"Hey, alam niyo na ba yung issue?"
We're cleaning our room nang basagin ni Vina ang katahimikan. Agad kaming napalingon ni Aliza sa kaniya nang mabanggit niya iyong issue raw. Nakita kong napailing si Aliza at tumuloy din agad sa ginagawa.
"Kung tungkol lang doon sa lab 'yan, pwede ba Vina, ayaw kong marinig."
Kumunot ang noo ko. "Bakit? Anong mayroon sa lab?" Nag-tinginan ang dalawa at ngumiti si Vina habang naka-peace sign kay Aliza. Masama ang tingin ni Aliza kay Vina pero nakita kong nangingiti naman siya.
"Ano ba 'yon? I-kwento mo na, Vina. Hayaan mo na si Aliza."
"Okay. Dahil mukhang alam na ni Aliza ang iku-kwento ko at curious na curious ka naman, Hara. Sasabihin ko na."
"Tss. 'Wag ka nang mag-intro." Tinawanan niya ako at lumapit sa akin.
"May isang Prof daw kasi na napadaan sa lab kahapon. Hindi niyo ka-department at nagawi lang talaga roon. Ngayon, may narinig daw siya na parang may humahalinghing na parang pusa. Out of curiosity, pumasok daw siya nang walang ingay at ganoon na lang daw ang gulat niya kung ano iyong nakita niya."
I think I already know what happened next. "Tapos? Ano iyong nakita niya?"
"E, 'di humahalinghing na pusa." Aniya sabay tawa.
Napatulala ako sa kaniya sa sobrang inis. "What the hell, Vina!" sabi ko sabay bato ko sa kaniya ng unan malapit sa akin.
"See? Malala na 'yang si Vina." Si Aliza na iiling-iling na lang.
Patuloy pa rin ang tawa ni Vina at hindi na nakabalik sa ginagawa. "You're so cute, Hara. Kung nakita mo lang ang reaction mo-"
"Oh, shut up, Vina." Nakita kong itinikom niya ang bibig niya at bumalik sa ginagawa. Napangiti ako. What a friend!
Inabot din kami ng 6 p.m. sa pagaayos at paglilinis ng buong silid. Um-order lang kami ng food dahil hindi na namin kaya ang mag-luto pa. Atsaka gutom na gutom na rin kami. After no'n ay namahinga lang kami saglit at natulog na.
Lunes at 9 a.m. ang klase ko ngayon. Nag-orientation lang last week kaya ngayon ang start ng totoong klase talaga. Sa gym kami ngayon at P.E ang subject. This year na lang ang P.E at next academic year ay wala na. May P.E uniform kami kaya iyon ang na ang sinoot ko. Last year ko pa 'to pero kasya pa naman sa akin at wala pang bagong design ng uniform nito kaya okay na sa'kin 'yon.
Nandoon na halos lahat ng kaklase ko sa gym pero wala pa naman si Sir Robles. At medyo nagulat pa ako nang makita sina Eltrex, Daniel, at Anton. Magka-klase pala kami sa subject na 'to. Then I saw Daisy. Siya rin?
"Hi, Hara, my friend!" kumaway siya sa akin. At dahil sa lakas ng boses niya, karamihan sa nasa loob ng gym ay napatingin sa gawi namin. Nginitian ko siya at kumaway din.
Nasa likod niya sina Eltrex at mga kaibigan nito kaya medyo conscious ako. Habang papunta sa gawi nila ay kumaway sa akin sina Daniela at Anton kaya ngumiti ako sa kanila. Tinignan nila si Eltrex at tinaas ni Daniel ang kaliwang kamay nito dahil nandoon siya sa kaliwa ni Eltrex at ikinaway sa akin.
Nangiti ako. Pero nawala rin 'yon nang nakita kong napadaing si Eltrex at sinamaan ng tingin si Daniel. I saw Daniel mouthing sorry habang nangingiti. Lumingon sa akin si Eltrex at ngumiti rin. Ngumiti rin naman ako.
"You're late." Sabi agad ni Daisy nang makalapit ako sa kaniya at maka-upo.
"Wala pa naman si Sir kaya okay lang." sabi ko sabay tawa. Tumawa rin siya at inabot sa akin ang isang juice in can. Hindi familiar sa akin ang brand no'n pero tinanggap ko pa rin.
BINABASA MO ANG
Nahara
RomanceKagaya nga ng kasabihan, mawawala ang lahat sa iyo pero hindi ang pamilya. Pamilya ang magbibigay sa iyo ng lakas at ng tunay na pagmamahal na hindi mabibili o mapapalitan ng kahit na ano. It doesn't matter if you're blood related or not. What matte...