22 (SPG)

15.9K 271 36
                                    



Naka-sale po ngayon for P399 ang Captive ebook. You will get a free 1 month VIP subscription with your purchase. Yes po, complete na iyon with all the bonus contents not found in Wattpad or VIP versions. Hanggang August 31 lang po ang promo. Just message my Facebook page if interested, kindly search TheMandieLee. Thank you so much! ~ ML




TAHIMIK na humarap sa hapagkainan sa covered patio sina Calista at Declan nang gabing iyon. Palipat-lipat naman ng tingin si Lolo Tacio sa kanilang dalawa.

"Nag-away ba kayo?" hanggang sa hindi na nito matiis na itanong.

Sumimangot lamang si Calista. Hindi naman sumagot si Declan.

"Imung, ano ang ginawa mo?" galit na kastigo ng matanda kay Declan.

Itinuro ni Declan ang sarili. "Kasalanan ko agad?" may hinampong sabi nito.

Muntik tuloy matawa si Calista.

"Iyang sungit mong 'yan, hindi na nakapagtataka," ani Lolo Tacio.

"Wala po ito, Lolo," sabi naman ni Calista. "Konting tampuhan lang."

"Tampuhan?"

Ngumuso siya. "Hindi pa niya ako tinuturuang mag-drive."

"Decimus!" bulalas ng matanda, pinanlakihan ng mga mata si Declan.

"Bukas, tuturuan kita," nakasimangot na sabi ng lalaki kay Calista.

"'Lo, oh. Napipilitan lang," aniya kay Lolo Tacio.

"Kundi lang tayo kumakain ngayon ay hahambalusin kitang damuho ka," banta ng matanda kay Declan.

"Tuturuan na nga po." Ipinaglagay siya nito ng kanin sa pinggan, pati na ulam na chicken caldereta. "You want more sauce?" tanong pa nito sa kanya, mababa ang boses, hindi tunog inis. Pero malay ba niya sa totoong nararamdaman nito ngayon? Baka nga gusto siyang saksakin sa lalamunan ng buto ng manok.

"Yes, please," sagot na lang ni Calista na ngumiti at pinapungay ang mga mata dito. "Thank you, babe. Ang sweet-sweet mo talaga," pa-eksaheradong sabi pa niya.

Naiwan silang dalawa doon nang nagdi-dessert na sila. May bisita daw si Lolo Tacio at kasama nito iyong umiinom ngayon ng tsaa sa salas.

"'You happy now?" tanong sa kanya ni Declan habang sarap na sarap siya sa leche flan.

"Hindi," nakangiwi niyang sagot. "Sino namang magiging masaya sa kalagayan ko ngayon?"

Nagbuga ito ng hangin. Blangko pa rin ang mukhang tinungo nito ang pool table doon saka tumira.

Bumuntonghininga si Calista. "Sorry, wala ka namang kasalanan kung bakit ako nandito," saka sabi niya. "At naiintindihan ko rin kung bakit hindi mo ako mapapatakas kahit gusto mo."

Asa pa siya sa patakas. Imposibleng maisip iyon ni Declan, lalo na ngayon. Pero gaya ng nasabi niya, naiintindihan niya naman ang sitwasyon.

"Kamusta pala ang demonyong amo mo?" naisip niyang itanong.

"Why do you ask?" balik-tanong ni Declan.

"Kung buhay pa ba. Pinagdadasal kong mategi na, eh. Mukhang malakas ang kapit ng gago kay Taning. 'Tamo, nakaligtas sa kaguluhan doon kay Gob Escaño."

"He's fine."

"Kinakamusta ba niya ako?"

"Oo. Sabi ko, ayos ka lang dito. He's not that preoccupied with you this time. He had a new Persephone he met in Taipei."

CaptiveWhere stories live. Discover now