"Pero siya ang nag-message sa'kin noong gabi na 'yon. Paano?"
"Ang sabi niya sa aming lahat, may nagnakaw daw ng bag niya. Hindi na niya nahabol dahil sumakay daw agad ang mga iyon ng kotse."
Tama nga ang hinala ko. Pero bakit si Daisy pa? Bakit siya pa ang ninakawan? Saan siya nanakawan? Nanakaw na ba ang phone niya pagkatapos niyang makapag-message sa'kin?
"'Wag mo nang alalahanin ngayon 'yon, Hara. Diba nakulong naman na ang mga k-um-idnap sa'yo?" si Yael na kanina pa parang tinitimbang ang mga nangyayari.
Tama siya. Pero kailangan ko pa ring mag-ingat ngayon.
Sasama na ako ngayon sa kanila pabalik ng campus. Nag-handa muna ako ng mga gamit ko at sumabay na sa kanila sa pagbalik sa campus.
Sakay namin ngayon ang sasakyan ni Yael at siya rin ang nagmamaneho. Si Vina ang nasa front seat at kami naman ni Aliza ang nasa likod.
"Ali, sino pala ang nanalo sa contest?"
Lumingon siya sa akin at medyo nagulat. Mukhang hindi niya ata inaasahan na itatanong ko iyon agad ngayon.
"Well... your department won."
Nanlaki ang mata ko at hindi makapaniwala. Nanalo silang dalawa?!
"I bet hindi mo napanood ang live streaming nila sa social media." Sabi naman ni Yael na nakatingin sa'kin mula sa rear-view mirror.
"Hindi ko napanood."
Inilabas ni Vina ang phone niya at iniabot sa'kin. "Nakapag-video ako performance nila that night. Gusto mo bang mapanood?" concern na tanong niya.
Kinuha ko 'yon at tumango sa kaniya.
"Mas mabuti na na ikaw mismo ang makapanood, Hara."
Hinanap ko ang video at ang una kong nakita ay ang production number. Nagulat ako nang saulo ni Daisy ang buong step na ilang araw namin p-in-ractice.
Hindi ko alam kung tama ito pero nakaramdam ako na kaunting inis at inggit. Ang mga tingin ni Eltrex kay Daisy ay hindi ko maipaliwanag. Seryoso siya habang nakatingin dito at gano'n din naman si Daisy.
He never looked at me like that. Never.
Nang makapagpakilala sila ay halos hindi na marinig ang boses nila sa lakas ng hiyawan sa kanila.
Nang matapos ang unang video, ang talent portion naman ang isinunod ko. Don't tell me na kabisado rin ni Daisy ang p-in-ractice namin nila Eltrex?
Pero laking gulat ko nang makitang si Eltrex lang ang lumabas. May hawak siyang gitara. Madilim ang stage at tanging ang spot light lang sa kaniya ang liwanag.
Nagsimula na siyang tumugtog at mas lalong lumakas ang hiyawan. Nang magsimula siyang kumanta ay tumahimik ang lahat. Tanging siya ang pinapakinggan at lahat ay nakikinig.
You don't need to leave
It seems a bit naïve
No need to disagree
Or seek my historyNakapikit siya habang kumakanta. Tila ninanamnam ang mensahe ng kanta. The people were quite kaya mas lalong nakadagdag iyon ng emosyon.
Though I can't see you
I can feel you
I'm so glad you open my door
When I get near, all my fears disappear
And I won't be alone anymoreHindi ko na nakayanan at ibinigay kay Vina ang phone niya. Pinunasan ko agad ang mga luhang hindi ko na napigilan dahil sa naging damdamin.
They tried to look at me pero pinanatili ko lang ang tingin sa labas.
BINABASA MO ANG
Nahara
RomanceKagaya nga ng kasabihan, mawawala ang lahat sa iyo pero hindi ang pamilya. Pamilya ang magbibigay sa iyo ng lakas at ng tunay na pagmamahal na hindi mabibili o mapapalitan ng kahit na ano. It doesn't matter if you're blood related or not. What matte...