4

15.4K 284 43
                                    


KINAUMAGAHANG naligo si Calista ay sinadya niyang lumabas mula sa banyo nang hubo't hubad. Hindi niya alam kung nasaan iyong camera na sinasabi ni Declan, pero sana lang ay napapanood siya nito ngayon.

Pinalayas na niya ang natitirang kahihiyan sa katawan dahil wala siya sa posisyon ngayon na mahiya. Kailangan niyang tatagan ang loob, kapalan ang mukha, patibayin ang sikmura. Kailangan niyang maging matapang pa sa matapang.

Binuksan ni Calista ang closet niya at pumili doon ng susuutin. Mayroong maikling palda doon, tinernuhan niya ng puting crop top. Hindi siya nagsuot ng bra, hinayaan niyang bumakat ang mga suso sa pang-itaas na suot. Inilugay niya ang bagong tuyong lampas-balikat na buhok, nagpulbo, nagpahid ng pulang-pulang lipstick at nagwisik ng pabango. Iniindayog niya ang balakang sa paglalakad nang lumabas siya mula sa kuwarto.

Inabutan niya sa kusina si Declan, may kausap sa telepono. Hindi iyon smartphone, mukhang burner phone. Gamit talaga ng mga nakakadudang tao.

Sinulyapan lang siya ng lalaki saka nagpaalam na sa kung sinong kausap nito.

"Good morning," bati ni Calista at umupo sa stool.

Tumaas lalo ang palda niya nang nag-cross leg siya. Wala siyang pakialam kung nasisilip na pati ang panty niya. Mas maigi nga kung ganoon, baka sakaling matakam sa kanya si Declan.

Sumalumbaba siya sa counter, pinapungay ang mga mata. "Ano'ng breakfast?"

"Ihahatid na dito maya-maya lang," sagot ni Declan saka siya iniwan doon.

Maliksi siyang bumaba mula sa upuan at pakandirit na sinundan ang lalaki sa salas.

"Ang bango ng cologne mo, Declan. Ang sexy pa ng amoy," tanong niya rito na pinaharot ang boses.

Nang hindi ito sumagot ay inilapit pa niya ang sarili sa likod nito, inamoy ang bandang batok nito. In fairness, mabango talaga ang gago. Amoy malinis at mamahalin ang cologne.

"Anong brand ng cologne mo—"

Bigla siya nitong hinarap, sinunggaban siya sa braso. "I know what you're doing, Calista," tiim-bagang na sabi ni Declan, nagbabanta ang mga mata.

"Talaga lang, ha?" Pinilit tumawa ni Calista. "Ano sa palagay mo ang ginagawa ko? Para inaamoy lang kita."

"Hindi mo ako magagamit sa pagtakas."

Wow. Nalaman agad nito?

Hindi naman siya nayanig. Nginusuan pa niya si Declan, nagpa-cute. "Bakit mo naman naisip na gagamitin kita sa pagtakas? E, para ka ngang aso ni Slater. Takot ka sa kanya."

Naningkit ang mga mata ni Declan. "You don't know what you're dealing with, do you?"

Hindi na napigilan ni Calista ang galit nang sumagot siya. "Alam kong mga mamamatay-tao kayo." Nakuyom niya ang mga palad.

"You're absolutely right. Do you wanna live, Calista?"

Siya naman itong nagtiim-bagang at sinalubong nang walang kurap ang nagbabantang tingin nito. Kailangan niyang supilin lahat ng takot sa kanyang dibdib bago pa man niya iyon maramdaman.

Humigpit ang hawak ni Declan sa kanyang braso. "Answer my question."

Umirap siya dito bago sumagot ng matatag na "Yes."

Binitiwan na siya nito. "Kung ganoon ay nagkakaintindihan tayo."




HONEY TRAP. Sa linya ng trabaho ay hindi na bago kay Declan na mayroong babaeng umaakit sa kanya. But Calista was different. He must admit, the girl was actually sinfully tempting. But he could handle her. Hindi siya tumagal nang ganito sa kanyang trabaho kung bibigay lang siya sa pang-aakit ng isang babae. Especially a young woman like her. He knew how to avoid that shit.

CaptiveWhere stories live. Discover now