23

9.2K 218 11
                                    



Naka-sale po ngayon for P399 ang Captive ebook. You will get a free 1 month VIP subscription with your purchase. Yes po, complete na iyon with all the bonus contents not found in Wattpad or VIP versions. Hanggang August 31 lang po ang promo. Just message my Facebook page if interested, kindly search TheMandieLee. Thank you so much! ~ ML



ISANG hapon ay nagyaya si Declan na mamitas sila ng dragon fruit. Ewan niya pero ang cute nitong nakahawak ng basket. Akbay-akbay siya nito habang naglalakad sila patungo sa taniman, pakaway-kaway pa ito sa mga nadaraanan nilang workers sa farm.

"Ang sweet. Parang K-pop!" narinig nilang sigaw ni Tomas sa kanila na sinundan ng palakpak.

"K-drama iyon, ulol!" sabi naman dito ni Jerry.

Nagtawanan tuloy silang dalawa.

"Akina na nga 'yan." Inagaw ni Calista ang basket mula sa lalaki. "Para kang tanga na ikinakaway ang basket."

"Nakaakbay nga kasi ang isang kamay ko sa iyo. Alangan paa ko ang gamitin kong pangkaway?"

"Hopeless talaga ang sense of humor mo, Decimus."

"'You really like it here?" tanong sa kanya ni Declan nang namimitas na sila.

Tumango si Calista. "Oo, sobra. Ang babait pa ng mga tao dito. Alam mo, hindi naman totoong hindi ako nagkaroon ng friends sa amin. Meron din, kaso ewan ko ba kung bakit napupunta ako sa mga maling nilalang. Noong bata ako, inayawan akong kalaro kasi minsan nandaya ako sa taguan, umuwi ako sa bahay namin."

Tumawa si Declan. "That's funny."

"May tatlo akong kaibigan sa elementary, nainis sa akin iyong isa kasi ang taklesa ko daw. Pero sobrang sensitive lang naman iyon, 'di maka-gets ng joke at madaling mapikon. Nag-sorry naman ako. Pero ayun, ni-recruit niya iyong dalawa para kumampi sa kanya't iwasan ako. Iyong dalawang friends ko sa high school, nabuwisit kasi sa akin nagkagusto iyong mga crush nila," kuwento pa niya. "E, kasalanan ko ba iyon? Wala naman akong ginawa, saka 'di ko naman type mga boylets na iyon. Mukhang mga batang hamog lang, ew. Tapos iyon, iniwasan ko na lang makipagkaibigan uli. Pati iyong may-ari ng restaurant na pinagtrabahuan ko, masungit din sa akin. Matandang dalaga kasi, walang nanligaw. Masungit din sa akin iyong mag-asawang kapitbahay ni Tiyang. Ibang usapan iyong mga lalaking kursunada ako, ah? Mga tanga naman karamihan sa mga iyon, nakakita lang ng maganda e liligawan na agad. Parang gusto lang akong gawing trophy." Bumuntonghininga siya. "Akala ko nga, may something sa akin na hindi kagiliw-giliw, until napunta ako dito sa inyo. Lahat ng tao dito ay gusto ako, mababait sila sa akin. Dito ko lang naranasan na maalagaan at pagsilbihan." Gusto niyang maluha sa huling sinabi.

"Hindi ikaw ang problema. You just have to find the right people and the right place to be," sabi ni Declan na kanina pa pala nakatayo lang doon at matamang nakikinig sa kanya.

Pagtingin niya sa basket na nasa lupa ay puno na pala iyon ng dragon fruit.

"Siguro nga. Parang magnet din kasi ako ng mga walanghiya, eh. Parang sumpa lang. Nakakainis minsan."

Narinig niyang mahinang tumawa ang lalaki.

"Hindi ka kasama sa mga walanghiyang iyon, Declan," nakangiting pagtatama niya rito.

"Yeah, okay."

"Hindi nga."

Tumawa si Calista saka nag-tiptoe para halikan ang lalaki sa bibig. Tumugon naman ito, niyakap pa siya sa beywang at pinalalim ang halik.

CaptiveWhere stories live. Discover now