga importanteng panauhin.
"Okay lang purihin ako, Declan," ani Calista nang nakaupo na sila sa kanilang mesa.
Sinulyapan lang siya nito saka dinampot ang baso ng mojito at uminom doon.
"So, anong klase ng babae ang type mo? Alam ko sabi mo na hindi ka nakikipagrelasyon. Pero siguro naman ay may dream girl o ideal woman ka, 'di ba? O, kinaka-categorize mo sila, like kung sino lang ang gusto mong ka-sex, at gusto mong maka-steady?"
Walang sagot.
"Ako, Declan, under what category ako sa iyo? Masarap akong ka-sex, given na iyon."
Tumayo si Declan, inilahad ang isang kamay sa kanya. "Let's dance."
Nagulat man ay nakangiting inabot ni Calista ang kamay ng lalaki, iginiya siya nito sa gitna ng dance floor kung saan may tatlong pareha lang ang sumasayaw. May orchestra doon na tumutugtog ng slow waltz.
Tinuruan siya nina Giliana kung paano makipagsayaw sa mga social gathering kaya alam na niya ang gagawin. Graceful siyang nakipagsayaw kay Declan, magaling din ito, hindi matigas ang katawan. Of course hindi matigas ang katawan ng gago. Ang galing kaya nitong gumiling at mag-hip thrusts.
Hanggang sa napansin ni Calista na kanina pa palinga-linga sa paligid ang kapareha, parang tinitingnan ang mga tao doon.
"May problema ba, Declan?" usisa niya. Bahagya pa siyang nakaramdam ng pagkadismaya na may iba palang agenda si Declan kaya siya isinayaw.
"Something's not right," usal nito. "Three of the table servers have uniforms that don't fit them."
Sumimangot si Calista. "Umupo na nga tayo," aniya at ibinaba ang mga kamay na nakakapit sa lalaki.
YOU ARE READING
Captive
RomanceONGOING / TO BE COMPLETED Book 1 of the Persephone Series Mob romance Age gap *Slow updates