29

6.9K 233 20
                                    


CALISTA sat alone in her patio. It was a fine spring morning, the patio's shade was coming from a massive wisteria that was blooming like crazy. Kada spring ay pakapal yata nang pakapal ang mga bulaklak niyon. On her front were magnolia and lilac trees, nagpapaligsahan din sa pamumulaklak. Sa ilalim ng mga iyon ay may mga tulips at daffodils.

She curled her legs on her chair and sipped on her coffee. She had never imagined this kind of life before but here she was.

How long had it been? Six, seven years? Ganoon na ba katagal iyong umiiyak siyang lumapag sa Estados Unidos? Everything was almost a blur— how she was given a new identity, a new home, a new life.

Calista was able to go to a business school and finished a two-year associate degree in business administration while running a bed and breakfast. Life had been good and easy for her. She loved her cozy home. May malawak na yard iyon kung saan nakakapag-garden siya sa likod, mayroon ding swimming pool. She enjoyed managing Sunny Ridge, a beautiful plantation-style mansion that she converted into an inn. She was driving a Range Rover and a BMW, nabibili niya ang mga gusto, nakakapag-travel rin siya. She had already gone to many parts of Europe and Africa. Hindi na problema sa kanya ang pera kahit kailan. Actually, kahit hindi na siya magtrabaho o magnegosyo, she had more than enough money to sustain herself. She was given everything— the house, the business, even a trust fund from anonymous source. Iyong perang pinagbentahan niya noon ng mga alahas ay tinuruan siyang i-invest sa mga stocks. Kahit iyong interests lang ng mga time deposit niya ay sobra-sobra na para sa mga gastusin niya.

May mga naging kaibigan na rin siya kahit paano, si Debbie na siyang assistant niya sa Sunny Ridge, sina Theodore at Constance, ang matandang mag-asawang kapitbahay niya. Ito ang gusto niya sa America, iyong kahit may mga kaibigan siyang matatawag ay hindi gaanong nagpa-pry ang mga ito sa pribadong buhay niya. Her secret was safe, her dark past was never discovered. Madali naman kasi'ng paniwalaan na isa siyang Pinay na naulila sa mga magulang at namumuhay nang mag-isa gamit ang perang naiwan sa kanya. Kumpleto siya sa mga papeles, mula sa birth certificate, dual citizenship at social security number. She was known as Colette Dimagiba, nag-migrate sa US ang mga parents kasama siya, at namatay ang mga ito sa vehicular accident noong siya ay nineteen years old.

"I'm really sorry I can't stay for breakfast."

Nakangiting liningon ni Calista ang nagsalita. "It's okay, Ben. You go ahead, baka ma-late ka sa hospital."

Humalik ito sa pisngi niya. "I'll make it up to you, I promise."

Tumawa siya. "Okay lang sabi, ano ka ba?"

Hinawakan ng lalaki ang kaliwang kamay, itinaas iyon. "The ring looks good on you."

"Thank you." Tumingin siya sa engagement ring. "It is really gorgeous."

Noong Linggo lamang nag-propose ng kasal sa kanya si Benjamin, ang boyfriend niya nang mahigit isang taon na. Nakilala niya ito nang mag-check-in sa bed and breakfast na pagmamay-ari niya sa North Carolina. Isang Filipino-American surgeon si Benjamin Detrich. Wala siyang mairereklamo rito bilang isang tao at nobyo niya. Maasikaso ito, malambing, mapagmahal. Sabi nga ni Debbie, wala na siyang hahanapin pa. But Calista wasn't looking for anything else. Kuntento siya sa lahat ng ipinapakita at ipinaparamdam sa kanya ni Benjamin.

"Okay, I gotta go. I love you," paalam na nito sa kanya matapos siyang mabilis na halikan sa mga labi.

"I love you, too. Bye."

Pinanood niyang naglakad si Benjamin patungo sa kotse nitong nakaparada sa driveway. Kumaway muna ito sa kanya bago ito sumakay doon. She waved back with her left hand, the diamond sparkled against the morning sunshine.

CaptiveWhere stories live. Discover now