Chapter 1.
Naramdaman kong may tumatapik sa aking balikat.
Pupungas pungas akong bumangon mula sa pagkadukdok sa mesa napatingin ako kay mang tiyo ang security nang restaurant na pinagtatrabahuan ko.
"po?" Mahina kung saad dito.
"Hindi kapa uuwi iha? Pasado alas 12 na nang gabi ikaw nalang ang tao dito at uuwi narin ako!" Saad nito sa akin na kinataranta ko.
"ayy hala pasensiya napo!" Saad ko at agad umalis sa pagkakaupo.
"sige ikaw na bahala dito hah uuwi na ako!" Saad nito tumango naman ako at umalis nasi mang tiyo.
Napabuntong hininga ako may pasok pa naman ako bukas may homework at assignment pa pero heto ako ngayon at natutulog sa mesa at alas 12 na nagising.
Agad akong gumalaw at nagsirado na nang mga bintana.
Isa akong waitress sa restaurant na ito at ako rin ang nahire na magsirado nang restaurant pag alas 10 na nang gabi okay lang naman dahil dagdag sweldo din ito.
Nandito ako ngayon at kinakadenahan na ang pintuan nang restaurant.
Sobrang dilim na at ang lamig sana naman may dumating na kotse para makasakay na ako pero mukhang no choice ako dahil walang dumadaan maglalakad nalang siguro ako.
Medyo malapit lang naman ang bahay namin.
Nagmadali akong umuwi dahil nakakaramdam nadin ako nang takot.
Nang malapit na ako sa bahay namin ay sobrang dilim sigurado ako walang tao.
Saan na kaya si fatima zoe?? Palagi lang naman yon sa bahay at hindi gumagala paanong wala siya dito sa bahay?.
Hindi ako makatulog sa pag-alala sa nakakabatang kapatid kona si fatima kaya ang ginawa konalang ay tinapos ang mga gawain ko sa eskwelahan.
Si fatima zoe ay kapatid ko 16 na iyon at grade 11 meron din kaming pagkahawig ni fatima sa kilay lamang at ilong.
Sa pag-iisip ko kay fatima ay nakatulog ako sa desk ko.
"ate..." Rinig kung may nag-saad habang tinatapik ang balikat ko.
Bumangon ako mula sa mesa at pinunasan ang mata at mukha ko sabay humalukipkip sa kaniya.
"asan ka galing kagabi?" Striktang saad ko kita ko ang paglunok niya.
"k-kasi ate g-gumawa lang nang homework!" Saad nito kaya napatawa ako.
"homework?? At kailangan pa lumabas? sa pagkakaalam ko ginagawa mo naman palagi yong homework at assignment mo dito sa bahay firstime din akong umuwi na wala ka? Bigyan mo ako nang totoo at tunay na sagot fatima!" Seryosong saad ko at kita ko ang kaba nito.
"k-kasi ate nagtrabaho ako kagabi!" Nakayukong saad nito.
"whatt?? Fatima ang bata! bata! mopa para magtrabaho?? Ako dapat ang magtrabaho sa atin fatima.. Anong naisipan mo at nagtrabaho ka?" Saad ko sa kaniya.
"a-ate sorry napo hindi kona kasi kayang makitang naghihirap ka sa pagtatrabaho para sa akin tapos..nag-aaral pa kayo gusto kopong makatulong!" Saad nito at papaiyak na.
"sabihin mo sa akin kung saan ka nagtrabaho?" Mahinahon kung saad.
"S-sa b-bar!" Saad nito na kinalaki nang mata ko.
"bar?? Sa lahat nang pwede mo pasukan fatima sa bar pa? Anong naisipan mong bata ka? P-paanong natanggap ka ehh minor age kapa?" Saad ko sa kaniya na kinaiwas nang tingin niya.
YOU ARE READING
Dangerous Possesion (COMPLETED)
Romancesawi sa pag-ibig si Mary at laging nasasaktan dahil sa babaero nitong kasintahan not until nakilala niya ang cold at may pagkasupladong Tito nito na naging boss din niya.. #COMPLETED.