Chapter IV

0 0 0
                                    

"No, thanks, dude!"

"Yes, please, Shawn." Bumaling sa akin nang tingin si Daniel. Alam kong nagpapanggap lang siyang kaya niya. Sa kapal at bigat ba naman kasi ng mga libro. Kinuha agad ni Shawn sa akin ang dala ko. Lumingon siya kay Daniel.

"Pwede mong ilipat-"

Natawa ako nang binaba ni Daniel ang box at dali-daling binigay ang ibang libro kay Shawn. "Kaya ko talaga 'yan pero malayo-layo pa ang classroom kaya inililipat ko."

Nang makarating kami sa classroom ay agad pinasalamatan ni sir si Shawn. Nakita siya ng mga kaklase ko kaya may mga nagbulong-bulungan. Transferee nga pala siya kaya hindi siya familiar sa kanila.

"Where's Mr. Silva?"

Nagtinginan kami ni Daniel at ako na ang sumagot. "Nag-cr lang, sir." Hindi naman na nagtanong si Sir Tolentino at nagsimula nang magpamigay ng mga libro.

"Totoong nag-cr si Eltrex?" tanong ni Daisy.

Tss. Tumango nalang ako. "Bakit ang tagal niya kung ganoon?"

Nagkibit lang ako ng balikat kaya si Daniel sa likod ang tinanong niya. Iyon lang din ang sinabi ni Daniel.

"I want to know more about him. Interesting siya." Aniya kay Daniel.

"Wala ka nang pag-asa ro'n. Sa isang tao lang siya interesado."

"Huh? May girlfriend ba siya?"

"If that's the right term to name his treatment to that woman, well yes."

After magpamigay ng mga libro ni sir ay d-in-ismiss na rin niya ang klase.

"Hey, Hara!" agad kong nilingon si Daisy na nakahabol pala. "Ang bilis mo namang maglakad. Akala ko ba it-tour mo ako?"

Nawala sa isip ko na sasamahan ko pala siya umikot ngayon. Siyempre dahil ayoko namang maging masama sa tingin niya, pumayag na ako. Wala rin naman akong gagawin bukod sa magbasa at damhin ang masarap na simoy ng hangin sa may garden.

"Saan mo ba gusto mag-start?"

"Sa mga buildings sana rito sa buong campus. Ang mga building dito sa Moonstone parang pang-International school na ang datingan."

I agreed. "Bukod diyan, maganda rin ang simoy ng hangin dito."

Lumapit siya sa akin at humagikhik. "Atsaka maraming gwapo!"

Tumango nalang ako dahil pansin ko rin naman iyon. Well, Yael is handsome, mostly of my block mates were handsome too.

"Tara na. Pero samahan mo muna akong ibigay 'to." Ngayon ko lang napansin na dalawang libro ang dala niya.

"Kanino?"

"Kay Eltrex!" sabi niya sabay tili. Nagniningning pa ang mga mata. Seriously? Kinuha niya 'yan?! Ang alam ko si Daniel ang inutusan ni Sir Tolentino d'yan para maiabot kay Eltrex.

"Bakit nasa iyon 'yan?"

"First move," sabi lang niya at hinatak na ako para simulan na raw ang paghahanap kay Eltrex.

"Ikaw na lang kaya, Daisy?"

"No. Hindi pwede. Atsaka matagal ka na rito at naitanong ko rin kay Daniel na classmate pala kayo ni Eltrex simula noong high school-"

"Kay Daniel ka nalang magpasama, tutal close ang dalawang 'yon."

"Ih! Nahara, please? Mas kampante ako sa'yo kapag ikaw ang kasama ko kumpara kay Daniel." Iniwas ko ang tingin ko sa mukha niyang nagmamakaawa. Paano ko matitiis iyong mga ganitong tao?!

NaharaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon