Chapter 4.
"Your fired Mary!" Saad nang aming boss sa restaurant na pinagtatrabahuan ko.
Nanigas ako sa gulat..
Pagkauwi ko palang sa bahay ay agad akong nagbihis para magtrabaho pero ito lang ang maaabutan ko?.
"P-po paanong naalis p-po ako sa trabaho?" Basag ang boses na saad ko.
Kung kailan komportable na ako dito sa trabaho kung ito saka nila ako papaalisin.
Wala naman akong nagawang mali ah?
Naghirap akong mahanap ang trabahong ito tas ganun ganun lang?.
Kitang kita ko ang awa sa mga mukha nang mga katrabaho kong mga waitress.
"Hindi ka nagtrabaho kahapon kaya hindi ko papalagpasin ang ginawa mong ito Mary hindi ka nagfofocus sa trabaho mo!" Saad nang aming boss at nag-iwas nang tingin para siyang may tinatago na iwan.
"Y-yong lang? Para lang don sa pagkakaalam ko naman po always present ako sa trabaho at kahapon lang po ako wala tas dahil lang doon aalisin niyo ako sa trabaho? Yong ibang katrabaho konga ilang beses lumiban sa trabaho hindi nga natanggal ako na kahapon palang lumiban natanggal agad? Ang unfair naman ata sir!" Naiiyak kung saad dahil sa galit.
"My decision is final Miss Mary your fired!" Saad ni sir at naglakad paalis.
Nakatulala ako at naiiyak.
Paano na ako nito? Ano na ang kakainin namin nang kapatid ko saan ako kukuha nang pera? Sobrang hirap pa naman mag apply nang trabaho.
Nanghihina akong umupo sa may upoan nang table at naiinis na napakamot sa ulo.
"Mary!"saad ni ria ang katrabaho kung waitress.
" napakaunfair ria kahapon lang akong lumiban at tatanggalin na ako dahil doon hindi naman ata tama yon!" Basag ang boses na saad ko.
"Atin atin lang to Mary ah pero kasi may nakipagdeal kasi sa ating boss na kung tatanggalin ka daw niya sa trabaho bibigyan daw nito nang isa pang branch na restaurant si boss!" Saad ni ria na kinakunot noo ko.
"Ano? Anong karapatan niyang gawin yon??" Hindi makapaniwalang saad ko.
"Hindi ko alam mary eh basta nakita kolang at narinig sila kanina habang naghahatid ako nang coffee ni boss!" Saad niya sa akin.
"Kilala moba kung sino ang lalaking yon?" Gigil sa galit na saad ko.
"Hindi ko kilala mary pero narinig kona tinawag ito ni boss nang Mr. Damien!" Saad ni Ria na kinanganga ko.
S-si Mr Damien bakit niya naman gagawin yon.
"Salamat ria!" Saad ko dito at gigil sa galit na umalis sa restaurant.
Sumakay ako sa taxi at nagpahatid sa mansion nila shan.
Gigil akong pumasok sa mansion.
"Ate mary!" Masayang saad ni shana pero natigilan nang makita ang galit na mukha ko.
"Nasan ang tito damien mo?" Saad ko pilit kinakalma ang sarili mukhang natakot ata kanina sa akin ang bata.
"Nasa mansion niya po umuwi siya kanina!" Saad ni shana.
Tinanong ko ito kung saan na lugar at sinabi niya naman ang address.
Mabuti at alam nang bata kung saan nakatira ang tito niya.
Nagpahatid ulit ako sa taxi papunta mansion.
Sobrang laki nang mansion niya pangmayaman talaga.
Nagdoorbell ako sa pintuan at lumabas ang mukhang katulong doon.
YOU ARE READING
Dangerous Possesion (COMPLETED)
Romancesawi sa pag-ibig si Mary at laging nasasaktan dahil sa babaero nitong kasintahan not until nakilala niya ang cold at may pagkasupladong Tito nito na naging boss din niya.. #COMPLETED.