25

8.1K 193 14
                                    


Ebook/softcopy is available to buy at P449. Complete with bonus content not found in VIP or Wattpad. Kindly message my FB page to avail (search TheMandieLee). Thank you! ~ ML



"WAS it Cheng?" usisa ni Declan kay Quincy nang bumalik ito sa salas.

Tumango si Quincy saka umupo sa couch.

Si Suo Cheng ay anak ni Amadeus Batista sa isang Taiwanese. Ito ang in-charge sa finances ng Hades sa Asia. Hindi nito kasundo si Slater, matagal nang gusto ni Cheng na ito ang mamuno sa Hades sa parteng iyon ng mundo. Cheng was older and more experienced than Slater, fifteen years old pa lang ito noon nang isalang sa mga operasyon ng Hades. Cheng thought Slater was too soft and amateurish. He said Slater wasn't even interested in the mob if not because of the luxuries and prestige that came with it. Maraming nagulat nang ibigay ni Amadeus ang Asia kay Slater apat na taon na ang nakakaraan.

"He just never quits," iiling-iling na sabi Declan.

"Buti na lamang at nandiyan ka," ani Quincy, hininaan ang boses. "Kundi ay matagal nang napasakamay ni Cheng ang Asia, and who knows what would've happened to Slater. Ayokong magtrabaho kay Cheng, Declan. If Slater goes, I go, too."

Hindi lingid sa mga malalapit kay Slater ang papel ni Declan kaya nagtagumpay ang pamumuno nito sa Asia. Declan was the brain and brawl who took down their top rival mobs. Ginamit niya ang mga koneksiyon para ilaglag ang mga iyon sa sting operations at in-expose sa media; the other ones fell apart because he kílled their leaders. At alam ni Cheng iyon. Ilang beses na ring sinubukan ni Cheng na kunin ang loyalty ni Declan ngunit lagi itong bigo. Kaya mas lalong lumalaki ang galit nito kay Slater.

May naaamoy din si Declan na ginagawa sa dilim ni Cheng. He suspected that Cheng had been stealing money from Hades. Hindi lang pera ang ninanakaw nito, pati na mga tapat na tauhan ni Slater. Iyon din ang dahilan kaya hindi mapakali si Slater nitong mga nagdaang linggo.

"Hindi na tayo nagkita kagabi, how did it go?" maya-maya ay pagbabago ni Quincy sa usapan.

"It went fine," simpleng sagot lamang ni Declan.

He didn't really want to talk about his kílling missions. It was not something he was proud of.

Iyon ang dahilan kaya pinatawag siya ni Slater sa Taipei. May ka-deal itong dalawang triad tungkol sa kasunduan sa mga teritoryo ng Hades sa Taiwan, Hong Kong at China. The two leaders wanted something first, to get rid of the head of their rival gang, Bai Jietang. Hindi gusto ng dalawang leader si Bai dahil hindi ito sumusunod sa code of conduct. Gusto ng mga itong maipapatay si Bai sa paraang hindi mai-involve ang kani-kanilang organisasyon.

Declan did it last night during a meeting of the three triads. He went there incognito and kílled Bai Jietang, he shot him in the head and neck. And he had to make it look like Bai was not the only target. Gaya ng napag-usapang plano niya, he wounded the two triad leaders and fought some of their henchmen as well. He got paid in diamonds as per agreement with Slater.

"I gotta hand it to you, Declan. Nobody does it like you," humahangang sabi ni Quincy na kinibitan lang niya ng balikat.

Hindi na nagtaka si Declan nang naunang natapos kumain si Slater.

Sinalubong niya ito nang palabas ito ng dining room, mabilis na sinulyapan si Calista na kumakain pa rin doon.

"I want that motherfücker dead, Declan. Kundi lang dahil sa tatay namin ay matagal ko nang ginilitan 'yan ng leeg," gigil na sabi nito sa kanya habang sumusunod siya rito.

CaptiveWhere stories live. Discover now