Chapter V

0 0 0
                                    

After kong mailibot si Daisy ay nagpaalam na siya sa akin na kakain muna ng lunch. Hindi naming natapos ang paglilibot dahil masyadong Malaki ang campus at hindi kakayanin ng ilang oras lang.

At dahil hindi naman ako kakain at kaka-meryenda ko lang din, tatambay muna ako sa may garden. Naupo ako sa inupan namin kagabi. May mga kumakain din dito dahil mas masarap nga naman ang simoy ng hangin.

"Skipping lunch,"

Nag-angat ako ng tingin sa nagsalita. Anong ginagawa na naman niyan dito? Pinigilan ko ang mapairap kaya binaba ko nalang agad ag tingin ko sa librong hawak na dapat ay babasahin ko na.

"Just to read a book. Seriously?"

Sige lang, kausapin mo ang sarili mo, Eltrex. Bahala siya diyan magsalita nang magsalita. Pagkatapos ng ginawa niya sa'kin biglang ganito?

Naramdaman kong tumabi siya sa akin kaya dumasog ako ng kaunti palayo sa kaniya. Napansin niya 'yon at narinig ko ang mahinang tawa niya.

"Let's eat, Nahara." Aniya at gaya kagabi, inaabot niya sa akin ang pagkain. Hindi ko pa rin siya tinitingnan at sa pagkain lang ang tingin. Nang hindi ko kinukuha ang pagkain ay mas inilapit niya sa akin 'yon.

"Alam mong hindi maganda ang magpalipas ng gutom. Gusto mo pa bang subuan kita? Well, mas gusto ko 'yon-"

Agad kong kinuha ang pagkain at ibinaba ang tabang libro. "Thank you."

"No worries."

Napansin kong hindi niya binubuksan ang pagkain niya kaya nag-angat ako ng tingin sa kaniya. His eyes softened. "Finally."

Iniwas ko ang tingin sa kaniya at nang magsimula akong magbukas ng pagkain ay sinumulan na niya ring buksan iyong kaniya.

"Thank you for this, Eltrex. Hindi ka na sana nag-abala pa. Sa labas ka pa bumili pwede namang sa cafeteria nalang."

"Ayaw mo ba niyan? May gusto ka bang iba?"

Nilingon ko siya at agad umiling. "Gusto ko 'to, Eltrex. Ang sa akin lang, mas malapit kung sa cafeteria ka nalang bumili, napagod ka pa bumili nito sa labas. Okay lang sa akin ang kahit ano."

Amazed niya akong tiningnan. Ano bang sinabi ko? Shocks! Baka isipin niya na gusto ko pa ulit na bigyan niya ako ng food!

"Noted, Ma'am." Aniya at tumawa nang bahagya. Napailing na lang ako.

"So, sino iyong lalaki kanina?" Nagtataka akong tumingin sa kaniya. Pero siya, patuloy lang sa pagkain.

"Sino?"

"The guy in the cafeteria and the guy who asked for your digits in the gym."

Nanlaki ang mata ko. Alam kong nakita niya ako sa gym pero paano niya nakita iyong kay Shawn?

"Nanliligaw ba ang mga 'yon sa'yo?"

Tumawa ako nang bahagya para maibsan ang kaba. Bakit ba ako biglang kinabahan?!

"Hindi, friend ko iyong nasa cafeteria kanina at iyong sa gym naman mukhang mabait-"

"And how would you know that? Hindi porke't mabait na ang turing sa'yo ng isang tao ay dapat mo na silang pagkatiwalaan."

"I didn't say that I trust him-"

"Still, you gave him your digits. Ako nga, wala akong numero mo, hindi ko magawang humingi dahil alam kong ayaw mo at alam kong wala pa akong karapatan doon. Tapos siya? Damn!" Ibinaba niya ang pagkain at ginulo ang buhok. Inis na inis siya at pulang-pula ang mukha niya, even his ears and neck.

"What do you mean?"

Namumula niya pa rin akong tiningnan. Feeling ko habang nakatingin ako sa mga mata niya ngayon ay parang nakikita ko ang kaluluwa niya.

NaharaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon