17 (SPG)

20.1K 254 11
                                    



 "AH, ayos lang. Itong tungkod na ito kasi... galing sa Tatay ko. Mula nang namatay siya ay gamit-gamit ko na, nang sa gayon ay parang kasama ko rin siya palagi." May ginalaw si Lolo Tacio sa hawakan ng tungkod, hinila iyon at lumabas sa dulo niyon ang parang spearhead. "See? It's actually a weapon."

"Wow, ang galing!" manghang bulalas ni Calista.

Hindi na siya nagsalita pa hanggang sa matapos mapuno ng mga kamatis ang basket. Ipinilit ni Tacio na ito ang magbitbit doon.

"Natutuwa ako at nakadalaw siya uli dito," sabi nito habang naglalakad sila pabalik sa bahay. "Dalawang taon na siguro iyong huli niyang punta dito."

Nahimigan ni Calista ang kaunting lumbay na bumahid sa boses ng matanda.

"B-busy lang po kasi siya sa work," hindi niya napigil sabihin.

"Ah, naiintindihan ko naman iyon. Palagi kong bilin sa kanya na gawin ang mga bagay na gusto niya't magbibigay sa kanya ng kasiyahan, na huwag akong alalahanin. Noong sinabi niyang magku-quit siya sa pagiging pulis ay hinayaan ko na lang. Ang totoo ay mas nakahinga ako nang maluwag dahil hindi na magiging delikado ang trabaho niya, mas malaki pa ang sweldo."

"Malaki nga po ang sweldo niya," hindi napigil ikomento ni Calista. Pero mas delikado ang buhay.

"Natutuwa naman ako't mukhang mahal niya ang trabaho niya, parang nagmana nga lang sa akin dahil workaholic na pala. Sana lang hindi ka niya napapabayaan, hija."

"H-hindi naman po. Saka nasa iisang workplace kami kaya palagi kaming nagkikita."

"Hindi naman ako perpektong guardian, pero sa palagay ko ay ginawa ko ang lahat para mabigyan siya ng mabuting buhay. But you know what they say, a man should choose his own destiny."

"Malaking blessing po kayo kay Declan, Lolo. Napakaswerte niya sa inyo."

Sinalubong sila ni Declan nang may beinteng metro ang layo nila sa bahay, sapilitan nitong kinuha ang bitbit na basket ng matanda.

"Tulungan na kita sa pagluluto," nakangiting sabi ni Calista sa lalaki.




HINDI nga nagbibiro si Declan, naglapag ito ng bedding sa sahig at doon ito pumuwesto nang oras na ng pagtulog.

"Sure ka talaga diyan? Ang tigas ng sahig," sabi ni Calista rito nang patayin nito ang ilaw at ang maliit na night light na lamang sa dingding ang natitirang liwanag sa silid.

"Mas matigas ang ulo mo."

Napatawa siya nang malakas. "Alam mo, ang chaka ng sense of humor mo."

Bagong ligo ang lalaki at nasasamyo ni Calista ang presko at mabangong amoy nito. Nagugulo tuloy ang kalooban niya. Wala, eh. Siya itong marupok sa lalaking ito kahit may plano siyang pabaliwin ito sa kanya para makalayo kay Slater. Tama nga ang iba, sex could be addicting. Lalo na pag galing kay Declan.

"Declan..."

"Matulog ka na."

"Huwag mong sabihing hindi ka bothered na may kasama kang babae sa kuwarto mo ngayon?"

"Hindi."

"Weh? Hindi talaga?"

"You heard me."

"Paano kung akitin ka ng babae?"

"That's not fair."

Tumawa si Calista saka bumaba mula sa kama at walang sabi-sabing sinakyan si Declan. Tiningnan lang siya nito.

CaptiveWhere stories live. Discover now