9:00 a.m na nang magsimula ang program para sa opening. Maraming mga announcements as usual. From our dean, mga department heads, at ilang mga importanteng bisita.
"Hara, bumili ka sa'min mamaya, ah." Sabi ni Vina nang magkasalubong kami isang beses.
"Sige, saan ba kayo naka-pwesto?"
Pawis siya at halata ang pagod. Naging busy din kasi sila sa paghahanda ng booth nila. Kagaya namin, required din iyon sa isang major subjects nila.
"Sa may gilid lang din ng field. Nandoon lahat ng mga booth. Sabay na lang din natin bisitahin iyong booth nila Ali."
Tumango ako at inabutan siya ng tissue dahil tagaktak na talaga ang pawis niya.
"Goodluck sa inyo!"
"Thanks, Hara! Punta ka, ah."
Nagpaalam na siya dahil dumadagsa na ang mga tao. Natuloy din palang i-open ang school for outsider. Hinigpitan na lang ang security lalo na sa mga gate.
"Ang ganda talaga ng friend mo na 'yon, Hara."
Napalingon ako sa nagsalita. Si Anton 'yon.
"Anong motive mo?"
Tinaasan niya ko ng kilay at natawa. "I'm just appreciating her beauty, okay? Pero may favor sana ako sa'yo."
Sabi na, e. "Ano 'yon?"
"Ipakilala mo naman ako tapos ako na bahala sa susunod."
Ako naman ang nagtaas sa kaniya ng kilay. "Kilala ka naman na niya."
Nanlaki ang mata niya. "Talaga?"
Tumango ako. Bigla siyang namula at parang hindi magka-mayaw. Don't tell me...
Pabiro ko siyang tiningnan nang masama at tinawanan niya lang ako.
"Fine! Kung ano mang iniisip mo ngayon, maaaring tama ka."
Hah! Kung alam lang ng isang 'to.
Sa kalagitnaan ng pag-uusap namin ni Anton biglang dumating si Eltrex. Nakakunot ang noo nito at mukhang galit. Kahit si Anton ay nahimigan 'yon. May dala siyang isang kahon na may logo ng campus. Ibinaba niya 'yon sa may lamesa at nagsimula nang ilabas ang laman no'n.
"Ayos ka lang ba, Trex?"
Masama ang tinging ibinigay niya kay Anton. Anong problema nito? Napansin niya ang presensya ko at nag-iba ang paraan ng pagtingin niya. Huminga siya nang malalim at pinagpatuloy na ang ginagawa.
"Tss. 'Yan ang hirap sa taong 'yan, Hara. Hindi marunong magsabi ng problema."
Napaisip ako. Totoo nga 'yon. Hindi rin madaling basahin kung anong mga kinikilos niya kaya kahit naging malapit kami ay nahihiwagahan pa rin ako sa kaniya.
Medyo malayo naman kami sa kaniya kaya kung mag-kwentuhan man kami ni Anton about sa kaniya ay hindi niya maririnig. Matagal ko na rin kasing gustong tanungin ang bagay na 'yon sa kaniya pero hindi ako nakakakuha ng chance.
"Anton, i-iyong ex niya, may sinabi kasi sa'kin. Naguguluhan ako at hindi ko naman maitanong ng deretso kay Eltrex,"
"Sinong ex?"
"Iyong recent lang, 'yung nursing student din, irregular ata 'yon sa pagkakatanda ko." Classmate ko sa isang subject 'yon pero nakalimutan ko ang name.
"Sa dami ng ex niyang nursing students, hindi ko na matandaan kung sino ang recent sa mga iyon." aniya at natawa.
Pinigilan kong mag-react sa sinabi niya. "Never mind the ex-thing. Kasi nabanggit niya na hindi genuine ang mga pinakitang emosyon at pag-uugali ni Eltrex nitong mga nakakaraan. Anong ibig niyang sabihin do'n?"
BINABASA MO ANG
Nahara
RomanceKagaya nga ng kasabihan, mawawala ang lahat sa iyo pero hindi ang pamilya. Pamilya ang magbibigay sa iyo ng lakas at ng tunay na pagmamahal na hindi mabibili o mapapalitan ng kahit na ano. It doesn't matter if you're blood related or not. What matte...