"YOU know, this is supposed to be a sightseeing cruise, too," pabirong pukaw ni Calista kay Declan habang kumakain sila sa boat.
Bahagyang nangunot ang noo ng lalaki, hindi yata nakuha ang ibig niyang sabihin.
Tumawa siya. "Hindi ka naman tumitingin sa dinadaanan nating tourist spots."
He slightly pouted and he looked so dámn cute as a button. "'Di naman kasi maganda, mas maganda ang view sa harapan ko."
Tinampal niya ang braso nito sa mesa. "Bolero ka din pala?"
"Hey, I don't know how to do that. I'm telling you the truth."
"Hmm. Not your first time here siguro, ano?" hula ni Calista.
Umiling si Declan. "No."
"Kaya pala."
Iyong nagging feeling na madami siyang gustong malaman tungkol sa lalaki ay pilit niyang isinantabi. There would be a right time for that. Kung kailan man iyon ay ayaw niya munang problemahin ngayon. She just had to keep the faith.
"Kamusta pala si Lolo Tacio?" naisip na itanong ni Calista.
"He's doing good. Still strong and healthy."
"That's good to know. So, how long are you staying here?"
Declan shrugged his shoulders. "It depends, I guess."
Tumango-tango siya. "I see, I see."
"We can... we can go out again if you want. Tomorrow? I'll pick you up."
She smiled warmly, her heart was too filled with so much happiness she didn't know how to exactly deal with it.
"Sure, Declan."
Nang dumadaong na ang cruise boat ay napasimangot si Calista. "Bitin," hindi niya mapigil na maikomento.
Tumawa si Declan. "We'll go again tomorrow night. How about I book a private cruise, just for the two of us?"
"You'll do that, really?" excited na bulalas niya.
"Hey, anything for my girl."
Tinaasan niya ito ng kilay. "Your girl talaga? Assuming ka, ha?"
Nagkamot ito ng batok, nag-blush din yata. "Can I take you to your hotel?" saka ungot nito.
Mas tumaas ang pag-angat ng kilay ni Calista. "May masama kang balak?"
Declan let out an embarrassed laugh. "I can't stay if that's what you're wondering. I wanted to, but—"
"Can't stay?" Hindi niya napigil ang sumimangot.
"Work," nakasimangot ding sabi nito. "Bawi ako tomorrow night, promise."
May haplos ang tono ng boses nito pagdating sa word na 'promise'. Siya naman ay naniwala agad. My goodness, ganito pa ba siya patay na patay sa lalaking ito?
Inakbayan siya ni Declan nang tumayo na sila at pumila para sa pagbaba.
"I miss you," saka bulong ng lalaki at hinalikan siya sa buhok.
"Me, too," bulong niya pabalik at iniyakap ang isang kamay sa likod nito.
Sumakay sila ng taxi mula sa port saka nagpatigil kung saan pupuwede silang maglakad patungo sa kanyang hotel. She told him she liked walking with him and he said he enjoyed it, too.
Tumigil si Calista sa harap ng isang flower shop.
"You want some?" tanong ni Declan.
Umiling siya. "Not for me," sagot niya saka dinampot ang isang bouquet na may blue roses. "I'll pay," nakangiting pigil niya sa lalaki nang akmang ilalabas nito ang wallet.
YOU ARE READING
Captive
RomanceONGOING / TO BE COMPLETED Book 1 of the Persephone Series Mob romance Age gap *Slow updates