15

10.4K 244 13
                                    


Advanced digital copy (ebook/softcopy) is available to purchase for P449. Kindly message my Facebook page to avail. Complete na po iyon with all the bonus/extra scenes not found on Wattpad or VIP. Thank you. ~ ML



"SINO ba ang mga iyon?" usisa ni Calista nang pabalik na sila ni Declan sa cottage.

"Kalaban ni Governor Escaño."

"Duh. Obvious bang kalaban niya? Ibig kong sabihin, sino sila exactly? Karibal na drug dealer? Kalaban sa politika?"

Siguro ay mas matapang siya kaysa sa kanyang inaakala. Nag-panic

siya kaninang nagkakaputukan, natakot din. Pero hindi siya nagsisisigaw gaya ng mga ibang tao doon na kung saan-saan na lamang nagtatakbo, hindi rin siya nag-iiyak. Pilit na pinanatili niya ang presence of mind at agad naghanap ng matatakbuhang ligtas na lugar.

"He is not a drug dealer, Calista," pagtatama ni Declan sa akusa niya.

"Okay, corrupt lang na politiko? Ah, so isa siya sa mga protector ng Hades, kaya kakilala ni Slater?" hinuha pa ni Calista.

Hindi siya sinagot.

"Bakit kasi nakipagbarilan pa doon. Kung balak patayin si Gob, puwede naman nilang lasunin na lang sana. May access naman sila siguro sa kitchen ng resort since nagpanggap silang staff."

"May tagatikim ng mga pagkain at inumin sa mesa bago iyon galawin ni Escaño," ani Declan. "He's not dumb."

"Puwede namang i-ambush na lang— Well, kunsabagay kung kalaban nga sa politika ang may gawa nu'n, mas makakasama kay Escaño iyong may gulo sa mismong birthday party niya, lalo't may mga nadamay na ibang tao. Baka kaya hindi siya napuruhan? Puwedeng sadya iyon, na huwag siyang patayin, gusto lang siyang sirain sa madla. Kasi mag-iisip ang mga botante kung anong klaseng politiko iyong nilulusob ng mga kalaban sa party nito. Kung matetegi nga naman siya doon, baka sa kanya mapunta ang simpatya ng mga tao at mananalo tiyak ang ipapalit na kandidato mula sa kanyang partido."

Parang hindi nakikinig si Declan sa mga sinasabi niya.

"Next time, if I tell you what to do, just do it, alright? Paano kung nabaril ka doon dahil sa pagtulong mo sa kanila?" banas na sabi nito sa kanya.

"Eh, hindi nga ako nabaril. Saka hindi ko naman gustong tumulong talaga, kusa na lang akong napatigil nang makita ko sila. Ewan ko, instinct siguro? Alam mo iyon, pag may pagpapahalaga ka sa kapwa mo, kusa kang nakakaramdam na kailangan mo silang tulungan kahit ano pa silang klaseng tao? Siguro hindi mo gets ang ganoon, kasi nakipaglaban ka lang naman doon dahil kakampi ng Hades si Gob."

Hindi na nagsalita ang lalaki.

"Pero ang galing mo kanina, Declan. Para kang si John Wick!"

Sinulyapan lang siya nito bago napailing.

Pagdating nila sa cottage ay nagpaiwan sa labas si Declan. Nang silipin ito ni Calista ay naninigarilyo ito habang may kausap sa cellphone.

Nakapagpalit na siya ng pantulog nang pumasok sa loob si Declan.

"Pack your things, we're leaving tomorrow morning," sabi nito sa kanya.

"Uuwi na tayo?"

"May pupuntahan tayong ibang lugar."

"S-saan? Sino iyong kausap mo, si Slater ba?"

Sinundan niya ito hanggang sa pantry, tahimik itong nagsalang ng kape sa coffee maker.

CaptiveWhere stories live. Discover now