Pinaglalaruan ba kami ng tadhana?! Kung kailan kami nagkasagutan nang ganito tsaka pa kami masasaraduhan dito sa rooftop?! My goodness!
Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa ng soot kong pants para i-message sana sina Vina at Aliza pero wala iyon. Then I remember na nasa bag ko iyon! Sobrang nice timing. Nagsisisigaw pa ako kanina baka may makarinig sa akin pero wala talaga hanggang sa napagod ako at napaupo na lang.
Hindi umimik si Eltrex at tahimik lang. Medyo kabado ako sa posisyon niya ngayon. Nasa may edge na siya ng rooftop! Paano kung maisipan tumalon ng isang 'to?! Hindi ba siya nagi-isip? Kahit galit ako sa kaniya ay naga-alala pa rin ako.
Gumagabi na at mukhang bukas pa kami makakalabas dito. My goodness! Ngayon lang nangyari sa akin 'to. Kumain kaya siya? Kasi ako kaya ko pa hanggang bukas kasi kumain kami kanina. Pero ayoko siyang kausapin.
I tried to look for chair pero wala talaga. Malinis na ang rooftop ngayon at walang kahit na anong dumi. Napansin siguro ni Eltrex na palakad-lakad ako kaya nagtama ang paningin namin. Ako na agad ang umiwas at bumalik nalang sa dating inuupuan. May silong naman ito kaya kahit papaano ay hindi mahamog.
So, ganito lang? Hindi ko ata kakayanin na mag-stay ng isang gabi dito. At mukhang pinagla-laruan talaga kami ng tadhana dahil bigla nalang bumuhos ang malakas na ulan!
Nakita kong walang kagalaw-galaw si Eltrex kahit pa nababasa na nang ulan. Nasisiraan na ba siya? Agad akong lumapit sa kaniya at hinampas siya.
"Baliw ka na ba talaga, Eltrex?! Bakit ba ayaw mong sumilong para-"
Tumayo siya at nagulat ako sa susunod niyang ginawa. I felt his lips brushed against mine. Na-estatwa ako sa kinatatayuan ko at parang nawalan ng lakas. Huminto siya at mariin ang titig sa akin. Nakabuka ang mga labi niya at ganoon din ako dahil sa gulat. What the hell!
Itutulak ko na siya nang abot ng aking lakas pero niyakap niya ako nang mahigpit. Mahigpit ang kapit niya sa baiwang ko at ang mukha niya ay nasa leeg ko na.
"E-Eltrex,"
"I-I'm so sorry, Nahara. I'm so immature and stubborn. Yes, I judged you too quickly pero hindi mo ako masisisi, I couldn't understand myself either. I'm sorry for being a jerk. I'm so sorry, Nahara."
Kung kanina ay pinipigilan ko pang isipin na guni-guni ang luha niya pero ngayon ay totoo na. Naririnig ko ang paghikbi niya. Paulit-ulit din ang pagsasabi niya ng sorry. Niyakap ko siya pabalik at tinapik ang likod niya.
"H-Hindi ko alam na guardians mo sila. I am so sorry. Napangunahan lang ako ng selos at galit. I'm sorry."
Tumango ako habang tinatapik pa rin ang likod niya. "I-It's alright, Eltrex. Naiintindihan ko."
Kakalas na sana ako yakap pero pinigilan niya ako. "Please, just this once? Let me hug you, Nahara. Please? Ilang minuto lang at darating na ang magbubukas nito kaya makakabalik ka rin agad sa dorm mo. Uminom ka agad ng gamot para hindi bumalik ang sakit mo." Tumango ako.
Kahit pa sumilong kami ngayon, wala na ring use 'yon dahil basang-basa na kami. At gaya nga ng sabi niya, ilang minuto lang ay may nagbukas na ng pinto.
"Okay lang ba kayo?" tanong ng isang guard na naka-kapote. Nag-abot siya sa amin ng tig-isang jacket na hindi ko alam kung saan galing.
"Mga bata kayo, oo. Bakit hindi kayo sumigaw agad nung narinig niyong nagsara na? Atsaka alam ninyong iba-iba ng schedule ang pagsara nito kaya hangga't maaari ay panatilihing naka-bukas ang pinto."
Walang kumikibo sa amin ni Eltrex at ang guard lang ang apura ang salita. Inihatid nila ako sa tapat ng dorm. Nag-thank you ako at hindi na tiningnan pa si Eltrex.
BINABASA MO ANG
Nahara
RomanceKagaya nga ng kasabihan, mawawala ang lahat sa iyo pero hindi ang pamilya. Pamilya ang magbibigay sa iyo ng lakas at ng tunay na pagmamahal na hindi mabibili o mapapalitan ng kahit na ano. It doesn't matter if you're blood related or not. What matte...