Chapter Twenty-Three

13.7K 384 44
                                    

Chapter Twenty-Three

"Samantha, don't do this... please!"

Pinilit ni Savannah na humakbang palayo at wag tingnan si Joseph para hindi na makita pa ang reaksyon nito sa gagawin niya. Nagdudusa rin siya at gustuhin man niyang ipaliwanag kay Joseph ang lahat ay hindi na niya magagawa yun ngayon.

Ito lang ang tanging paraan para mapasok niya ang Belial Triangle.

Determinadong humakbang siya palapit sa lider ng grupong humarang sa kanila. Maitim ang lalaki at may tattoo ng cobra sa braso. Nakasuot ito ng itim na maskara na disenyong bungo at may tatak na tarantula.

"Lupin." Pakilala niya at inilahad ang kamay.

"Cobra." Sagot nito at sa halip na tanggapin ang pakikipag-kamay niya ay hinalikan nito ang likod ng kanyang palad.

Binawi niya ang kamay at ngumiti. "We should go." Aniya. Hindi niya isusugal ang kaligtasan ni Joseph at nang kasamahan nito. Mas maaga niyang mailalayo ang  grupo, mas maganda.

"Samantha, no--argh..."

Nilingon niya si Joseph at halos kumulo ang dugo niya nang makitang bumagsak ito sa lupa matapos hampasin ng hawak na baril ng isa sa mga sindikato. Kinailangan niyang ibaon ang kuko sa palad para pigilan ang sarili na balian ng kamay ang lalaki.

Ngumisi ang lider ng grupo at gamit ang hawak nitong M16 ay itinuro nito ang direksyon nina Joseph.

"Kill 'em." Anito sa kanya.

Nanlamig ang buong katawan ni Samantha sa narinig. "What?" Ni hindi niya nagawang itago ang pag-aalala para kay Joseph.

"Kill 'em and we're leavin'!" Anito at inihagis sa kanya ang isa pang baril.

Hindi na niya napigilan ang pangangatal ng kamay habang pinagmamasdan ang hawak na baril. Simula ng maging miyembro siya ng UCA elite group ng CIA, ni minsan ay hindi siya humawak ng baril.

Ngayon lang.

Ngayon lang at kailangan niyang gamitin ang hawak na baril kay Joseph.

Lumunok siya at sinulyapan ang kasintahan. Nakatingin ito sa kanya na para bang hinahamon siyang gawin ang ipinagagawa sa kanya. Dumako ang tingin niya sa kaibigan ni Joseph, nakaluhod ito sa lupa yakap ang kapatid na babae na pinakawalan ng grupo matapos niyang sabihin na siya nga si Lupin.

Ito ba ang kailangan niyang gawin para tuluyang mapasok ang Belial Triangle? Ang pumatay? Ang patayin ang lalaking minamahal?

"What are ye waitin' for?"

Pumikit siya at humugot nang malalim na hininga. Itinaas niya ang hawak na baril at itinutok iyon kay Joseph. Inilagay niya ang daliri sa gatilyo ng baril at muling huminga ng malalim.

Kailangan niyang gawin 'to.

Wala siyang pagpipilian

Bago pa man magbago ang isip niya ay mabilis siyang pumihit pahaarap sa lider ng grupo at doon itinutok ang hawak na baril.
Halos sabay-sabay naman na nagkasa ng baril ang lahat nang nakapaligid na miyembro ng Belial at itinutok sa kanya.

"What are ye doin', Lupin?" Tanong ni Cobra, ni hindi mababakas ang pag-aalala kahit na nakatutok na dito ang hawak niyang baril.
Pinagkiskis niya ang ngipin at saglit na sinulyapan ang lahat ng nakapaligid sa kanila. Dalawang dosena at lahat armado ng iba't-ibang klase ng baril. Kapag nagkamali siya, utak niya ang sasabog dito.

Huminga siya ng malalim at ngumiti.
"I can't kill him. He's the president's son. We need him." Aniya.

Natigilan ang lalaki at mabilis na tiningnan si Joseph.

"He's the president's son?" Bakas sa boses nito ang pagkagulat.

Isa sa mga lalaki ang lumapit kay Cobra at may ibinulong na kung ano. Mayamaya ay tumango ang lider at sinenyasan ang mga kasamahan.

"We're bringin' him with us. Tie him up."

"How 'bout the ot'er two?" Tanong ng isa habang nakatingin sa magkapatid.

"We're leavin' 'em here." Anito at ngumisi sa direksyon niya. "Malady, it's time to meet our protector." Inialok nito ang braso sa kanya at kahit labag sa loob ay napilitan siyang tanggapin iyon.

Pinilit niyang ngumiti kahit na gustong-gusto na niyang kalabitin ang gatilyo ng hawak na baril. At isang bagay lang ang pumipigil sa kanya na pasabugin ang utak ng lalaki sa harap niya.

"C'mon. His waitin' for ye."

At iyon mismo ang gusto niyang mangyari. Ang makilala kung sino ang protector ng Belial dito sa Pilipinas.

Nang humakbang siya ay pasimple niyang hinawakan ang suot na relo at pinaikot ang bilog na nakakabit doon. Tahimik na ipinagdasal niya na sana ay mahanap sila ni Elisa.

Dangerous KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon