Nagising ako dahil sa katok sa pinto kinabukasan.
Tiningnan ko ang oras sa phone ko at nakitang alas-sais na ng umaga. Napapikit ako nang maalala ang mga nangyari kahapon.
"Hara?"
Tumayo na ako at binuksan ang pinto. Si Selene.
"Hi! Good morning!" aniya habang nakangiti at kumaway pa.
"Good morning,"
"Sorry kung naiwan ka namin dito kagabi. Uhm... kaya babawi kami ngayon. Tara, kumain na tayo."
"It's okay, Selene. Sige, susunod na lang ako. Mag-aayos lang ako saglit."
Tumango siya at hinayaan akong gawin ang mga dapat kong gawin. Inayos ko ang sarili ko at nang handa na ay kinuha ko ang dala kong bag at bumaba na.
Nakapag-palit din pala ako ng damit dahil may mga new clothes dito sa kwarto. Naipag-paalam ko naman 'yon kay Eltrex at pumayag naman siya.
Nang tuluyan akong makababa ay naabutan ko silang lahat sa dining table. Tumingin sila sa gawi ko nang mapansing nakababa na ako.
"Good morning, Hara!" sabay-sabay nilang sabi.
"Good morning!"
Tumayo si Harold at iginiya ako sa kanang bahagi ng kabisera. Umupo ako roon. Katapat ko si Harol, nasa kaliwang bahagi naman siya at katabi niya si Selene. Ang katabi ko naman ay si Pat at katabi naman niya si Lukas at si Ken na.
Sabay-sabay kaming napalingon nang biglang dumating si Eltrex na may dalang medium size na bowl. Wala siyang pang itaas na damit at naka-apron lang.
Agad niya akong napansin at ngumiti.
Wait, okay na ba siya? Parang kagabi lang kung indahin niya ang sugat niya ay parang gusto na niyang magpadala sa hospital.
"Hi! Good morning, Stella!" aniya nang naibaba na ang pagkain sa lamesa.
"Good morning,"
Inalis niya ang apron at itinabi 'yon. Iniwas ko ang tingin sa katawan niya. Nakita kong nginingisihan na naman ako ni Harold at alam ko kung anong ibig sabihin niya!
"Let's eat." Si Eltrex nang maka-upo na sa kabisera.
Selene leads the prayer before we eat.
"Do you cook all of these?" tanong ko kay Eltrex.
Tatlong klase ng ulam ang naka-hain sa mesa ngayon. Ang mga kasama naman namin ay busy na sa pagkuha ng pagkain.
"Yes. Maaga ako nagising kaya-"
"Magaling ka na ba nang tuluyan?" hindi ko na siya pinatapos dahil sa kaunting inis na namumuo sa damdamin ko.
"Kaya ko na. Atsaka naalagaan mo naman ako nang husto kagabi."
Nanlaki ang mga mata ko at bumaling sa mga kasama namin. Mukhang hindi naman nila naririnig ang mga pinag-uusapan namin.
"Fine. Katawan mo naman 'yan kaya ikaw ang lubos na nakakaalam kung kaya mo na talaga."
Ngumiti siya at tumango sa'kin. "Anong gusto mo?"
Tinuro ko ang gusto ko sa kaniya at agad naman siyang nag-sandok at inilagay 'yon sa plato ko. Kinuha ko pa 'yon sa kaniya pero iniwas niya sa'kin kaya hinayaan ko na siya.
"You never did that to us, Silva!" medyo nagda-dramang sabi ni Selene.
Eltrex just chuckled. "Bakit? May kamay naman kayo, a."
What?
Nag-tawanan sila. "Pagpasensyahan mo na, Hara at talagang ganito lang kami." Sabi ni Pat.
Tumango ako. "It's fine."
BINABASA MO ANG
Nahara
RomanceKagaya nga ng kasabihan, mawawala ang lahat sa iyo pero hindi ang pamilya. Pamilya ang magbibigay sa iyo ng lakas at ng tunay na pagmamahal na hindi mabibili o mapapalitan ng kahit na ano. It doesn't matter if you're blood related or not. What matte...