There were people who were willing to risk their lives to save others, and they were wholeheartedly helping people despite uncertainty: soldiers, police officers, doctors, nurses, local government officials, and other frontliners. But at some point, even those who were not frontliners, they were still willing to risk their lives to help people.
Sa mga mahal natin sa buhay, likas sa atin ang tumulong at magbigay sa kanila kapag halimbawa may nangyari sa kanilang hindi maganda, sa gitna ng pangangamba, o kung ano man ang pinagda-daanan nila sa buhay,
Marami rin akong nabasa na sa mga aklat at napanood na sa mga teleserye at pelikula. In the midst of danger or tragedy, there's always this one person who will suffer or, at worst, die just to save the person he or she loves the most. Jack put Rose first before himself; he put her in a floating wreck and let his own body sink into the cold sea. He endured the coldness and died of hypothermia just so Rose could live.
In real life, gumagana ba talaga na kapag mahal mo ang isang tao, not blood related, kaya mo rin gawin iyong ginawa ni Jack? Indeed, a heroic deed. Pero naisip man lang ba niya na may mga tao ring maga-alala sa kaniya kung gawin niya iyon?
Unconditional love, eh?
Nasa garden kami at katahimikan ang namamayani sa aming dalawa. Tanging ang naririnig lang namin ay ang paghinga lang namin, ang huni ng mga maliliit na hayop sa paligid, at mga ilang tao na katulad namin ay nahanap ang garden bilang pahingahan.
Gabi na rin at hindi ganoon karami ang bitwin sa langit. I wonder if it'll rain.
Nagulat ako sa nalaman at hindi alam kung paano itatanong kay Eltrex kung ano talaga ang nangyari. Why did he do that? Bakit?
"H-Hey," agad akong napalingon sa kaniya nang siya ang unang nag-salita. He smiled at ganoon din ako. Pero pilit ang ngiti ko dahil sa hindi maintindihang nararamdaman.
I care, of course. Galit din ako at naiinis dahil sa ginawa niya. Paano kung may mangyari sa kaniya? At dahil sa akin pa!
"I'm sorry. I didn't tell you about what happened. I thought-"
Nang hindi ko na nakayanan ang inis ay hindi ko na siya pinatapos at galit na humarap sa kaniya. "What the hell is wrong with you, Eltrex!? Someone stabbed you at pumasok ka lang kanina na parang walang nangyari? Talaga bang wala ka nang pakialam sa sarili mo?!"
"Will you please listen to me first, Nahara?" puno ng pagsusumamo ang mga mata niya at parang nana-nantya.
Huminga ako nang malalim at tumango. Iniwas ko rin ang tingin sa kaniya. Hindi ko ito kinakaya.
"Okay, I followed you last night kasi nag-aalala ako. Hindi ko alam kung bakit pero iba talaga ang pakiramdam ko kagabi. Fvck! Those bastards were about to follow you. Kung hindi ko pa sila hinarang ay baka naabutan ka nila."
Napabaling ako sa kaniya. Hindi ko alam na ganoon ang nangyari.
"Yes. You can call me stalker or whatever, Nahara. Pero, what if wala ako roon kagabi? What if hindi kita sinundan? Do you think I can forgive myself if something bad happens to you!?"
Mabilis ang hininga niya at dahil doon ay nakaramdam siya ng sakit sa sugat niya. Ininda niya 'yon kaya agad akong nag-tanong pero ayos lang daw siya.
"Don't worry about it. Na-gamot ko na ito kagabi masyado lang akong naggaga-galaw kanina."
Tiningnan ko siya at nang magtama ang mga mata namin, hindi ko na mapigilan ang damdamin na kanina ko pa pinipigilan.
Na-alarma siya nang makitang umiiyak ako. Gago ka kasi, Eltrex!
"W-What's wrong, Nahara?" Hinawakan niya ang balikat ko at pilit akong pinapaharap sa kaniya.
Gosh! Bakit hindi ko napigilan?
BINABASA MO ANG
Nahara
RomanceKagaya nga ng kasabihan, mawawala ang lahat sa iyo pero hindi ang pamilya. Pamilya ang magbibigay sa iyo ng lakas at ng tunay na pagmamahal na hindi mabibili o mapapalitan ng kahit na ano. It doesn't matter if you're blood related or not. What matte...