Chapter Nine
Panaginip lang ang lahat.
Sigurado si Samantha na isang malaking bangungot lang ang lahat ng nangyari. Na ang labing limang taon na pananatili nya sa Amerika ay isang panaginip lang. Na hindi totoong namatay ang kanyang magulang at kapatid, na hindi sya si Savannah Elizabeth Collins --tagapag-mana ng SEC group of company at isa sa most wanted na magnanakaw sa buong mundo.
Hindi sya si Savannah, sya si Samantha Fontanilla, fourth year highschool at nobyo nya ang pinaka-gwapong police cadet sa Pilipinas.
Sigurado syang ngayon pa lang ang araw na ipapa-alam nila ni Joseph ang kanilang relasyon sa kanyang magulang. Dahil kung hindi panaginip ang buong labing limang taon, bakit nasa harap nya ngayon si Joseph habang magkayakap sila at pinagsasaluhan ang isang mainit at mapusok na halik?
Marc-ko.
Hindi na napigilan ni Savannah ang kanyang emosyon at agad na naglandas ang luha nya sa kanyang pisngi. Inilapat nya ang magkabilang palad sa pisngi ni Joseph para siguraduhing nasa harap nga niya ang kasintahan, at halos lumundag ang kanyang puso sa sobrang tuwa nang dumaloy sa kanyang palad ang init na nagmumula sa nag-iisang lalaking kanyang minahal.
"Samantha." Ungol ni Joseph bago bumaba ang halik nito sa kanyang leeg.
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Samantha at agad na inilayo ang mukha sa mukha ng kasintahan. Parang naalimpungatang kumurap-kurap sya.
Hindi panaginip ang lahat.
Pakiramdam nya ay tumigil ang tibok ng kanyang puso at mabilis na bumalik sa kanyang alaala ang nangyari noon. Noong iniwan sya ni Joseph sa panahong kailangang-kailangan nya ito sa kanyang tabi.
'Joseph... tumawag ka ng ambulansya.'
Tandang-tanda nya pa ang likod ni Joseph nang tumakbo ito palabas ng kanilang bahay para iwanan sya.
Mabilis na bumalik ang lahat ng sakit at kirot na naramdaman nya sa loob ng labing limang taon. Parang napasong agad na tumayo sya mula sa kandungan ng binata at nanginginig ang tuhod na humakbang paatras hanggang tumama ang likod nya sa pader ng elevator na sinasakyan nila.
Hindi si Joseph ang kaharap nya.Hindi ang binatilyong itsura ni Joseph ang nasa harap nya. Hindi ito ang kanyang Joseph.
Ito si Agent Joseph Marco Felizardo III, ang lalaking kinamumuhian nya. Ang lalaking magdadala sa kanya sa bilangguan kapag nagpadala sya sa kanyang emosyon.
Hindi rin sya si Samantha Fontanilla. Sya si Savannah Elizabeth Collins at ang tanging laman ng kanyang puso't isip ay ang paghihiganti sa taong sumira ng kanyang pamilya at walang puwang sa buhay nya ang lalaking nasa harap nya.
"Savannah."
Lumipad ang tingin nya sa pinto ng elevator at napasinghap sya ng makitang nakatayo at nakatingin sa kanya si Elisa, katabi nito si Andrew at ang ilang staff ng kanilang hotel na kapwa nakaawang ang labi.
Pumikit sya at isinuklay ang daliri sa buhok.
Crap!
Humugot sya nang malalim na hininga at iminulat ang mata. Pinlantsa nya ang suot na damit --na natanggal na pala ang tatlong butones ng hindi man lang nya namamalayan--gamit ang palad, bago sya tumayo ng tuwid. Sinubukan nyang wag tapunan ng pansin ang lalaking kanina lang ay kasalo nya sa mainit na halik. Sa isang delikado at mainit na halik. Muli syang huminga ng malalim upang kalmahin ang sarili tsaka sya humakbang.
Pero mukhang hindi nagawang pakalmahin ni Savannah ang buo nyang katawan dahil halos bumigay ang tuhod nya sa paghakbang. Bago pa man sya matumba at humampas ang mukha nya sa sahig ay naramdaman nyang gumapos ang braso ni Joseph sa kanyang bewang.
BINABASA MO ANG
Dangerous Kiss
ActionPUBLISHED UNDER PRECIOUS HEARTS ROMANCES Isa sa pinakamagaling na miyembro ng Federal Bureau of Investigation Secret Alliance si Joseph, dahilan upang sa kanya ipahawak ang kaso ng most wanted na magnanakaw na si Lupin. Ang auction ng first lady ng...