Chapter Two

24.7K 573 31
                                    

Chapter Two

Present time

SEC Hotel

Manila, Philippines

MULING sinulyapan ni Joseph ang suot na relo at ngumiwi nang makitang pasado alas-tres na ng hapon. Dinampot niya ang tasa nang ngayon ay malamig na niyang kape.

"So, you're a cop?"

Nag-angat siya ng tingin at pilit na nginitian ang kaharap. Ano nga ba ang pangalan nito? Lizzy? Lina? Lyka?

"Yeah... you could say that," sagot niya kahit na ang totoo ay hindi siya isang pulis. Isa siyang sundalo at ngayon ay miyembro ng

"Para sa akin, ang hot ng mga taong nakauniporme." Kinindatan siya ng babae at malagkit ang tingin na pinasadahan ang kanyang mga labi hanggang sa bumaba ang tingin nito sa kanyang dibdib.

Parang gusto niyang tanggalin ang isa sa mga butones ng suot na suit at luwagan ang kanyang necktie. Hindi dahil nag-iinit siya sa tingin ng kaharap kundi dahil malapit na siyang maalibadbaran sa presensiya nito. Kanina pa niya gustong itanong kung paano nito natatagalan ang napakaraming kolerete na nakapahid sa mukha nito. Pero pinigilan niya ang sarili.

Alam niyang kapag ginawa niya ang bagay na iyon ay hindi siya makakaligtas sa sermon ng ina. Nakikini-kinita na niya ang magiging reaksiyon nito..

"Isa kang Felizardo. At ang mga lalaki sa pamilya natin ay marunong gumalang sa mga babae. Tingnan mo ang papa mo."

Right! Sa sobrang galang ng papa niya sa mga babaeng nakakasalamuha, lahat ay isinasama nito sa hotel at nagdya-jack en poy magdamag.

Muling sinulyapan ni Joseph ang relo at pinilit na pigilin ang ungol na gusto nang kumawala sa kanyang bibig.

Bloody hell. Limang minuto pa lang ang nakakalipas mula nang dumating siya roon para makipagkita sa hindi na niya mabilang kung pang-ilan sa mga inireto ng ina pero pakiramdam niya ay tatlong oras na siyang nakaupo sa harap ng babae.

Ayon kay Madam Sylvia Felizardo, kailangan niyang tumagal ng kahit tatlumpung minuto sa mga blind dates niya bago siya makaalis. At meron pa siyang dalawampu't limang minuto bago matakasan ang babaeng pakiramdam niya ay tutunawin siya sa titig.

Tumikhim siya at tiningnan ang babae. Mas mabilis sigurong lilipas ang oras kung kakausapin niya ito.

"Ikaw, ano'ng trabaho mo?"

Nagningning ang mga mata nito, ngumiti at tinapik ang buhok papunta sa likod. "Oh, I'm a model," sagot nito.

"Uhh... nice," matipid na sabi niya.

Ilan na ba ang modelong inireto sa kanya ng ina. Siyam? Isang dosena? Kailan ba makukuha ng kanyang mama na hindi siya interesado sa mga modelo o sa kahit na sinong babae na ipapain nito sa kanya.

"Yeah. And you know what..." Blah. Blah. Blah. Blah.

Peke ang ngiting tumango-tango siya sa sinasabi ng babae, kunwari ay nakikinig siya sa mga sinasabi nito. Pero ang totoo, nasa ibang bagay ang isip niya. Mas importante pa sa ginagamit na shampoo products at kulay ng manicure na ikinukuwento ni Lizzy? Lina? Lyka? O kung ano man ang pangalan nito.

Importanteng bagay kagaya ng kasong hawak niya ngayon. Walong buwan nang tina-track ng kanyang team ang drug cartel ng isa sa mga notorious drug dealer na wanted sa Amerika at dito sa Pilipinas nagtatago.

"... can you believe that? Alam ko namang maganda ako. Sino ba'ng hindi makakapansin n'on? Pero alam mo ba..." Humagikgik ito, dinampot ang baso ng wine at iwinasiwas iyon sa ere na naging dahilan para matalsikan ng alak ang suot niyang suit. "Oh, my Goood... I'm sooo sorry!" nanlalaki ang matang sabi nito. Kumuha ito ng tissue at dali-daling tumayo. Lumapit ito sa kanya at pinunasan ang kanyang damit. O mas eksakto sigurong sabihin na hinahawakan nito ang kanyang dibdib.

Dangerous KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon