Chapter II

0 0 0
                                    

Dumating na ang mga pagkain na in-order namin at nagsimula na rin kami kumain agad. Napansin ko ang sunod-sunod na subo niya kaya hindi ko maiwasan na mapangiti. Napansin niya iyon kaya umayos siya ng upo at uminom ng tubig.

"Sorry. Gutom lang talaga ako," Umayos siya ng upo pero nagpatuloy siya sa pagkain.

"Don't worry. Mas okay 'yung ganiyan."

Napahinto siya sa pagsubo. "Really?"

Tumango ako. "Kaya mo naman ubusin, hindi ba? E, 'di okay lang."

Ngumiti siya. Pinagpatuloy ko na ang pagkain ko para makasabay sa kaniya. Dahil kahit kaunti lang ang in-order ko mas mukhang mauuna pa siyang matapos sa'kin. At, hindi nga ako nagkamali.

Habang inuubos ko ang pagkain ko ay nararamdaman kong nakatitig siya sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay para malaman niya na naco-conscious ako pero tinawanan niya lang ako.

"Uhm, baka nahihiwagahan ka kung bakit kita sinama rito. I actually want to catch up with you."

Muntik ko nang maibuga ang iniinom kong tubig dahil sa sinabi niya. Why?

"Alam kong may pangit tayong nakaraan at-"

"Wait," agap ko sa kung ano mang sasabihin niya. "Eltrex, alam ko ang kasalanan ko at humihingi ako ng tawad sa'yo-"

"It's understandable, Nahara. If I were in your shoes, I would do the same."

Hindi na naming napag-usapan ni Eltrex ang mga nangyari noon dahil siya na mismo ang nag-iba ng topic. Mukhang iniiwasan niya rin.

Mabilis lang din natapos ang klase. Patapos na ang last class namin nang may biglang nag-announce sa buong campus.

"Hi, Moonstoneans! How's your first day so far?! And before this day ends, I would like to announce that we will be having a little program in the grandstand at 6 p.m. today! See you guys there!"

Lahat ay na-excite at masaya. Every year actually ay may ganiyan. Akala nga naming ay wala ngayong taon kasi kadalasan ay sa umaga sila nag-aannounce.

Pumupunta naman ako dahil kahit papaano ay magandang simulant ang academic year nang masaya. Kadalasan, doon din nagce-celebrate ng para sa mga bagong students, for freshmen and for transferees.

Pabalik na ako ng dorm ng biglang may sumulpot sa harap ko. Napaangat ako ng tingin sa kaniya. Anong ginagawa niya rito?

"Hi!" Ngumiti siya. Damn!

"H-Hello, wow! I mean, anong... paano ka nakapunta rito?"

"Guess." Aniya at lumayo ng kaunti at ibinuka ang mga kamay na para bang may ipinapakita sa akin. Nang mapagtanto ko kung ano 'yon ay nanlaki ang mata ko at napatakip ng bibig.

"Nag-transfer ka?"

Mayabang siyang ngumiti at kumidat. "Exactly. Bagay ba?"

Napatawa ako. "Okay naman. Maganda naman kasi talaga ang uniform ng Crim dito sa Moonstone."

Tinawanan niya ako at lumapit ulit sa'kin. "Magpapasama sana ako sa'yo mag-ikot dito sa campus pero bukas nalang. May program pala after nito."

Tumango ako. "Yeah, para sa inyo 'yon kaya pumunta."

"How about you? Hindi ka pupunta?"

Actually, pinag-iisipan ko pa kung tutungo ako roon mamaya. Depende nalang siguro sa kung ano ang banda mamaya. May banda kasi lagi kapag ganiyan. Kung hindi isa sa mga bands dito sa campus, kumukuha sila sa ibang school.

"Pag-iisipan ko pa,"

"Tss. Pumunta ka na, hindi ako pupunta kapag hindi ka pumunta."

"Eh, 'di 'wag kang pumunta!"

NaharaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon