"Saan ba tayo?" Takang tanong ko kay Shawn nang sunduin niya ako. Wala akong klase ngayon at sabi niya ay itinaon nila 'yon. Nila? Sino pa?
"Dad wants us to see something. Kahit ako ay nagulat."
Dahan-dahan akong tumango nang may maalala. Matagal nang nabanggit ni Tito Chris 'yon kaya hindi ko na masyadong maalala.
Kinukuha niya ang dala kong bag pero hindi ko 'yon binigay. "Kaya ko."
Bahagya siyang natawa. "Sabi mo, e."
Nang makarating kami ng parking at pasakay na ng sasakyan niya ay may biglang tumawag sa kaniya. Sabay kaming napalingon. Familiar ang lalaki at hindi ko matandaan kung saan at kailan ko siya nakita.
"Castro," bati niya rito at tumango.
Lumapit naman ang tinawag niyang Castro at bumati kay Shawn. May ibinigay 'yung lalaki kay Shawn at nagpaalam na rin. Bago pa siya makaalis ay bumaling siya sa akin at ngumiti, ngumiti rin ako bilang ganti.
"Ano 'yon?"
"Ah, ito ba?" ipinakita niya sa akin ang isang papel.
Tumango ako.
"Hindi ko rin alam, ipinapabigay niya lang kay Dad. Actually, scholar ni Dad 'yon, si Alvin. Hindi mo ba siya nakikilala? Kagaya ko ay transferee rin siya at same school din kami dati sa may Berlin."
Natatandaan ko na! Siya 'yong kasama ni Shawn noong debut ko. Nagbago kasi siguro ang mukha at matagal na simula noong huli ko siyang nakita.
Nang makarating kami sa lugar kung nasaan si Tito Chris ay agad niya kaming sinalubong.
"Mabuti at sumama ka, Hara?"
"Siyempre, Tito. Nabanggit mo na sa'min 'to ni Shawn noon kaya medyo na-excite rin ako no'ng nalaman ko."
He chuckled. "Lagi kasi akong busy."
We're here at his friend's shooting range. Ang sabi ni Tito Chris noon ay madalas din sila ni Daddy dito. Kaya isa rin siguro 'yon sa nagpa-excite sa'kin na puntahan at subukan 'to.
"Always remember to treat every firearm like it is loaded. Meaning, hindi ni'yo pwedeng itutok ang mga armas sa kahit sino nang basta-basta." Huling paalala sa'min ng RSO na si Sir Justin.
Naka-set na ang lahat at na-orient na rin kami sa kung ano dapat at hindi dapat gawin. Hindi sila naging gano'n ka-strict sa amin dahil bago pa lang kami rito. I mean ako, dahil nate-train na si Shawn nito sa campus kapag may training sila.
Madali lang naman at mabilis namin masundan. Basta lagi lang sumunod sa kung ano ang sinasabi nila.
"Nervous, Hara?"
"Not really. Baka ikaw?"
Tinawanan niya lang ako at nag-soot na ng eye and ear protection. Ganoon na rin ang ginawa ko at hinawakan na ang baril.
Hindi ko ma-explain ko ano ang nararamdaman ko ngayon dahil ito ang unang beses ko na makakahawak ng baril.
Mahigpit ang hawak ko sa baril habang nakatutok sa target.
"Loosen up, Miss Hara." Kinalma ko ang sarili at sinunod ang sinabi niya.
My eyes were closed when I pulled the trigger. Binuksan ko ang isang mata ko at tiningnan ang target. Wala akong nakitang tama kaya inulit ko.
Hindi katulad kanina, hindi ko na binuksan ang mata ko at nagpatuloy lang ako sa pagputok.
"Good stance, Miss Hara."
"Nice one, Hara!"
Nang makita ko ang target ay napangiti ako. Not that bad for a first-timer, huh?
I unloaded the gun and then placed it on the bench, gaya nang sabi ni Sir Justin sa'min kanina. Tinanggal ko na rin ang eye and ear protection na soot at lumayo na ro'n.
BINABASA MO ANG
Nahara
RomanceKagaya nga ng kasabihan, mawawala ang lahat sa iyo pero hindi ang pamilya. Pamilya ang magbibigay sa iyo ng lakas at ng tunay na pagmamahal na hindi mabibili o mapapalitan ng kahit na ano. It doesn't matter if you're blood related or not. What matte...