Chapter Six
Agad na nagtayuan ang lahat ng balahibo ni Savannah nang umapak sya sa loob ng kanyang penthouse.
May tao sa loob.
Dahan-dahan nyang isinara ang pinto at kinuha ang tinago nyang maliit na kutsilyo sa kanyang kanang hita.
Huminga sya ng malalim at maingat ang mga hakbang na naglakad papasok.
Wala sa salas.
Muli nyang pinakiramdam ang paligid at doon nya narinig ang kaluskos na nagmumula sa kusina.
Pumihit sya paharap sa kusina at dahan-dahang nagtungo roon. Idinikit nya ang likod sa pader at hinintay na lumabas ng kusina ang kung sino mang pangahas na bumisita sa loob ng kanyang penthouse.
Nang maramdaman nyang palabas na ang kanyang bisita ay agad na sinunggaban nya ang kamay nito, ipinilipit sa papunta sa likod ang braso, itinulak paharap sa pader at itinapat ang hawak nyang kutsilyo sa leeg nito.
"WHAT THE HELL!" Galit na sigaw ng kanyang...
"Elisa?" Aniya at mabilis na binitawan ang kaibigan.
"Ow... oww... ooow!" Hinimas ni Elisa ang braso at nanlilisik ang mata na tumingin sa kanya. "Babalian mo ba ako ng buto? My God! Oww..." Nakangiwing naglakad ito papunta sa salas at sumalampak ng upo sa kanyang sofa.
"Oops, sorry! My bad!" Nakangiting sinundan nya ang kaibigan. "Hindi ka man lang kasi nagsabing pupunta ka dito." Nakasimangot na dugtong pa nya.
"Hello... ilang beses kaya kitang tinawagan. Saan ka ba kasi galing?" Magka-salubong ang kilay na sabi ni Elisa.
Ipinatong nya ang hawak na kutsilyo sa coffee table at naupo. "Sa gym." Kaswal na sagot nya.
"Right! Nakipag-landian ka na naman sa mga instructor dun." Pinaikot nito ang mata.
"Ako? Hindi ba mas expert ka sakin pagdating sa pakikipag-harutan sa mga--" Natatawang tumigil sya sa pagsasalita nang tingnan sya ng masama ni Elisa. "Okay, fine. Forget it. Bakit ka napadaan dito?"
Bumuntong-hininga si Elisa at inihagis sa kanya ang isang folder. Mag-kasalubong ang kilay na binuklat nya ang folder at binasa ang nakasulat doon.
"Sa Pilipinas ang sunod nating trabaho." Kaswal na sabi nito.
"What?" Namimilog ang matang sabi nya. Sinuklay nya nang kamay ang buhok at nilapitan si Elisa. "A-anong ibig mong sabihin na sa Pilipinas ang sunod na..." Ipinikit nya ang mata at muling tumalikod. "Si Henry? Sya ang may pakana nito, right?" Naiinis na aniya.
"Kumalma ka nga, Van." Sabi ni Elisa.
"Kumalma? Kumalma?!" Tumingin sya sa kisame at ikinuyom ang kamao. "Paano ako kakalma? Ang usapan namin hindi ako babalik ng Pilipinas. Wala syang ipapatrabaho mula sa Pilipinas." Sigaw nya.
"I know... pero wala tayong magagawa. Ito ang huling ticket natin para makapasok tayo sa Triangle." Sabi ni Elisa.
"I said no and that's final." Galit na aniya bago sya tumalikod at naglakad patungo sa pinto ng kanyang kwarto
Bumuntong-hininga si Elisa at tumayo. "At kelan mo pa pala balak bumalik sa Pilipinas? It's been fifteen years, Van. Fifteen!" Sigaw na sagot ni Elisa. "Dahil lang sa ayaw mong umuwi ng Pilipinas... tatlong buwan na lang isasara na ang kaso ng magulang at kapatid mo at kahit na mahuli mo ang pumatay sa kanila, huli na ang lahat para mabigyan mo ng hustisya ang pagakamatay nila."
Huminto sya sa kinatatayuan at nilingon si Elisa. "Hindi pa ko handang bumalik, Elisa." Nanginginig ang katawan na aniya.
"Pero kailangan mo nang bumalik." Sagot nito. Naglakad ito palapit sa kanya at niyakap sya. "Mahal mo pa ba sya?"
BINABASA MO ANG
Dangerous Kiss
AcciónPUBLISHED UNDER PRECIOUS HEARTS ROMANCES Isa sa pinakamagaling na miyembro ng Federal Bureau of Investigation Secret Alliance si Joseph, dahilan upang sa kanya ipahawak ang kaso ng most wanted na magnanakaw na si Lupin. Ang auction ng first lady ng...