CHAPTER 21.

988 26 0
                                    

CHAPTER 21.

"Ate... Kailan po kayo gigising? Dalawang araw na hindi kaparin nagigising nag-aalala na ako sayo hindi kapa nakakakain or nakakainom nang gatas baka mapano si baby niyan!" Nag-aalalang Boses ni fatima ang aking narinig nang magising ang aking diwa.

Nang imulat ko ang mata ay puting kisama agad ang bumungad sa akin tas nahihilo pa ako nang konti napatingin naman si fatima sa akin at napasinghap.

"Ate finally gising kana!" Masayang saad niya at niyakap ako nang mahigpit tinapik ko naman ang likod niya.

Anong nangyare?.

Ang naalala kolang ay ang pagkabangga namin ni damien.

W-wala namang nangyari sa akin diba? Ang baby ko!.

"Wait lang ate titimpla lang ako nang gatas mo!" Akmang aalis nasi fatima nang hawakan ko ang kamay niya.

"Ang baby ko? Okay lang ba siya fatima?" Kinakabahang saad ko habang kinakapa ang tiyan.

Binigyan naman ako ni fatima nang malaking ngiti na nagpakawala nang kaba ko.

"Of course po ate nasa tiyan niyo papo si pamangkin ko! Okay na okay!" Nakangiting saad niya.

Napabuga naman ako nang hangin at hinaplos ang tiyan ko.

"Timplahan lang kita nang kape ate ah?" Nakangiting saad niya.

Hinawakan ko ang noo ko at naramdaman kong may nakabenda dito may sugat sugat rin nang maliit ang mukha ko.

Okay naman ako at wala namang masamang nangyari sa akin.

Pumasok sa aking utak ang memorya kung saan nakita ko ang  mukha ni damien punong puno nang bubog nang salamin na nakatusok sa kaniyang mukha at ulo sobrang dugoan niya pati narin ang leeg.

W-wait si damien o-okay lang kaya siya?

Ginapangan ako nang kaba at takot.

Nagmadali kung kinuha ang dextrose sa aking kamay at humapdi agad ito na kinapikit ko.

Dali dali kung binuksan ang pintuan at tumambad doon si fatima may dalang gatas.

"Ate.. Saan po kayo pumunta? At bakit niyo po kinuha ang dextrose niyo juskoo hindi kapa magaling ate!" Nag-aalalang saad niya.

"Si damien kailangan kosiyang puntahan!" Nagpapanic kung saad.

"A-ate!" Pigil ni fatima sa akin.

"Fatima pakiusap hindi ako mapapakali kung hindi kosiya makikitang maayos!" Naiiyak kung saad ko napabuntong hininga nalang si fatima sa akin.

"Sige ate ihahatid kita sa room niya pero kailangan din natin ulit bumalik dito hindi kapa magaling at kailangan mong magpahinga!" Paalala niya sa akin desperadang tumango ako.

Hinawakan niya ang braso ko at inalalayan.

"Saang room basiya?" Tanong ko kay fatima.

"Vip room ate!" Simple niyang saad.

Medyo nakahinga ako nang maluwag nang malaman na nasa vip siya I'm sure na siya ang inuuna nang mga doctor na gamutin.

Nang makatapat na kami sa pintuan kong saan ang si damien ay biglang sumikdo ang kaba sa dibdib ko ewan ko kung para saan to.

"Pasok kana ate hintayin nalang kita dito sa labas nasa loob kasi ang pamilya ni kuya damien eh nahihiya ako!" Mahinang saad niya.

Napalunok ako nang malaman na nandito ang pamilya niya I'm sure nandito ang mga pinsan at kapatid niya nagdadalawang isip na tuloy ako kung papasok ba ako o hindi.

Dangerous Possesion (COMPLETED) Where stories live. Discover now