Chapter XVIII

0 0 0
                                    

Hindi ko alam kung gaano na ako katagal nakatitig sa binta ng dorm. Umuulan at pinagmamasdan ko ang bawat patak nito. Just like before.

"Ilang oras na ba?"

"Thirty minutes pa lang naman,"

"That's not good. Kumain ba 'yan? Baka nalipasan ng-"

Inihagis ko sa kanila ang unan na nakita ko malapit sa'kin. Mabilis nila 'yong inilagan at tumatawa.

"Kumain ako, okay? Gusto ko lang mag-isip sandali." Sabi ko kay Vina at hindi na rin mapigilang tumawa.

"While counting raindrops?" hirit ulit ni Vina sabay tawa.

Lumayo na ako sa bintana at hinarap silang dalawa.

"Kayo bang dalawa, walang pasok ngayon?" Nagtinginan sila at sabay na umalis sa harapan ko at inabala ang mga sarili sa paggagayak.

Napa-iling ako at nag-ayos na rin. Wala akong pasok pero pupunta ako ng Sharam's ngayon. Balak ko kasing magpagawa ng bagong contact lens, iyong may grado na para hindi na ako magsosoot ng salamin. Atsaka bibisita na rin ako kay Miss Sharam.

Naunang lumabas sa'kin ang dalawa kaya ako ang nagsara ng dorm. Maulan pa nga at medyo nakakatamad lumabas pero mainam nang ngayon pumunta para hindi ko na alalahanin pa sa susunod.

Malapit na rin ang exam kaya siguradong magiging busy ako at hindi na makakalabas-labas ng campus.

Dahil nga naulan, siyempre may dala akong payong. Nasa labas ako ng campus at naghihintay ng sasakyan nang may bumusina sa harap ko.

Tinitigan kong mabuti ang nasa loob. Bumaba ang salamin sa kanang bintana at nagulat ako nang makita siya ngayon.

Pagkatapos nang nangyari sa kanila ay hindi ko na ulit siya nakausap. Kapag sa klase naman namin lagi kaming hindi nagpapang-abot kasi madalas akong nale-late nitong mga nakakaraan.

Gustong-gusto ko siya kausapin pero hindi kami laging pinagtatagpo.

"HI! Wanna ride?" masaya at masiglang bati nito. Medyo malakas din ang pagkakasabi niya no'n gawa ng ingay ng ulan.

Tumikhim ako bago bumati. Pinasigla ko rin ang boses ko kahit na medyo kabado. "Hindi na. Thank you-"

"Hindi ako tumatanggap ng no, Hara. Let's go! Ihahatid na kita."

Gusto ko siyang makausap. Siguro, ito na ang magandang pagkakataon para makausap ko siya.

Lumapit ako at binuksan ang pinto. "Malapit lang naman ako pero maraming salamat."

Ngumiti siya. "No worries. Gusto ko rin sanang makausap ka." aniya at nagsimula nang magmaneho.

Tumango ako, "Ako rin,"

Nasa daan ang mga mata niya at ang focus niya pero gusto niyang mag-usap kami. I-postponed ko na lang kaya ang pagpunta ko ng Sharam's? Para naman makapagusap kami nang maayos.

"Kumusta ka, Hara?"

Pareho sila ng tanong.

"Okay naman ako, Daisy. Ikaw?"

"I'm fine." Aniya at may malaking ngiti,

"That's' good to hear, Daisy. Ahm...gusto kong batiin ka. Congratulations sa pagka-panalo sa Mr. & Ms. Moonstone 2024." Panimula ko.

Sinulyapan niya ako saglit at tumango. "Thank you, Hara."

"Gusto ko rin na humingi ng tawad. I'm sorry. Napasalang ka tuloy sa contest nang biglaan,"

"That's not your fault. Ano nga palang dahilan kung bakit hindi ka naka-attend?"

Huminga ako nang malalim. Ayokong buksan ang usapan tungkol sa nangyari no'n pero ayokong magsinungaling sa kaniya.

NaharaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon