Chapter Thirteen
"I believe we have something to discuss, Agent Collins." May kinuha ito sa bulsa at ipinakita sa kanya ang badge na dala. "Names Sandra Nichols." Dugtong pa nito.
Lumunok si Savannah at kahit na masakit ang kanyang balikat ay agad syang tumayo at sumaludo. Ngayon nya lang nakita ang babae sa kanyang harap pero pamilyar ang pangalan nito. Chief Director/Colonel Sandra Nichols, ang half-American-half-Filipino na may hawak sa grupo ni Savannah.
Nang maupo ito sa sofa na nasa gitna ng kwarto ni Savannah at sumenyas na maaari na syang maupo, ay agad syang sumunod. Maya-maya pa ay may inilapag itong brown envelope sa coffee table na nasa pagitan nila.
"What's that?" Tiim ang bagang na tanong nya.
"Open it and see for yourself." Seryosong sagot nito.
Lumunok si Savannah at dahan-dahang dinampot ang envelope. Muli syang tumingin sa kaharap bago nya binuksan ang hawak. Para syang sinuntok sa sikmura nang makita kung ano ang laman nito. Nanginig ang buo nyang katawan at agad nyang hinawakan ang bibig.
"Natatandaan mo pa ba yan, Agent Collins?" Tanong ng babae.
Paano nya makakalimutan ang bagay na 'yon? Muli nyang sinulyapan ang mga litrato na hawak nya. Litrato iyon ng kanilang bahay na naabo dahil sa malakas na pagsabog.
"Why are you doing this?" Galit na sigaw nya.
"You're asking me why?" Ngumiti si Sandra, pero agad ding nabura ang ngiti nito at naging seryoso. "Dahil balak mong sirain ang limang taon--no, make it fifteen, dahil balak mong sirain ang labing limang taon na ginugol natin sa planong ito, Agent Collins."
"Dahil nagsinungaling kayo sakin." Sigaw nya. "Nagsinungaling kayo tungkol sa kapatid ko." Nanggigil na sabi nya.
"Believe me, Agent, hindi namin ginusto na--"
Tumayo si Savannah ay inihagis ang envelope na hawak nya na naging dahilan para kumalat ang lahat ng laman nito.
Pero sa halip na magalit si Sandra ay kalmadong sumandal ito. "Sixteen years ago, ini-imbestigahan ng gobyerno ng Amerika ang isang underground syndicate. Kaso ng human trafficking, child prostitution, black market, bentahan ng droga, at murder case ang iki-nunekta sa kanila. At sa dami ng kasong naitala, sa dami ng mga babaeng dinukot, sa dami ng mga napatay, bigo pa rin ang Amerika na sugpuin ang grupo nila."
Ikinuyom ni Savannah ang kamao. That's it! Hindi man lang ba nila ipapaliwanag sa kanya kung bakit inilihim nila ang tungkol kay Ysabelle?
Alam na nya ang tungkol sa sinasabi nito. Alam na nya ang tungkol sa Belial Triangle dahil limang taon nyang pinag-aralan ang grupong iyon.
"Nandito ka ba para lang sabihin yan? Dahil kung yan lang ang dahilan, matagal ko nang alam ang--"
"Nandito ako para ipaalala sayo kung gaano kalaki ang responsibilidad mo, Agent." Galit na saad nito. "Kaya bakit hindi ka maupo at pakinggan kung ano ang sasabihin ko." Dugtong pa nito.
Pinagkiskis ni Savannah ang ngipin at tahimik na naupo. Ilang minuto silang nag-sukatan ng tingin bago muling nagsalita ang babae.
"Now, where are we..." Inayos nito ang mga litrato na nakakalat sa lamesa at dinampot ang isa sa mga ito. "As I was saying, sixteen years ago, lumitaw ang Belial Triangle at sa loob lang ng isang buwan, sila na ang pinaka-malaking grupo ng sindikato sa buong mundo."
Iniharap nito sa kanya ang isang papel kung saan naka-imprenta ang simbolo nang Belial. Isang tarantula na nasa loob ng itim na bungo.
"At dahil kalat na, hindi lang sa Amerika, kundi sa buong panig ng mundo ang ginagawa ng grupong ito, bumuo ang gobyerno ng Amerika ng grupo na binubuo ng mga beteranong sundalo galing sa iba't ibang bansa na magiging undercover agents para mapasok natin ang Belial. Tinawag silang Scorpius."
Parang muling kinapos nang hininga si Savannah. Scorpius. Paulit-ulit na narinig nya ang huling salitang binitawan ng ama. Scorpius. Arion. Itinuon ni Savannah ang siko sa kanyang tuhod at yumuko.
"Matapos ang anim na buwan, isang miyembro ng Scorpius ang nagtagumpay na mapasok ang Belial at--"
Impit nang humikbi si Savannah. Hindi pa man natatapos ni Col. Nichols ang sasabihin nito, ay alam na nya kung sino ang sundalong tinutukoy nito.
"It's my dad, right?" Umiiyak na tanong nya.
"Lieutenant Lucas Fontanilla a.k.a, Arion." Sagot nito. "You're right, Savannah. It's your dad." Kumpirma nito.
Ang impit na iyak nya ay naging hagulgol. Hinawakan nya ang tapat ng dibdib at mahinang hinampas-hampas iyon. "Daaad..." paulit-ulit na bulong nya.
"I'm sorry, Savannah." Malungkot na sabi nito.
BINABASA MO ANG
Dangerous Kiss
ActionPUBLISHED UNDER PRECIOUS HEARTS ROMANCES Isa sa pinakamagaling na miyembro ng Federal Bureau of Investigation Secret Alliance si Joseph, dahilan upang sa kanya ipahawak ang kaso ng most wanted na magnanakaw na si Lupin. Ang auction ng first lady ng...