Hindi ko alam kung paano ako nakatagal kagabi kasama si Eltrex. Nang matapos ang program ay tsaka palang din kami nag-pasya na bumalik sa kaniya-kaniya naming dorm. Maaga ang class ko ngayon ganoon din ang dalawa kong kaibigan. Habang gumagayak kami ay inuusisa nila ako kung anong nangyari sa'min ni Eltrex kagabi.
"It's actually for you."
Iniling ko ang ulo nang marinig na naman sa isip ang sinabi niya na 'yon. Hindi ako nagtanong sa kaniya about doon pero nanatili 'yong palaisipan sa akin. Para sa'kin? Bakit? Na-chismis sa buong campus ang pagsasama naming ni Eltrex sa garden. May nakakita raw kuno sa amin na mukhang nagkakama-butihan at ikinalat ang balita na 'yon kahit wala namang katotohanan. Balita rin ngayon ang paghihiwalay 'di umano ni Eltrex at ng girlfriend niya. And guess what? Ako na nanahimik at walang pakialam sa relasyon nila ay nadadawit ngayon!
"So, ano talagang nangyari? Alam mo ang drama drama ng lalaki na 'yon." inis na sabi ni Aliza habang patungo kami sa kani-kaniya naming building.
"Wala. Nakita niya lang ako sa may garden at ayon, wala namang ibang nangyari."
"Tss. Kung ganoon bakit noong umalis ka, umalis din siya?!" sabi naman ni Vina.
I just shrugged. Kahit ako ay hindi ko alam ang sagot diyan. Kahit ako, nagugulahan at hindi siya maintindihan.
"Hindi kaya, he likes you?"
Tumigil ako sa paglalakad at tiningnan nang masama si Aliza. Tumawa lang siya at nagtinginan sila ni Vina.
"Mamaya nalang tayo mag-usap, dito na lang ako, ingat!" pumasok agad ako sa building namin at hindi na tiningnan pa ang dalawa. Kung ano-ano kasi ang iniisip ng mga 'yon.
Pagpasok ko palang sa first class ko ay nagtilian na lahat. Anong mayroon? Lahat sila nakatingin sa akin at may mga ngiti sa labi. Nanunukso pa.
What's happening here?! Kahit nang nagsimula na akong maglakad ay apura pa rin ang kantyaw nila. Ano bang nangyayari?! Saktong pagka-upo ko ay ang pagdating din ng prof namin. Tumigil sa kantyaw ang lahat at umayos na sa kanilang upuan. Shocks! Anong ibig sabihin ng mga hiyaw nila?!
Habang nago-orient ang prof namin ay napansin ko ang isang paperbag ng isang sikat na brand ng kape sa tabi ng inuupuan ko. May malaking name ko roon at muntik nang masakop ang buong paperbag. Lumingon muna ako sa paligid bago kinuha 'yon. Para sa akin naman ito, right? Kasi may pangalan ko.
Sa paperbag ay may nakalagay na card bukod sa malaking sulat ng pangalan ko. Napapikit ako at nahihirapan nang makita ang penmanship ng sumulat. My gosh! Kaninong penmanship 'to?! Wala namang kaso sa'kin kung pangit o maganda pero ito kasi... hindi mo talaga maintindihan sa unang tingin.
'Good morning, Nahara! Please eat this food that I bought for you. Have a good day, mon amour.' - Handsome Eltrex
Napatulala ako ng ilang segundo at ina-absorb ang mga nangyayari. Anong ibig niyang sabihin sa mon amour?! Gusto ba niya ako gaya ng sinasabi nila Aliza?
Natapos ang klase na wala akong naintindihan sa orientation at sa mga sinasabi ng prof naming.
"Ano 'yan?" usisa ni Yael nang makita ang paperbag na taban ko. Iniwas ko iyon pero agad din niyang naagaw. Wala na akong nagawa at hinayaan siyang kuhanin iyon. Binasa niya ang sulat sa card at napakunot ang noo niya at nangiti.
"Mukhang tama ako, ah! Tsk, tsk! Damn that man." Ibinalik niya sa akin iyon nang nakangiti.
"Hindi ko gusto ang mga tinginan mo, Ferrer." Sabi ko at inilabas na ang pagkain sa paperbag para maibahagi ko rin sa kaniya. Nasa garden kami at magmemeryenda nang nag-usisa siya. Kaharap niya ang laptop niya habang kumakain. Mukhang marami na naman siyang plano bago bumitaw sa pwesto niya bilang chairman.
BINABASA MO ANG
Nahara
RomanceKagaya nga ng kasabihan, mawawala ang lahat sa iyo pero hindi ang pamilya. Pamilya ang magbibigay sa iyo ng lakas at ng tunay na pagmamahal na hindi mabibili o mapapalitan ng kahit na ano. It doesn't matter if you're blood related or not. What matte...