Kinabukasan ay maaga akong nagising. Wala akong pasok ngayon at bukas pa pero nagpasya na akong bumalik sa campus.
"Anong oras ka babalik anak? At talaga bang okay ka na?"
Umayos na ang pakiramdam ko kagabi dahil na rin siguro sa mga nangyari. Magaan na rin ang pakiramdam ko at ready nang sumabak sa kahit anong hamon ng buhay. Napatawa ako sa naisip.
"Okay na po ako Tita. Atsaka, sasamahan daw po ako ni Tito Andrew at Tita Sandra mag-mall ngayon, mga 9 a.m. Hindi po kasi ako nakabisita sa kanila nitong buwan dahil nasa ibang bansa sila nitong mga nakaraang lingo."
Tumango siya. Nagliligpit na ng pinagkainan namin. Hindi ko na naabutan si Tito Loren dahil maaga raw umalis dahil may flight ito nang maaga. Nag-message rin naman siya sa'kin.
"Balik ka ulit dito sa'min. Kila Shane ka ba sa weekend?"
Iyon pa nga pala. Baka sumaglit lang ako sa kanila dahil birthday ni Ate Helen sa Saturday at nagpapaalam sila lumiban ni Kuya Efren kaya kailangan kong umuwi ng bahay sa weekend.
"Opo. Pero baka saglit lang ako roon." Tumango si Tita. Ilang saglit lang ay may narinig na kaming bumusina. Pinabukas iyon ni Tita Janine sa isa mga kasambahay nila. Nagpa-alam lang ako saglit para kuhanin ang mga gamit ko sa taas. Naalala kong hindi ko pala nakuha ang nalaglag kong cap kagabi. Isa pa naman iyon sa mga favorite ko.
Pagbaba ko ay naabutan ko sa sala sina Tito Andrew at Tita Sandra kausap si Tita Janine. Napatingin sila sa akin nang makalapit ako. Agad tumayo si Tita Sandra at niyakap ako.
"My goodness, darling! Are you okay?"
"Yes, Tita. Ayos na ako."
"I told you to transfer to another school pero mas pinipili mo pa rin ang school nila Kenneth." Aniya at hinatak ako para makaupo.
"Hon, mainam na nandoon siya kila Kenneth. Mas mahigpit na ngayon ang campus nila kumpara noon kaya 'wag mo nang palipatin itong si Hara. Bakit, gusto mo bang lumipat na?"
Matagal na nila akong pinapalipat ng school pero ako mismo ang patuloy na pumipili sa school na 'yon. Kahit pa andoon ang mga taong nang-bully sa akin noon, andoon din naman ang mga kaibigan ko. Atsaka mas komportable ako roon.
"Okay lang po ako roon. Atsaka ilang taon nalang din po at magtatapos na ako."
Ilang minuto rin ang naging kwentuhan bago kami umalis. Kung hindi pa nag-aya si Tito Andrew ay baka mas lalong napasarap ang kwentuhan nila Tita Janine at Tita Sandra.
"Talagang bang maayos ang lagay mo roon, Nahara?"
Huminga ako nang malalim at ngumiti kay Tita Sandra. "Yes po. Atsaka magsasabi po ako agad kung may problem."
"That's good. Para saan pa at nandito kami, right hon?"
Tumango si Tito Andrew at nginitian ako sa rear-view mirror. "We're always here, anak." Ngumiti ako at pinigilan ang pagtulo ng luha. Deserve ko ba 'to, Lord?
Nang makarating kami sa mall ay sa may grocery ang una naming pinuntahan. "Ilan na nga kayo sa room?" tanong ni Tita habang namimili ng gulay. Si Tito ay tamang taga-tulak ng cart.
"Tatlo po kami."
"I am sure na may enough space naman sa room dahil ayaw din ni Mariecris ng masikip." Natawa ako. Tama siya at iyon ang isa sa mga katangian ng Moonstone. Maluwang ito at malinis.
Nang magbabayad na kami ay nag-abot agad ako ng card sa cashier pero agad din 'yong kinuha ni Tito Andrew at ibinalik sa'kin.
"I will pay for this, Hara." Agad niyang iniabot ang card niya sa cashier.
BINABASA MO ANG
Nahara
RomanceKagaya nga ng kasabihan, mawawala ang lahat sa iyo pero hindi ang pamilya. Pamilya ang magbibigay sa iyo ng lakas at ng tunay na pagmamahal na hindi mabibili o mapapalitan ng kahit na ano. It doesn't matter if you're blood related or not. What matte...