Chapter XIV

0 0 0
                                    

Tinapik ni Ate Helen ang balikat ko at iniwan kami ni Eltrex sa kusina. Nang makapagluto ako ay agad inihanda 'yon ni Ate Helen na agad namang nilantakan nitong lalaki sa harap ko na kung kumain ngayon ay parang hindi nakakain ng ilang araw.

Inaya ko ang mga kasama ko sa bahay pero ayaw nilang sumabay. Siguro ay nahihiya at naninibago dahil ngayon lang ako nagpapunta rito sa bahay ng kaibigang lalaki, maliban siyempre kina Yael at Shawn.

Hindi ko alam kung pakitang-tao lang itong pagkain ni Eltrex ngayon dahil sobrang gana niyang kumain.

"Hindi yata ako magsasawa sa luto mo, Nahara."

Natawa ako. "Nasasabi mo lang 'yan at bago-bago pa lang."

Tinaasan niya ako ng kilay at nagpunas ng kamay. Tapos na kami kumain at siya na ang nag-urong ng mga pinagkainan namin.

"E 'di tingnan natin. Pero ako, I'm sure I will never get tired of your cooking." Hamon niya at parang siguradong-sigurado sa sinabi.

"Well, let's see, Eltrex."

He just smirked. Iginiya ko na rin siya palabas kalaunan. Dahil anong oras na rin at kailangan naming magpahinga para bukas. Nang makalabas na kami ay akala ko papasok na siya sa sasakyan pero hinarap niya

"Wait here, Nahra, I just want to give you something." Aniya at may kinuha sa sasakyan.

Ano naman kaya 'yon? Wala naman akong natatandaang magiging dahilan niya para magbigay ng isang bagay.

Nang makuha niya ang ibibigay niya raw ay lumapit siya sa'kin. Bigla akong kinabahan nang makitang seryoso siya at blangko ang expression ng mukha.

"I've been thinking about this the whole day. Bukas ko pa sana ibibigay pero wala na atang mas gaganda pa sa timing ngayon." He then chuckled.

Inilabas niya ang isang maliit na paper bag at iniabot sa akin 'yon. Lumayo ako sa kaniya nang makita ang pangalan na sobrang familiar sa akin.

"C'mon, Nahara."

"Hindi ko matatanggap 'yan, Eltrex." Ang inaabot niya sa akin ay kapareho ng relong ibinigay ko sa kaniya.

"It's my gift."

"Pero-"

"I just want to thank you for everything. Alam kong hindi mo ako maiintindihan kaya sa ganitong paraan ko na lang gustong ipakita sa'yo na sobra akong nagpapasalamat sa lahat."

Naguguluhan ako at hindi ma-proseso sa akin ang mga sinasabi niya.

Inilabas niya ang relo sa box at inabot ang kamay ko. Medyo nagulat ako at nahatak ko ang kamay ko papalayo sa kaniya. Gulat niya rin akong tiningnan dahil sa naging response ko.

"I-I'm sorry. Hindi ko lang kasi-"

"Just this one, please? Accept it for me, Nahara."

Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na akong nakatitig lang sa kisame ng kwarto ko. Alas onse na ng gabi at hindi pa rin ako makatulog. Hindi ko alam kung dahil ba sa kaba para bukas o dahil sa nangyari kanina?

Tiningnan ko ang relo na nasa ibabaw ng nightstand. What the hell, Eltrex!?

"Pumayat ka, dear. Sa tingin ko mula nang nag-college ka?" usisa ni Adam na nag-aayos sa akin ngayon.

"Medyo, marami kasing ginagawa."

"Pero bagay sa'yo. Mas lalo kang gumanda." Aniya at kinindatan ako sa repleksyon sa salamin.

"Aabangan ka namin sa gate, Hara. Mag-message ka lang kapag malapit ka na." si Aliza na kausap sa telepono.

"Sige, thank you so much, Ali!"

NaharaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon