"What do you think?"
Napahinga ako nang malalim at napasandal sa backrest ng upuan. We're here at the lab. Katatapos lang ng klase namin at nagpa-iwan kami dito saglit para pag-usapan nga ang gagawin namin para sa talent portion. May ibang naiwan din dito tulad namin at may kani-kaniyang mga ginagawa rin.
"I'm not that confident in singing, Eltrex."
"I heard you sing before. Noong first year high school tayo, sa foundation day."
Nanlaki ang mata ko. Paano niya pa naalala 'yon? Atsaka, pinilit lang ako ng teacher namin no'n. Sadly, iyon din 'yung time na nag-start may mang-bully sa akin.
"That was a long time ago. Ayoko nang maalala pa iyon."
"Kaya tayo magpa-pratice. Pero, ikaw, kung hindi mo gusto 'yon, umisip na lang ulit tayo ng bago."
"Yael said that our talent must be interesting and unique."
He smirked. "Let's add some flavor, then."
Napaisip ako. Magaling si Eltrex kumanta, he can play guitar, too. Ako naman ay may iilan lang akong alam na tutugtugin.
"What flavor? Like lemon and orange or something like vanilla?"
Natigilan siya sa sinabi ko. Hindi niya in-expect ang sasabihin ko kaya napatigil siya at napatitig sa akin. Umiwas ako ng tingin at nahiya naman sa sinabi. Maya-maya ay narinig ko ang pagtawa niya.
"That's not a good joke, Nahara." Aniya pero tawa pa rin nang tawa.
"Stop laughing, then." Hindi ko na rin mapigilan ang tumawa at mapalingon sa kaniya. Namumula siya, lalo na ang tainga niya.
"Comedian ka rin pala,"
"Stop it, Eltrex. Kita mong nahihiya na ako dahil sa nasabi ko bibiruin mo pa ako." Kahit nagkakasagutan kami ngayon ay parehas naman kaming natatawa.
"Let's meet Anton and Daniel later. Sila ang pwede nating kasama." Sabi na lang niya kahit natatawa-tawa pa rin.
Sumang-ayon na lang ako. Nakita kong kasama niya nga ang dalawa nang tumugtog siya nung unang event dito sa campus.
Lumabas na kami ng lab after namin mag-decide. Ngayon naman ay pupunta kami sa department office para kuhanin ang department uniform namin.
"May idinagdag kami sa uniform niyo para mas gumanda." Sabi ng President ng department namin.
"Thank you!"
May ilang sinabi lang siya sa amin at lumabas na rin kami agad. Maaga ang practice namin ngayon para sa contest dahil ito na ang last. Kaya mapagtutuunan na namin ng pansin ang para sa talent portion.
Naging maayos naman ang practice. Nakakapagod dahil naging paulit-ulit na lang ang routine. Hindi ko nga alam kung bakit ang dalas namin mag-practice, e, wala namang nadadagdag sa mga itinuturo niya.
Tulad ng sabi ni Eltrex ay pupuntahan daw namin sina Anton at Daniel. I'm with Aliza today dahil ayokong mag-isa lang ako roon.
Hinihintay namin si Eltrex sa may harapan ng school dahil kukuhanin lang daw niya ang sasakyan niya. May band room daw sila malapit dito para kumpleto na ang mga gamit doon.
"Thank you for coming with me, Ali."
"No worries, Hara. Wala rin naman akong gagawin ngayon." Wala si Vina dahil may klase pa.
Ilang saglit lang ay dumating na ang sasakyan niya. Binaba niya ang bintana ng sasakyan at kumaway.
"Let's go." Sabi niya sabay abot ng pinto sa passenger seat at binuksan iyon.
BINABASA MO ANG
Nahara
RomanceKagaya nga ng kasabihan, mawawala ang lahat sa iyo pero hindi ang pamilya. Pamilya ang magbibigay sa iyo ng lakas at ng tunay na pagmamahal na hindi mabibili o mapapalitan ng kahit na ano. It doesn't matter if you're blood related or not. What matte...