Chapter XIX

0 0 0
                                    

"How are you?"

Nakatihaya siya at nakapikit. Nang marinig niya ako ay tumalikod siya ng higa. Ang likod na niya ngayon ang kaharap ko!

What the!

"You look fine. Aalis na lang ako."

Tumayo na ako at handa nang lumabas pero hinawakan niya ang kamay ko.

"What now, Eltrex?"

Tinanggal niya ang pagkakataban ng kamay niya sa'kin at tumikhim.

"I'm s-starving, Stella."

Stella, huh? Bumalik ako sa pagkaka-upo sa gilid ng kama niya.

"Harold cooked for-"

"Hindi siya masarap magluto."

Nanlaki ang mata ko. Kasasabi lang nila Selene kanina na si Harold ang taga-luto nila rito dahil masarap ito magluto. Tapos sasabihin ni Eltrex na hindi masarap?

"Fine. What do you want? I-I can cook."

Ngumuso siya at halata ang pagpipigil niya ng ngiti.

"Adobo, Nahara." Aniya at tuluyan nang napangiti. Hindi ko na rin mapigilan ang pag-ngiti kaya tumayo na ako agad at iniwan siya ro'n.

"Okay na ba siya?" tanong ni Selene nang makababa ako sa kusina mula sa ikalawang palapag.

Naabutan ko sila ni Harold na naghuhugas ng mga pinag-kainan nila kanina. Hindi ako kumain dahil busog pa naman ako.

"He looks fine."

I heard Harold chuckled kaya napatingin ako sa kaniya. "Siguro dahil nandito ka na."

Inirapan ko siya. Tinawanan nila akong dalawa.

"Stop it. Anyway, do you guys have... uhm... ingredients for adobo?"

Nag-tinginan silang dalawa at pigil na tumawa. May ibinulong pa si Selene kay Harold bago niya itinuro sa'kin ang mga gagamitin.

They are so weird.

"Kapag may kailangan ka pa, tawagin mo lang kami. Nandoon lang kami sa sala."

Tumango ako at hinayaan sila lumabas. Ako na lang dito sa kusina at inaabala ang sarili sa pagluluto ng adobo.

Kung mayroon man siguro akong maipagmamalaki, siguro iyon ay ang pagluluto ko. Dahil hindi naman niya siguro ire-request ang adobo ko kung hindi siya nasarapan no'n. 'di ba?

Nang makapagluto ako ay naglagay agad ako sa may mangkok at naglagay din ako ng kanin sa isang plato. Kukuha pa sana ako ng mga gamot pero naalala kong may nakita akong medicine box doon sa kwartong kinaroroonan ni Eltrex kanina.

"Kung gusto niyo ng adobo kumuha-"

Hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko nang nagmamadali silang pumunta sa kusina. Weird nga silang lahat.

"Kanina pa kami natatakam sa amoy palang." Sigaw ni Lukas.

Napa-iling ako at pumunta na sa taas dala-dala ang malaking tray laman ang pagkain at tubig para sa kaniya.

Naka-bukas ang pinto kaya hindi na ako nahirapang pumasok. Hindi ko alam kung sino ang nagbukas pero sinara ko 'to kanina nang lumabas ako.

Naabutan ko siyang naka-upo na sa kama at nakasandal na sa headboard. Akmang tutulungan niya ako pero nakita kong may ininda siya sa tagiliran.

Hindi ko pa rin alam kung anong totoong nangyari sa kaniya. Kung bakit siya nandito at halos hindi maka-kilos.

"'Wag ka na kasing magga-galaw d'yan."

NaharaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon